Chapter 42

873 21 0
                                    


Chapter 42

TIFFANY'S POV

After a long time, I got the chance to see him again.

He smiled at me and I did the same.

He asked me if I'm okay and I nodded.

Then the words instantly came from him and started to say:

"I miss you so much Tiffany. I miss your voice, your eyes, the touch of your hand, the way you crack jokes, the words I love to hear from you. I miss the way we were before."

He hugged me tight as tears fell from my eyes.

Gosh! He still loves me and then.............

I woke up.

Iminulat ko ang mga mata ko. Panaginip lang pala. Bumangon ako ng kama para maupo. Niyakap ko ang mga tuhod ko. Kagabi bigla na lang akong nawala sa party. Masyado akong nasaktan sa mga nakita ko. Ganito pala yung feeling na kailangan mo yung isang tao pero wala naman siya sa tabi mo. Siguro nga dapat ipaglaban ko naman lahat ng para sa akin. Ayoko na ng ganito.

Bumangon na ako ng kama at nagsimulang gumayak. Practice lang ng play ngayon kaya okay lang kahit tanghaling pumasok pero alas seis pa lang kaya mapapaaga ang dating ko sa auditorium. Mag practice na lang siguro ako kahit ako lang mag-isa kesa naman mabaliw ako dito sa loob ng kwarto ko diba.

7am pa lang ng makarating ako ng auditorium. Masyado yata akong napaaga? Pero nakabukas na yung pinto ng auditorium at bumungad sakin si 'Precious' na nag piano sa stage. Parang pamilyar sa akin yung piece pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig. This is the right time para komprontahin ko siya, kung ano ba talaga ang motibo niya sa pagpanggap na ako.

Maagaw ng lahat sa akin pero hindi ang katauhan ko.

Nilapitan ko siya at umakyat ng stage. Napatigil siya sa pagtugtog at ngumiti sa akin. Nag buntong hininga ako bago magsalita. I'll try my best to be civilize.

"Tiffany. You're so early."

"Sino ka ba talaga Precious Tiffany J. del Rosario?"

"I c-can't understand what are you talking about."

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Hindi ikaw si Precious! How dare you to stole my identity! Sino ka ba at ang dami mong alam!!!" I said in a frustrated tone. Ayoko ng ganitong confrontation.

"Are you crazy! I'm Precious!" nag smirk siya bago pasinghal na sinabi.

"Talaga lang ha?" inilabas ko sa kanya yung I.D ko. Never akong nagsuot ng I.D ko kaya naman di kataka-takang Tiffany lang ang alam nila sa pangalan ko. Nanlaki ang mata niya sa nakita niya pero bumalik din agad ang composure niya.

"A-and so what kung Precious Tiffany din ang name mo and look lolokohin mo pa ako. Javier ang apelyido mo!" I laughed sarcastically. Okay babawiin ko na ang sinabi ko. Ayoko ng maging civilize na tao. This is war! I hate her guts! She's gettin' on my nerves!

"Eh boba ka naman pala talaga 'no? Malamang Javier ang middle name ko and ginamit ko lang yun. Binasa mo ba ang birth certificate ko bago ka nag panggap?" I raised one eyebrow to add drama.

"Y-you!"

"Yeah! I am the real Precious Tiffany Javier- del Rosario. Ikaw sino ka?"

"Bakit ko naman sasabihin? Wala akong pakialam kahit ipangalandakan mo pa yang I.D mo sa kanila. Hindi mo na mababawi ang lahat lalo na si Caleb. Hahaha. Sorry ka na lang Precious. Nasayo na ang lahat dati pero ano? Binale wala mo lang and besides sino bang umabandona sa sarili niyang pangalan. Pinulot ko lang lahat ng tinapon mo."

What!!! Kahit kailan wala akong tinapon! Hindi ako iiyak sa harap niya at hindi ako magmamakaawa na ibalik niya lahat, ang gusto ko ako mismo ang babawi lalong lalo na ang dalawang lalaki sa buhay ko.

"Ano ka basurera?! Sinong nag-utos sayo para gawin 'to?!"

"Believe me Precious. Isa din ako sa mga tinapon mo. Isa lang din ako sa mga binale wala mo! Kaya ngayon magdusa ka dahil lahat ng meron ka ay aagawin ko. Lahat lahat! Wala akong ititira! Dapat lang na nawala sayo ang lahat at dapat lang na iniwan ka ng nanay mong tanga!" Sa huli niyang sinabi ay halos nagdilim na ang paningin ko kaya naman nasabunutan ko na siya. Kung pwede ko lang siyang patayin ngayon pinatay ko na.

Nasa ibabaw niya ako at patuloy pa din sa pagsabunot sa kanya.

"You bitch!" she snarled pero hindi pa din siya makaganti sa akin. Kahit kailan hindi ko sinisi ang mommy ko sa pag-iwan sa akin kaya wala siyang karapatan na husgahan siya. Mapapatay ko lahat lahat ng huhusga sa mommy. Habang sinasabunutan siya ay patuloy din sa pagtulo ang luha ko.

Simula pagkabata sa twing may nanghuhusga sa mommy ko ay napapaaway talaga ako. Kahit wala na siya pinoprotektahan ko pa din siya.

"Hey! You two!" narinig ko ang pag sigaw ni Caleb at mabilis nya kaming pinag hiwalay pero mas lalo akong nagulat sa ginawa niya. Itinulak niya ako ng malakas kaya naman napaupo ako sa sahig. Nakita ko ang palihim na pag ngiti ni 'Precious' at kasunod noon ang biglang pag-iyak. Baliw ba? Tangnang yan! Bitch! Agad naman syang niyakap ni Caleb.

"Shhhhh. Calm down." Caleb said to 'Precious'

"Nanahimik lang ako tapos bigla na lang niya akong sinugod Ace. Hindi ko naman alam ang problema niya eh." The nerve! At hagulgol na talaga ang ginagawa niya! Ang galing lang! Napatayo ako at inayos ang buhok ko. Aaminin ko ako yung nanugod pero shet lang siya naman talaga ang malaki kong problema eh!

"Pwede ba wag kang umarte diyan. Ikaw nga 'tong ang lakas laiitin ang mommy ko!"

"Pwede ba Tiffany. Ano bang alam ni Precious sa mommy mo at pwede ba yun lang sinabunutan mo na siya?! You're acting like a child!"

"Niloloko ka lang niya Caleb. Ang tanga tanga mo!"

"Oo! Ang tanga tanga ko! Diba nga napaniwala mo ako na mahal mo ako pero hindi naman? Kaya nga ang tanga tanga ko!" napaatras ako ng isang hakbang sa mga narinig ko kay Caleb. First time na sinigawan nya ko ng ganito kaya naman hindi ako nakapagsalita.

"Ano? Tama naman ako diba? Pwede ba Tiffany hindi kita pinapakialaman kaya please wag na wag mong papakialaman si Precious at ako. Tangna lang!"

Napanganga na lang ako. Si Caleb ba talaga 'tong nasa harap ko. Nakita kong itinago ni 'Precious' ang mukha nya sa pagkakayakap kay Caleb marahil para itago ang pag ngiti. Hindi mo ako matatalo impostora at hindi ako papayag na sa katulad mo mapunta si Caleb.

"You know what Tiffany. Mali talaga ko ng pagkakilala sayo. I wish I never met you"

At bago pa mag sink in sa akin ang lahat ay nakaalis na sila ng auditorium. Napaupo na lang ako sa sahig at humagulgol.

"I wish I never met you" Lalong lumakas ang iyak ko. Wala akong pakialam kung may makarinig man sa akin. Gusto kong iiyak lahat lahat ng nararamdaman ko. Frustration, galit at pagkabigo. Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko.

"Narinig ko ang lahat."

"A-andie?" I said between my sobs. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman lalo kong hindi napigilan ang mapaiyak.

"Mahal mo talaga siya 'no?" Hinalikan niya ang ulo ko at nagbuntong hininga.

"Matagal ko namang alam na panakip butas lang ako Tiffany. Akala ko maibabalik pa yung dati pero mukhang hindi na."

"P-pero bakit ka pumayag sa gusto ko?"

"Ang magpaka tanga din. Quits na tayo ah. Hehehe."

"Dahil niloko mo ako dati?"

"Yupp. Ayokong maramdaman mo na mag-isa ka ulit kaya pumayag ako sa gusto mo. Alam ko naman na kahit papaano napapasaya kita. Basta tandaan mo hindi ko naman hinihiling na mahalin mo. Alam ko namang mahina ka na talaga Tiffs kaya nandito ako para bigyan ka ng lakas. Wag mong hahayaan na makuha niyang lahat sayo" Ni rest ko yung ulo ko sa dibdib niya at naramdaman ko ang banayad na paghalik niya sa ulo ko.

"Thank you Andrew." Ibinulong ko sa kanya bago nagdilim ang lahat.

�5Z�5W�


I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon