Chapter 30

822 19 0
                                    


CHAPTER 30

TIFFANY'S POV

1am na yata kaming natulog kanina ng madaling araw kasi naman napagtripan pa naming kumanta at nakakatawa talaga nung sumayaw ng shembot sina Troy, Caleb at Alex. Hahaha.Ang lalambot ng mga katawan. Ngayon naghahanda na kami sa pagbaba ng bundok, hindi pa nga kami nakakaisang araw mga nainip na agad. Kung kailan naman na-enjoy ko na yung nature.

Sina Troy at Dessa hindi pa din nagpapansinan hanggang ngayon. Ayaw pa kasing umamin , obvious naman kasi sila. Mahaba -habang lakaran na naman itong gagawin namin, mga walang kapaguran.

"Caleb maganda ba sa resthouse ninyo?" tanong ni Clavs habang nauuna kaming maglakad ni Caleb.

"Yupp. Maganda yung view.Tanaw lang yung beach. Actually doon ako laging nagbabakasyon kapag summer." masayang kwento ni Caleb na para bang ang saya ng mga ala-ala niya roon.

"Wow naman! Mayaman ka talaga!" ani Clavs.

"San ka nga sa Batangas bhie?" tanong ko sa kanya.

"Lemery." hindi ako nakakibo sa sagot niya. Lemery. Taga doon ako. Baka may nakakakilala pa rin sa akin doon at baka Precious pa ang itawag sa akin ng mga 'yon. Ayaw! I hate that name.

Chance na din yun para madalaw ko yung puntod ni mommy ang ayoko lang naman kasi yung lugar parang pelikulang nagf-flashback ang lahat. Masakit pa din kasi kahit sabihin mo pang 10 years na ang nakakaraan. Hindi mo pa din naman masasabi kung napatawad mo na. Paano pa kaya pag nakita ko ulit sila? Sana naman ay hindi na dahil hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko.

Sa sobrang pag-iisip ko nadapa na lang ako. Ouch! Agad naman akong inalalayan ni Caleb patayo.

"Bhie saan masakit?" nag-aalalang tanong ni Caleb sa akin. Napakasakit! Nang dahil sa mga WALANG KWENTANG TAO napahamak pa tuloy ako. Wala talaga silang naidudulot na maganda sa buhay ko puro SAKIT na lang. Dahil doon ay napahagulgol na lang ako bigla.

"Masakit ba talaga?" tanong ni Caleb na mas lalo pang nag-alala sa pag-iyak ko. Nakaupo ako sa bato at umiiyak pa din. Worried na worried si Caleb. Tumango na lang ako habang patuloy pa din sa pag-iyak. I realized hindi ko na pala kayang tiisin yung sakit sa puso ko. All these time pinigilan kong umiyak kahit sa sobrang sakit na. Natatakot akong magaya kay mommy. Nag-promise ako sasarili ko na hinding hindi ko ikamamatay ang pag-ibig.

"Uy Tiffs okay ka lang ba? Napilayan ka ba?" nagsilapitan na sila sa akin dahil nakayuko lamang ako at umiiyak roon. Ang weird ko nasiguro pero sige pa din ako sa pag-iyak,nakatakip lang yung kamay ko sa mukha ko. Ewan ko ba bigla na lang nag breakdown yung emotions ko. Tinatap lang ni Caleb yung likod ko tapos nag squat siya para I-massage yung paa ko. Sa sobrang sakit ng puso ko hindi ko na naramdaman yung pilay sa paa ko. Sana naging manhid na lang ako. Ang hirap mabuhay sa mundong may kinatatakutan. Takot akong maiwan.

"O-okay na ako." I said while still sobbing

"My cry baby." Niyakap ako ni Caleb then hinalikan niya ako sa noo. I feel so secured.

Habang naglalakad kami pabigat ng pabigat yung nararamdaman ko hanggang sa makarating kami sa van hindi pa din nawawala yung bigat sa puso ko. Ang weird ng feeling. I feel so uneasy.

Tahimik lang ako habang nagbabyahe. Hindi na ako tinanong ni Caleb if may problema ako basta nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Wala ako sa mood. Naging aware lang ako sa paligid ko ng maging pamilyar yung daan sa akin. Nagsimula ng manakit yung lalamunan ko dahil sa pinipigil kong luha. Nadaanan namin yung park kung saan kami unang nagkakilala ni Ace.

Si Ace. Ang first love ko.

*FLASHBACK

Umiiyak ako dahil walang gusto na makipaglaro sa akin sa park. Walang gusto na makipagkaibigan sa akin. May isang batang lalaki na nag-abot sakin ng ice cream.

"Bata wag kang umiyak."

"B-bati mo ko?" iyak ko habang inaabot ang hawak niyang nalulusaw ng ice cream.

"Oo naman. Gusto mo laro tayo?" He smiled. He's so cute.

Naging close kami ni Ace. Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga nambubully sa akin.

One time nag pinky promise kami sa isa't isa na kapag malaki na kami magiging mag boyfriend at girlfriend kami.

*END OF FLASHBACK

Bakit Ace? Bakit mo inagaw ang pamilya ko?

Sinira mong lahat. kayo ng mommy mo. Bakit ang daddy ko pa?

Tumingala ako para di tuluyang bumagsak yung mga luha ko. Ang sakit talagang maalala yung lahat na yun. Unti-unti lalong bumibigat yung nararamdaman ko. Bumilis yung tibok ng puso ko. Parang gusto kong himatayin.

"Tiffany? We're here." tapik sa akin ni Caleb



I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon