Chapter 37

736 16 0
                                    


CHAPTER 37

TIFFANY'S POV

Kasama ko ngayon sa mall si Nica para maghanap sana ng regalo para sa birthday ni Caleb. Tumambay muna kami sa may foodcourt bigla na lang kasi akong nahilo at saka nagugutom ako. Grabe nahilo na agad ako sa gutom eh kakakain ko lang.

"Yuck!" ngiwi ni Nica habang kumakain ako.

"Bakit ba?" tanong ko sa kanya habang ngumunguya pa rin.

"Kadiri naman yang kinakain mo." umarte pa si Nica na para bang masuka-suka na siya habang ako naman ay napapatanga na lang. Ano naman kaya ang nakakadiri sa kinakain ko? Masarap isawsaw ang fries sa toyo tapos yung siomai sa cokefloat. Sarap! Perfect combination.

"Yuck ka talaga! Bakit parang baligtad yata? Diba ang siomai sa toyo tapos ang fries sa float? Ano ba namang taste yan Tiffs. Kakawalang gana ka."

"Ang sarap kaya tikman mo kasi. Ibili mo pa ako ng isang order ng siomai!" pagmamaktol ko sa kanya.

"Abusado ka! Alam mo bang naka walong siomai at dalawang large fries ka na. Saan mo ba dinadala yang kinakain mo ha?" ang dami kong gutom ngayong mga nakaraang araw.

"Kumain ka nga ng matinong pagkain. Kahapon naman yung fried chicken isinawsaw mo sa pinaghalong ketchup at toyo tapos yung coke mo nilagyan mo ng hilaw na itlog. Nasusuka na talaga ko." ipagtatanggol ko pa sana ang sarili ko kay Nica nang sabay na tumunog ang cellphone nami.

From: Andie

Nandito din ako sa mall. Kita tayo sa CR.

Tignan mo 'tong lalaki na to' namiss ako agad. Paglingon ko kay Nica ay tapos na din niyang basahin yung message sa cellphone niya.

"Sino nagtext sayo?" curious niyang tanong kaya naman nataranta ako agad nang maalala na si Andrew nga pala iyon. Nakikipagkita siya sa akin dito sa may mall.

"Ha? Ahm si mama kasi pinapauwi na ako kaya ano mauna na ko." palusot ko at nagmamadaling tumayo.

"Ha? Pero nagtext si—

"Ha? Eh kasi pinapauwi na talaga ko kaya. Bye Nica!" tinawag pa niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Tumakbo na ako papuntang CR. Hay grabe sana naman umuwi na si Nica para naman wala na kong ikatakot, pero ang alam ko ay hindi naman nakakatagal yun sa mall mag-isa. Sumandal ako sa pader at sumilip-silip sa labas, ano ba yan muntanga naman ako sa ginagawa ko ang hirap maging illegal. Biglang may nag takip ng mga mata ko.

"Hulaan mo kung sino ako."

"Max Andrew." Inalis niya ang kamay niya sa mga mata ko, humarap ako sa kanya at parehas kaming ngumiti. Hahaha.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.

"Kasama ko si Nica kanina. Ikaw mag-isa ka lang?"

"Actually napadaan lang ako talaga" asus! Nasabi ko kasi kanina na pupunta akong mall. If I know!

"Tara gala tayo." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ako naman ay nataranta at nagpalinga-linga sa gilid. Muntanga nga diba? Akala mo criminal lang ako.

"Wag na kasi ano.... ano kasi...... kasi ano"

"Baka may makakita sa atin ganun ba?" Bigla niyang binitawan yung kamay ko at naging serious yung expression niya.

"Hindi naman sa ganun Andie."

"Okay lang naman."

"Okay let's go pero may bibilhin lang kasi ako kaya ako nandito."

"Ano ba yun? Samahan na kita." aya niya sa akin. Nagtatampo na siya kapag ganito tapos ngayon sasabihin ko pang naghahanap ako ng gift for Caleb. Ako ata ang legal na mag two time.

"Naghahanap kasi ako ng gift for Caleb."

"Ah ganun ba." Ah ganun ba? Yun lang reaksyon niya?

"Oo. Hehehe."

"Sige tutulungan na kita."

"Ha? Tutulungan mo ako?" Nabingi na yata ako. Tutulungan niya ako??? Tutulungan niya akong maghanap ng gift sa karibal niya?

"Oo. Last gift mo naman na yan for him kasi malapit na kayong mag break." He said in a determined way. Hinawakan niya ako sa braso at naglakad na.

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking tutulungan pa yung nililigawan niya na maghanap ng regalo for other guy.

NICA'S POV

Bigla na lang akong iniwan ni Tiffany. Minsan talaga sinusumpong ng topak yun. Siguro sumakit na ang tiyan niya kaya nauna ng umuwi. Ikaw kaya ang kumain ng kung ano-anong kadirihan na food. Talagang mapapa ewwwww ka sa mga kinakain niya tapos siya sarap na sarap naman. Ay naku po!

Hindi man lang niya pinatapos ang sasabihin ko. Nandito pa naman daw sina Caleb, buti na lang hindi ko pa nasasabi kay Leb na kasama ko si Tiffany kundi lagot ako kapag nalaman na hindi ko hinatid ang girlfriend niya. Hindi na yata mapaghihiwalay pa ang dalawang 'yon.

Nagpunta na lang ako sa SM Hypermarket upang tulungan si Aunt sa pamimili ng ingredients. Si Caleb ang driver at tagabitbit, aba buti nautusan niya si Caleb na sumama sa grocery eh ang alam ko hindi pa nakakatapak ng grocery yun.

Simple lang naman daw ang gagawing party saka tamang-tama dahil dadating si Uncle Chris. Spoiled kaming lahat dun! Super generous.

"Caleb bakit di nadadalaw si Tiffany sa atin? Miss na namin sya ni Toni." Mukhang gustong gusto ni Aunt si Tiffany. Mabait naman kasi si Tiffany wag lang totopakin tulad ngayon.

Natapos na din kami mamili. Papunta na kami sa car park tapos may nakita akong babae na kamukha ni Tiffany,may kasamang lalaki. Hindi ko lang alam if siya yun kasi ang alam ko umuwi na siya saka hindi ko makita yung mukha nung lalaki kasi naman naka shades.

"Leb? Is that Tiffany?" Tinuro ni Aunt yung maliit na babae na nakatalikod na sa amin ngayon. Naku po! Di naman siguro si Tiffany yun diba? Namalikmata lang siguro ako.

CALEB'S POV

"Leb? Is that Tiffany?" Lumingon ako dun sa tinuro ni mama nakita ko lang yung babaeng nakatalikod na nakikipag-usap sa isang lalaki. Paano naman kaya magiging si Tiffany yun eh kakatext lang ni Tiffs na nasa bahay lang siya? Si mama talaga!

Kasing height lang niya si Tiffs saka malay mo maganda lang yun pag nakatalikod. Tsk. Para makasiguro ay lalapitan ko na lang yung babae at saka parang pamilyar sa akin yung lalaki naka shades lang kaya di ko mamukhaan.

Malapit na sana ako ng.....................

"Ouch!"

Nabunggo ako nung babae. Tinulungan ko siyang pulutin yung mga nalaglag niyang gamit. Napatingin ako sa I.D niya at kumunot yung noo ko. Tinitigan ko siya, hawak ko pa din yung I.D.

"Sorry." She said in a soft and velvet voice. She smiled. Nakaalis siya nang di ko man lang napansin naiwan na lang akong nakatitig sa I.D niya.

I need to see her again.


I Wish I Never Met You (Edited)Where stories live. Discover now