Chapter 27

757 15 0
                                    


CHAPTER 27

This is the most exciting day. Bored na talaga ako. Ang weird na siguro ng dating ko kay Ace dahil ang sigla-sigla ko, kulang na lang ay mag-tumbling ako sa sobrang taas ng energy ko.

"Good mood ka yata?" sita sa akin ni Caleb

"Always naman kaya!" kinurot niya ang pisngi ko at mas hinila pa palapit sa kanya.

Pinagtitinginan na naman kami. Ikaw ba naman ang ka holding hands ni Caleb na pinaka hot and gwapong student dito sa University. Pagpasok namin ng room sinalubong na agad ako nina Clavs abay'y may meeting daw kami. Hahaha.

"Caleb pahiram muna si Tiffs." pagpapaalam ni Clavs habang hila-hila na niya ako. Makakatanggi pa ba si Ace? Para kasing kung hihindi siya ay masasapak siya nitong bestfriend ko.

"Sure." kunot-noong sagot ni Ace at tinanguan ako. Hinila na ako nila Clavs sa kabilang side ng room si Ace naman pumunta sa grupo nina Troy.

"Girl dali!" halatang excited si Clavs.

"Nica sure ka bang keribels mo?" paninigurado pa niya kay Nica.

"I'm in!" – Nica

"Panunuorin ba talaga tayo nina Ace?"parang nahihiya naman yata ako saka hindi niya pa alam iyong ganoong side ko.

CALEB'S POV

Ang weird ng barkada ngayon ah. Mga good mood yata sila at saka usually pag nag-uusap sina Tiffany hindi naman pabulong. Ano bang meron? May hindi ba ako alam? Sina Troy naman mga excited.

"Pusta ko talaga si bossing!" ani Troy

"Ako man! Walang kadala-dala si Anne" dagdag pa ni Alex habang ako ay hindi makasunod sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"What's going on?" tanong ko pero hindi man lang nila ako pinansin.

"Basta pare mamaya sa Zapps." sabat ni Albert na mukhang naawa na sa akin. Sh*t ano bang meron? Nakakagago ang mga ngiti nila ah.

"See for yourself pare!" pang-aalaska ni Alex kaya sinapak ko na agad siya sa may ulo. Nakakabanas ah pati ako na-eexcite na din kahit hindi ko alam ang nagyayari.

Iyon na yata ang pinaka-matagal na 7pm ng buhay ko. Shit sa wakas! Hinatid ko na si Tiffany sa gate hindi naman sila eixcited ano? Ako naman umuwi muna para magpalit ng damit. Ano nga bang meron sa bar? Inuman? Sayawan? At....... AWAY?!?

Makikipag-away sina Tiffany? Gangster ba sila? Lintek nakakamatay pala ang excitement at curiosity, pero di nga makikipag-away sila? Imposible naman yata. Ang layo sa image ni Tiffany, kahit na ganoon 'yon ay hindi naman nakikipag-rambol 'yon.

Ang tagal naman nila Tiffany hindi na talaga ako mapakali. Nauna na kami nina Troy dito sa bar. Ang ingay tapos ang usok pa, nakaka dalawang bote pa lang naman ako ng red horse siyempre para hindi tamaan agad. Mga anak naman ng malalanding kabote oh kanina pa aligid ng aligid mga babae sa tabi ko.

Biglang sumama yung aura kasi naman nakita ko yung nakakabanas na pagmumukha ng ex ni Tiffany saka yung kinababaliwan ni Clavs. Ang aangas ng mga pota! Naupo sila sa kabilang table tinitigan ko lang sila ng masama tapos si Andrew nag-smirk pa. Gago ka pala eh baka gusto mong mag party sa hospital mamaya.

"WOAHHHHH!" biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid kaya naman nabawi ang atensyon ko. Nag-ingay din sila Troy at Alex kaya naman napalingon na ako kung saan nakatuon ang mga mata nila. Ilang beses akong kumurap upang makasiguro sa nakikita ko. May limang nagseseksihang babae na palapit sa table namin parang pamilyar sila lalo na yung nasa gitna. Sh*t! Tiffany?! Girlfriend ko yun diba?

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon