Chapter 13

1.1K 29 1
                                    

Chapter 13

Welcome to Baguio City! Ang sakit ng puwet ko grabe hindi man lang nag stop over. Infairness si Caleb nangawit at hindi ako. Hahaha. Ako naman kasi yung sumandal sa kanya ang lapad ng balikat tapos ang bango bango pa niya nakakaadik yung amoy. Hahaha. Minanyak?

"Guys 2 persons in 1 bedroom so ganito na lang gagawin natin kung sino yung mag partner sa bus yun na lang din yung roommates. Okay ba yon?" paalala ni Christian na siyang nag-asikaso ng bus hanggang sa pagpapabook dito sa Teacher's Camp. Alam ko maraming multo!

"Ano ka ba naman! Lalaki kaya yung katabi ko!" sita ko kay Christian.

"Maria Clara lang Tiffany? College na tayo 'no saka matutulog lang naman kayo ni Caleb hindi sinabing gumawa ng milagro." ayan na nga ba ang sinasabi ko na-hard ako ng bestfriend ko. Tinignan niya ako ng may pambabanta, sabi na gusto lang niya ang ideya na magkakasama sila sa iisang kwarto ni Paulune.

"Paano kaya kapag may gumawa ng milagro. Hahaha." walang sense na tanong ni Troy na mas lalo ko tuloy ikinakaba

"Ayos yun malamig pa naman. Hahaha." gatong pa ni Alex. Ito talagang duo na 'to. Masaya naman kasama ang dalawang 'to kahit puro walang kwenta yung mga sinasabi.

"Tangina pare nalulon ko yung candy buong buo pa!" biglang daing ni Troy habang sapo ang kanyang lalamunan.

"Gago ka pare bakit di ka sumigaw ng Darna!" Hindi po sila lasing ganyan lang talaga sila mag-usap. Hahaha. Parang lagi lang kumakain ng katol. Mga adik. Hahaha.

"Tara na Tiffs." tinawanan ko na lang sila Troy at Alex at naglakad na kasabay si Caleb, binuhat na niya yung mga gamit ko at isa sa mga nalaman ko sa kanya he's a perfect gentleman.

Sumunod na ko kay Caleb paakyat ng hagdan tapos yung naiwan sa baba tawanan lang. Hmmm pwede ba Ace na lang itawag ko kay Caleb kasi Chase Caleb naman siya katamad. Adopt ko na lang sa name ng bestfriend ko kasing cute naman niya eh. Haha. Tama Ace na lang!

Matapos na mag dinner. Kapagod gumala tapos ang gulo gulo pa ng mga kasama mo kapag nagsama talaga barkada namin ni Ace RIOT talaga. Hahaha. Nagpunta kami sa labas at nakaikot sa harap ng bonfire habang sila nagkwekwentuhan ng nakakatakot. Ang creepy ng feeling kanina pa ko nakakapit kay Ace. Natatakot na ako.

"Tama na yan natatakot na si Tiffs eh." sa wakas ay inawat na ni Caleb sila Troy sa pagkkwento dahil kanina pa ako napapraning sa mga sinasabi nila.

"KJ mo naman pare. Tiffs ang alam ko may white lady daw sa kwarto niyo eh." pananakot pa ni Troy kaya naman mas lalo humigpit ang kapit ko kay Ace tapos siya inakbayan niya ako.

"Pag yung white lady tinakot si Tiffs susuntukin ko kahit babae pa siya." pinigil ko ang sarili ko na mapangiti kaya naman napanguso na lang ako para hindi tuluyang kiligin.

"Ace tulog na tayo." kalbit ko kay Caleb.

"Ace?!! Sino si Ace?!!" sabay-sabay nilang tanong sa akin.

"Si Chase Caleb! Nickname ko 'yon for him. Okay? Tara na!"

CALEB'S POV

Umakyat na kami ni Tiffany sa kwarto namin. Hindii pa din ako makapaniwala sa tinawag sa akin ni Tiffany. "Ace" isang tao lang ang may tawag sa akin 'non, si Precious. Matagal ko na ding hindi naririnig yung nickname ko na yun pero nung si Tiffany yung nagsabi ang sarap sa feeling. Sige okay lang na tawagin niya akong Ace basta siya lang

Kanina pa kami inaasar nina Troy palibhasa kasi hndi babae yung kasama nila sa kwarto. Para sa isang lalaki malaking pahirap ang may kasamang isang babae sa isang kawarto kahit ba magkaiba kami ng kama eh. Langya naman oh!

"Ace una na akong mag-shower ah!" Kailangan pa bang sabihin sa akin 'yon? Kita namang hirap na hirap na ako dito eh. Pumasok na si Tiffany sa banyo and SH*t ang init!!! Balewala ang lamig dito sa Baguio!

Hinubad ko ang TShirt ko pucha naman ang init talaga tapos nag push ups ako. Kung gusto ko talagang matulog mamaya kailangan kong gawin 'to. Ilang minuto rin akong nag push ups at tagatak na ang pawis ko nang marinig ko bumukas yung pinto ng banyo and WOAHHHH!! Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Tiffany, nawala lang ang pagkatulala ko sa kanya nang sumigaw siya kaya on instinct tumalikod agad ako.

Ang init ng mukha ko takte nagbablush na naman ba ako? Bading naman oh. P-pero si Tiffany nakatapis lang ng tuwalya. Ang awkward ng sitwasyon tapos ako naka-topless.

"Huwag kang haharap! Nagbibihis ako kapag ikaw humarap dudukutin ko talaga yang mata mo!" napangiti ako at hindi ko naiwasang hawakan ang labi ko upang hindi tuluyang matawa. Haha.

"Asa naman kasi na may makikita ako diyan. Make it fast!" kinagat ko ang ibabang labi ko at pinalaya ang aking ngisi.

"Pati bakit ka ba kasi nakahubad? Ang lamig kaya!" sigaw niya.

"Mainit kasi" bakit nga ba kami nagsisigawan? Haha. Tinanong pa kung bakit! Ilayo ninyo ako sa tukso baka di ako makapagpigil pati sa mahal ko pa, I respect her so much. Ayokong gumawa ng kasalanan. Ganito ba parusa niyo sakin? Hirap na hirap na ako.

"I'm done!"

Humarap na ako at nakita ko siya na namumula. I'm not sure kung nagbabalush din siya isa lang ang sigurado ko this night would be sleepless for me.

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon