Last Chapter

2.5K 42 4
                                    


Chapter 44

CALEB'S POV

Ilang linggo ng hindi pumapasok si Tiffany, nag-aalala na halos lahat sa kanya at mas lalo ako. Hindi man lang kami nakapag-usap pagkatapos ng play dahil umalis siya agad.

Hindi ko nga hinabol si Precious nung nag walk out siya dahil mas inuna kong hanapin si Tiffany, pinuntahan ko siya sa bahay nila after 2 days pero wala siya.

Nasaan ka na ba Tiffany? Tanga kung tanga talaga pero aaminin ko mahal na mahal ko pa din si Tiffany.

Nandito ako ngayon sa mansion pinatawag kaming lahat ni daddy, mukhang seryoso yung pag-uusapan dahil It's a matter of life and death daw.

Sus. Ano naman kaya yun?

Kahit magka-away kami ni Precious isinabay ko pa din sya sakin, actually di man lang ako gumawa ng effort para man lang suyuin sya, simula nung dumating sya ulit sa buhay ko parang di ko man lang naramdaman yung pagkasabik ko na makita sya ulit.

Hindi na sya yung Precious na nakilala ko, ang dami na nyang nakalimutan na memories namin, nakakaasar nga eh samantalang ako hindi man lang makaget over sa kanya kahit mga bata pa kami nun.

Siguro kapatid na lang turing ko sa kanya.

Nakarating na kami sa mansion sumalubong sa amin sina mama and daddy na seryoso ang mga mukha pati si Toni na nakikigaya sa seryosong aura. =_____=

Baliw talaga 'tong bata na 'to mana kay Tiffany, magka-ugali, maniniwala na nga ako na magkapatid yung dalawang yun eh.

"Buti naman at kasama mo yang impostora na yan." biglang sabi ni mama sa malamig na boses. Teka parang naguluhan ata ako dun. Impostora? Tinignan ko yung direksyon ng mata ni mama at nakatitig sya ng masama kay Precious. Napakunot ang noo ko at nagpalit palit ng tingin sa kanilang dalawa.

Halatang nagulat si Precious at sa pagtataka ko bigla na lang syang namutla.

"Niloloko ka lang nya Caleb. Ang tanga tanga mo!"

Biglang bumalik sa alaala ko yung sinabi sakin ni Tiffany nung nasa auditorium.

Yun ba ang dahilan kung bakit sinugod ni Tiffany si Precious?

Naknamputsa nalilito na ako.

"Sino ka ba Ms. Kristine Esteves? Panong napunta sayo ang music box ni Precious?!" pasinghal na tanong ni daddy.

Kristine Esteves? Putsa wag mong sabihing naloko na naman kami nina daddy? Ilang beses na din kaming naloko noon eh. Mabilis kong hinaklit sa braso si Kristine o kung sino man syang p*tangina nya.

"O-ouch! Caleb let me explain."

"Sino ka!!!"naningkit ang mga mata nya at mabilis na binawi ang mga braso nya sa pagkakahawak ko.

"Ang tanga tanga ninyo talaga! Ang dali ninyong maloko. Porke't na sa akin lang ang music box naging ako na si Precious. Hindi ko pinangarap na maging sya no!" tangina pala ng babaeng 'to. I can't believe this naloko nya kami ng ganun ganun lang. Kung pwede lang manapak ng babae eh.

"Sino ka sinabi eh!!!" sigaw ko sa kanya. Baliw na tong babae na 'to sya pa malakas loob na magalit.

"That's why I hate her from the very beginning kuya. She's so ugly to be my sister!" sabat ni Antonette.

"Hoy ang kapal mong bata ka!!! Oo na yang Precious na yan na ang meron ang lahat lahat, sorry na lang sya dahil nawala na ang lahat sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin? Kilala mo ba si Precious? Nasaan sya?!!"

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 11, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

I Wish I Never Met You (Edited)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora