Chapter 16

1K 22 0
                                    


CHAPTER 16

Tiffany's POV

Pasukan na ulit. Sa wakas naman at bored na bored na talaga ako sa bahay. Saka miss ko na mga kaibigan ko siyempre si Ace. Tagal ko din silang hindi nakita. Si Ace last kong nakita noong noche buena kasi next day nun dumating yung parents niya at yung sister niya. Kamukha ko daw yung sister niya? Pano naman kaya 'yon? Ibig sabihin maganda yung kapatid niya? Hahaha.

Number 1 list sa new year's resolution ko "NEVER NA PAPA-LATE". Saka namomotivate akong pumasok ng maaga ngayon gusto ko na makita mga kaibigan ko. I'm sure sabog na naman block namin. Hahaha. Nominated nga kami as worst block kasi para daw kaming highschool sa sobrang pasaway.

Pagpasok ko sa room medyo madami na din sila nakita ko na pareng tols ko saka sina Troy. Si Ace wala pa? Ano ba yan gusto ko pa naman na siya ang una kong masilayan.

"TIFFS!" sigaw nang mga kaibigan ko kaya naman agad ko na silang nilapitan.

"Namiss ko kayo!" nakipag high five ako sa kanila isa-isa at umupo sa tabi nila.

"Kami bossing hindi?" singit ni Troy at inakbayan ako. Bakit ba bossing tawag sakin ng mga 'to? Minsan naman manager?

"Oo naman. Namiss kita Troy!" gigil kong saad.

"ARAYYYY!" Pinisil ko ang pisngi niya yung pinaka madiin. Haha gigil lang ang smooth ng face.

Naupo na kami sa upuan namin. Doon na ulit ako naupo sa pwesto namin ni Ace. Tagal naman ng lalaking yun nagsisimula na ang klase namin. First day na first day eh.

"Sorry Ma'am I'm late." Hindi naman sa OA pero nakanganga kami literally. Takte Ace ang gwapo mo shet ka umuwi ka na nga! Tilian yung mga classmates kong babae. Ako nakatulala na talaga tapos nakalapit na pala siya sa akin halatang badtrip.

"Wag ka ngang tumingin nang ganyan. Tae naman nagsalamin lang yung tao eh. Makapag contact lens na nga lang." ang gwapo niya kaya! Ang neat tignan, nakakainlove tuloy lalo.

"Nakanang pare parang katino lang ah." sita sa kanya ni Alex na sinamaan lang niya ng titig.

"Shut up!' -badtrip naman nito. Bagay nga sa kanya!

"Huy huwag ka ngang ganyan bagay naman sayo ah. Gwapo mo shet ka mamahalin na kita." Biglang napalingon si Ace sa akin. Daldal ko naman mabubuko pa ata ako ng di oras. Ngumisi lang siya na para bang napakaganda noong sinabi ko.

"Sabi na nga ba crush mo ko eh." Ngiting wagas naman masyado kulang na lang ay umabot sa tainga niya yung ngiti.

����+�@


I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon