Chapter 24: Us

4.7K 142 23
                                    

Fridge P.O.V





Masayang masaya ako ngayon. Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Parang sasabog ako sa saya.

"Ang saya natin ah" hirit ni butler lee. Naaalala niyo pa ba siya. Siya yung nagdala sakin ng contact lense nung araw na natunaw ang suot ko.

"Syempre!" Nakangiti kong tugon. Nasa loob pala ako ngayon ng kotse. Papunta na ako sa campus.

"Anong plano mo ngayon young lady. Sasabihin mo ba sa kapatid at sa tatay mo" tanong ni butler. Napangiti ako dahil doon.

"Sasabihin ko pero hindi pa ngayon" sabi ko.

"Kailan mo sasabihin?" Tanong niya ulit.

"Sa araw na 18th birtday ko" sabi ko.

Yes! Tama kayo. Malapit na ang kaarawan ko. Sa susunod na linggo na. At sa araw na yan sasabihin ko lahat. Magpapakilala na ako bilang totoong ako.

"Hala ka. Malapit pala iyon young lady" natawa ako dahil sa reaksyon ni butler.

"Sa susunod na linggo na kaya ihanda mo na ang regalo mo" biro ko kay butler. Ang sarap sa pakiramdam na walang kang iniisip na mga problema.

"Masaya ako na napagpasyahan mo nang bumalik sa dating ikaw young lady. Minahal ka namin ng mga pamilya mo, kaibigan mo dahil sa pagiging ikaw" mahinahong sabi ni butler

"One week from now. Im gonna back" this time sumeryoso ako. Alam kong tamang itong desisyon ko. Gagawin ko ito hindi dahil para sa sarili ko kundi para sa mga mahal ko sa buhay. Malapit ng maganap. Malapit ng maganap ang araw na iyon. Ang araw na papatayin ang gift at iaalay kay Queen. At kailangan ko iyong pigilan.

"Nandito na tayo young lady" nabalik ako sa realidad dahil bigkang pag salita ni butler. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na ng kotse.

"Salamat butler lee" nakangiti kong pasalanat kay butler. Minsan lang lumabas ang side ko na masayahin. Kung masaya ako nagiging mabait ako.

"Walang anuman young lady. Sige po. Ingat kayo" sabi niya at pinaharurut ang kotse. Yun talagang si butler laging concern sakin. Tinuturing kong pangalawang tatay si butler. Tuwing kailangan ko ng tulong at hindi ako matulungan ni dad kasi nasa ibang bansa siya para sa business si butler ang tumutulong sakin.

Bago ako pumasok sa main gate ng heil academy ay sinulyapan ko muna ang kabuuan nito mula sa labas. Dito mismo mangyayari ang kinatatakutan ko. Kaya kailangan mapasakin ang paaralang ito para maprotektahan ko ang mga studyante. Lalo na at malapit na itong maganap.

"BHEST!" Kaagad kong tinakpan ang magkabila kong taenga. Sino pa ba ang kaibigan kong parang nakalunok ng mega phone sa sobrang lakas ng boses. Hiya nga ang microphone namin eh. Di hamak na mas malakas ang boses ni aren kesa microphone namin.

"Kailangang sumigaw?" Sabi ko nang makalapit na sila sakin. Kasama niya kasi si kim at take note magkaholding hands ang dalawa. Teka nga. May nangyari ba sa dalawang to habang wala ako

"Syempre. Na miss kita eh" nakangiti niyang sabi at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Hindi man halata pero namiss ko tong bruhang to.

"Uy kayo ha. Bakit kayo magka holding hands?" Tanong ko. Bigla naman silang bumitaw sa pagkaholding hands. Namula pa ang mga mukha nilang dalawa. I knew it.

"Kayo na ba?" Bigla kong tanong. Bigla silang napatingin sakin. Yung mga mukha nila sobrang pula.

"Hindi pa" tanggi ni kim.

"Nanliligaw palang siya" dugtong naman ni aren na halatang nahihiya.

"Kayo ha. Isang araw lang ako nawala gumagawa kaagad kayo ng milagro" sabi ko.

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now