Chapter 29

862 19 0
                                    


CHAPTER 29

TIFFANY'S POV

Napagpasyahan ng barkada na mag-camping kami bago tuluyang matapos ang semester dahil sa darating na Summer ay paniguradong bihira kaming magsama-samang lahat dahil ang ilan ay magbabakasyon sa probinsya. Hindi na kami umattend sa Recognition Day na sila Caleb lang naman ang mayroong medalya dahil sa pagiging Dean's Lister.

Kahit masamang-masama ang loob ko sa pagsama ay nandito kami ni Caleb sa park para sa meeting place namin. Grabe naman yang Filipino time na yan oh, ang usapan ay 8am tapos 9am na pero kami pa lang yung nandito kaya naman itong bebe ko ay badtrip na. Ayaw niya pa naman sa lahat yung late dahil laking America siya. Kapag daw sinabing 8am sa kanila ay 8am sharp talaga o kaya ay maaga pa ng 15 minutes. Ako na tuloy ang nahihiya sa mga barkada namin!

Okay sana kung 10 minutes lang na late pero wagas sila eh! Isang oras.

After 1 hour, 52 minutes and 15 seconds dumating din ang lahat, sa sobrang tagal nila ay bilang na bilang ko na yung oras tapos kami ni Caleb napagtripan na naming lahat nang nagdaan sa park. Kawawa nga sila walang kaalam-alam.

"Grabe naman Alex yang dala mong bag parang wala ng uwian." pansin ni Clavs sa dalang bag ni Alex. Grabe nga naman! Hindi na siya makadala sa bigat niyon.

"Mamumundok tayo diba." katwiran naman ni Alex.

"Oo pero hindi naman sinabing doon na tayo titira." ani Clavs

"Boys scout laging handa!" Hay ewan! Sumakay na kami sa van ni Alex, siya ang pasimuno kaya siya ang mag-drive 'no.

Si Alex sa driver seat tapos sa front seat si Troy. Sa second row naman kami nina Caleb at Clavs. Epal si Clavs. Sina Albert, Nica at Dessa naman sa third row. Kanya-kanya ng epal sa bawat row?! Haha.

Ang ingay lang sa van! Si Caleb nakatakip sa tainga ko yung kamay niya. Si Clavs may kausap sa phone hindi ko lang alam kung si Paulune yung kausap, magulo pa din kasi sila.


TROY'S POV

On the way to Laguna kaso badtrip si Dessa hindi namamansin. Edi solve solve niyan dalawang couples na kasama namin. Buti na lang di ako maiinip sa kaingayan ni Alex. Hehe. Bakit ang tahimik ata sa likod, kanina eh mga nagwawala lang sila.

Paglingon ko. Kaya pala tahimik si Tiffany at Caleb alam na! Hindi ko pagsasamahin dalawang to' mahirap na baka pagbalik namin ng Manila ay tatlo na sila. Si Clavs tulog na tulog di man lang alam yung nangyayari tapos di ko masilip si Nica at Albert pero baka alam niyo na din. Si Dessa naman ewan ko nakakairita na din minsan kasupladahan niya.

Nangmagpasabog ng kasungitan ay gising na gising si Dessa. Nakakatakot tuloy magconfess dun baka manapak na lang agad, sayang naman yung gwapo kong mukha diba?Buti pa tong si Alexander walang problema. Maging playboy na lang din kaya akokaso ang mga babae dapat diyan minamahal at saka siyempre pinaliligaya    


***

First time kong magcacamping. Naman oh mas malaki pa sakin yung mountain bag ko. Dahil nga aakyat kami ng bundok ay kailangan na naming iwan yung van sa baba ng bundok.

"Bhie ako na kaya magdala ng bag mo?"salo ni Caleb sa bag ko pero napumilit ako na kaya ko. At dahil sa kayabangan ko ay muntikan ng masubsob ang maganda kong face sa lupa buti na lang nahila ni Caleb yung bag ko.

"Ang tanga nung bato di ako nakita" ngisi ko kay Caleb na ngayon ay napapailing na lang.

Sinimulan na naming maglakad. Noong una ay enjoy pa kaya lang nagsimula na kaming mapagod. Sa nilayo-layo ng nilakad namin ay nakarating din kami sa camp site. Infairness gabi na at nakakatakot baka mamaya ay may rapist na tikbalang dito. Naku po! Ayokong ma-rape tapos sa tikbalang pa?

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon