Chapter 21

906 17 0
                                    


CHAPTER 21

TIFFANY'S POV

Dumating na ang araw ng Acquaintance Party at isinabay pa ito sa Valentine's Day. Excited na akong makita si Ace na nakasuot ng tuxedo! Siguradong gwapo iyon. Iyong gown ko naman ay simple lang at inarkila ko lang kay Aling Minda, iyong may pinakamurang patahian at hiraman ng gown sa may malapit sa amin. Hindi naman ako katulad noong iba na bibili pa talaga ng gown. Isang beses lang namang gagamitin kaya bakit kailangan pang pag-aksyahan ng pera.

Malawak ang ngisi ko ng marinig ang busina ng kotse ni Ace. Madali akong nagtungo sa pinto upang salubungin siya. At dahil maliit nga ako ay ilang pulgada rin ang taas ng suot kong heels upang makahabol sa height ng boyfriend ko. Tiyak na namamaltos na ito mamaya.

Pagkabukas ko ng pinto ay halos malaglag ang panga ko sa bumunga sa akin. Ang gwapo ni Chase Caleb! Ay gwapo na talaga siya noon pa pero mas gwapo siya ngayon. Naka black tuxedo siya at hindi niya suot ang kanyang salamin. Napanguso ako ng mahagip ng tingin iyong hawak niyang mga puting rosas.

"Happy Valentine's Bhie! You look so pretty tonight." masigla niyang bati sa akin habang ako naman ay napairap lang. Tonight lang talaga? Niyakag ko na siyang sumakay sa kotse dahil baka mamaya ay mahuli pa kami lalo na at may cut off ang party. Napalingon ako kay Ace nang magbuntong-hininga siya.

"Bakit bhie? May problema?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Don't mind me bhie." Wala lang? Pwede ba namang wala lang iyon? Humalukipkip na ako at hinarap siya.

"Eh bakit nga?" pangungulit ko sa kanya habang siya naman ay seryosong nagpapark ng sasakyan. Saglit lang naman ang biyahe namin dahil malapit lang ang bahay ko.

"Wala nga. We're here." aba't nagsungit pa! Hindi ba dapat ay masaya siya ngayon at sweet dahil ito ang unang Valentine's naming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasan ang mainis. Kahit pa magka-holding hands kaming naglalakad ay naiinis pa rin ako dahil sa ang tahimik niya.

Ang boring ng party. Sila lang iyong nag-eenjoy badtrip pa din ako kay Ace eh. Nagsayaw naman kami ngunit isang beses lang! Ilang oras na kaming nakatambay rito sa table namin at hindi nag-uusap. Ang daming nag-aaya sa akin na sumayaw ang kaso nakakatakot ang mukha ni Ace. Ang boring na talaga pinaglalaruan na lang niya yung kamay ko. 10pm pa lang, may 2 hours pa kaming tatambay?! Ghadd!

"Bhie?" tawag sa akin ni Ace sa mahinang boses habang ako naman ay tulala lamang na pinanood sina Nica at Albert na nasa ikalimang sayaw na yata nila. Sa wakas ay nagsalita rin 'tong katabi ko dahil kaunti na lang talag ay mapapanis na ang laway ko.

"Oh?" mataray kong tanong sa kanya. Ayoko sanang magtaray ngunt hindi iyon maitago sa tono ng aking boses.

"Ayoko na rito. Alis na tayo?" mabuti naman. Kung alam ko lang talaga na ganito lang ang mangyayari ay minabuti ko na lang sana na manood ng TV sa bahay atleast hindi pa ako gumastos para sa gown.

"Uuwi na tayo?" walang gana kong tanong sa kanya. Imbes na sagutin ay bigla niya na lamang akong hinila patayo at tumakbo palabas ng gym. Agaw eksena na kami. Baby naman naka-heels po ako at naka-gown.

"Bhie wait lang.... wait!" hinihingal kong saad. Nang makarating kami sa may malapit na park ay agad kong hinubad ang suot kong heels at ipinahinga sa malamig na damuhan ang namamaltos kong mga paa.

"Bhie? Okay ka lang." sasagot na sana ako ng bigla niya akong yakapin at hilahin patungo roon sa may fountain.

"Ayan masosolo na rin kita." ngisi niya habang iniipit sa tainga ko ang ilang takas na buhok. Ang swerte ko talaga kay Chase Caleb. Magkakaroon yata akong diabetes dahil sa pagiging sweet niya.

"Happy Valentine's ulit bhie. First valentines kaya natin ito so dapat solo kita." wala na akong nagawa apa kung hindi kalimutan ang pagtatampo sa kanya at pinisil ang ilong niya. Kinailangan ko pang tumingkayad upang maabot lang siya.

Nawala ang mga ngisi ko ng mataman niya akong tinitigan pababa sa aking labi. Ibinaba niya ang kanyang mukha hanggang sa tuluyang nagtapo ang aming mga labi. We shared a sweet and passionate kiss. Ngayon lamang ako nahalikan ng ganito at pakiramdam ko ay para akong kandilang nalulusaw sa mga bisig niya lalo pa nang hilahin pa niya ako palapit sa kanya.

"I love you, Tiffany" he said between our kisses. Hindi ko na alam kung gaano katagal ang halik na iyon, napahiwalay lamang ako kay Ace nang maramdaman ang ilang patak mula sa langit. Umuulan!

"OMG! Basang basa na tayo." angal ko habang pinagmamasdan ang gown ko. Lagot ako nito kay Aling Minda! Ang usapan pa naman namin ay bukas ko ito isasauli.

"Let's enjoy the rain! C'mon!" pilit akong tumatakas sa ulan upang sumilong ngunit pinigilan ako ni Ace na mas naging sanhi para mabasa ako. Damn!

"WHAT?! Bhie magkakasakit tayo." angal ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.

Sa totoo lang. I HATE RAIN! Iyon ang panahon na iniwan kami ni daddy.

"Bhie tara na!" aya ko kay Ace na yaw pa ring magpatinag. Paiyak na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko then nilagay isa balikat niya. Nagsasayaw kami sa ilalim ng ulan, wala na akong lakas para manlaban pa kaya naman isinadal ko na lang ang ulo ko sa kanyang dibdib.

Sa tuwing umuulan ay nararamdaman ko ang sakit at lungkot sa pagkawala ng mga magulang ko sa akin. I miss my dad. I miss my perfect family.

Bigla siyang humiwalay sa akin at napatili na lang ako ng pinahiran niya ako ng putik sa ilong. Ang kulit the next na nalaman ko tumatawa kaming dalawa at nagpapahiran ng putik sa mukha habang naghahabulan sa park. Isasauli kong basahan itong gown ni Aling Minda.

Ngayon ko lang muli naramdaman ito at sana hindi na ako iwan ng taong mahalaga sa akin.


I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon