Chapter 17

947 19 0
                                    


CHAPTER 17

CALEB'S POV

Takteng DOTA kasi sinusumpa ko na yun. Tss. Kailangan ko na tuloy mag eyeglasses pero sabi naman ni Tiffs bagay naman sa akin. Gwapong gwapo sakin eh mamahalin na daw niya ako. Sige lang mahalin mo lang ako Tiffs kasi ako mahal na kita.

February na at malapit nang matapos ang school year. Ang hina ko naman di pa din ako nagtatapat kay Tiffany nakakatorpe naman kasi never pa kaya akong nabusted. Badtrip talaga close na close na talaga kami kulang na nga lang iuwi ko na siya sa amin. Paggising ko pa lang text na niya ang una kong hinahanap.

Actually there are two forces that motivates me to wake up, the sound of my alarm clock and Tiffany's name on my inbox. Kung sinasabi ko ba naman yun kay Tiffany. Anak naman ng kabote kasi sa America chicks na lumalapit sakin. Iba talaga pag gwapo.

Nasa pad kami ni Troy. Mga anak mayaman lahat ata kami mga solo sa condo siyempre para walang sagabal sa mga kagaguhan namin. Matagal ko na ding hindi nakakasama mga gagong 'to. Si Alex na pinaka babaero sa amin ayun nagkakalat ng lahi ang pota! May iba na namang babae na kahalikan. Flavor of the week daw niya.

Ako siyempre goodboy baka masira image ko kay Tiffany. Tinamaan talaga ako sayo Tiffany Javier!

"Gagong Alex binasbasan yung banyo ko. Tangna dun gumawa ng kabugukan sa bathtub!" puna ni Troy na halatang may amats na din.

"Hahaha. Gagong yun kalat ang lahi!." natatawa kong saad at lumagok sa bote ng beer.

"Sinabi mo pa highschool pa lang ata yun eh nakabuntis na ang loko. Sex addict ang put*ngina!" palibhasa 'tong si Troy mahina sa babae.

"Hahaha. Gayahin mo kasi."

Gagong Alex pati banyo di pinapalagpas kami lang ni Troy ang walang dalang chicks kaya naman tagay lang kami ng tagay dito. Si Albert ayun devoted na devoted sa pinsan kong si Nica malapit na nga niyang dasalan eh. Hahaha. Parehas pa namang tahimik yun.

"G*go pare may mahal na ko *hik" napailing nalang ako. Mahina pala 'tong si Troy heto't lasing na.

"Kanino dude? Who's the unlucky girl?"

"Pa english english ka na naman diyan Caleb ah! *hik Kay Dessa dude! Tangna ang sungit manang mana kay Bossing." Hahaha. Nainlove ang gagong Troy. Halata naman eh kung makatingin kay Dessa akala mo may laser yung mata. Tunaw ang Dessa.

"Magtapat ka na kasi!" kung hindi kami lasing ay hindi naman namin mapag-uusapan ang bagay na 'to. Sounds gay.

"Makapagsalita ka naman ikaw nga torpeng torpe kay Bossing." Bossing talaga tawag namin kay Tiffany nakakatakot magalit eh pero gandang monster nun.

"Oo nga, baka graduate na tayo di ko pa nasasabi. Tsk!"

"Hina mo kasi. Kung di mo madaan sa santong dasalan daanin mo sa aksyong paspasan."

"Tutulungan mo ba ako?" -Kailangan sa Ferbruary 14 masabi ko na kay Tiffany ang lahat. Bahala na si Batman.


I Wish I Never Met You (Edited)Where stories live. Discover now