Chapter 29: Birthday Part 2

3.3K 95 11
                                    

Gehanna P.O.V

Nakatayo ako sa gitna habang hinihintay ang unang lalakeng isasayaw ako.

Kahit gangster ako ay pinangarap ko din naman ang isang perpektong debut party. Yun nga lang medjo kakaiba ang sa akin. Kung karamihan ng mga debut ay sa unang parte isasayaw ng 18 lalake ang babae. Sakin ay hindi.

Sa pangalawang parte ito magaganap since may grand entrance ako sa pinaka-una.

 Kaya ito ako ngayon. Hinihintay si daddy. Siya kasi ang first dance ko.

At siya lang din ang alam kong lalake na isasayaw ako. Hindi ko na alam kong sino sino pa ba ang mga lalakeng isasayaw ako.

Maya maya ay nagsimula ng kumanta ang mga hinire ni daddy na mga singers. Sila ata ang kakanta ng sasayawin namin.




Now Playing:
♪Thousand Years♪


Napangiti ako ng maaninag ko kagwapohan ni daddy. Siya ang pinamahalagang lalake sa buhay ko. Siya ang naging ina ay itay ko habang hindi ko pa nakikila si mommy.  Lagi siyang may oras samin ni maigan kahit na napaka busy niya dahil sa mga bussiness namin. Kami ang unang priority niya at napaka-sarap sa feeling non.

"Your so gourgeous today sweety" puri ni dad sabay abot sakin ng pulang rosas. Napangiti ako dahil doon. Ang sweet naman ni daddy.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinimulan niya na akong isayaw.

"Dad!" Tawag ko kay dad habang sumasayaw kami

"Yes sweety" sagot ni dad.

"Thank you" sabi ko sabay ngiti.
Napaka thankful ko dahil siya ang naging daddy ko.

"For what?"

"For everything" sagot ko at niyakap si dad. Feeling ko kasi iiyak na ako anytime. 

"Thats my responsibility sweety. Na alagaan ka, kayong magkakapatid" sabi ni dad habang inaalo ako sa likod. Kilalang kilala talaga niya ako.


"I love you so much dad" sabi ko at kumawala sa yakap.

"I love you too sweety" sagot ni dad at hinalikan ako sa noo pagkatapos ay sa pisngi.

"Enjoy your day and be ready for your special guest" sabi ni dad bago ako iniwan. Hala! Sino yung special guest ko. Ano bayan nacucurious tuloy ko.

Sumunod namang lumabas si kim na gwapong gwapo sa suot niya. Inabotan niya ako ng pulang rosas na tinaggap ko namang. Nagsimula na kaming magsayaw.

"Alam mo fridg- este gehanna. Hindi talaga ako makapaniwala na isa ka palang gangster. At isa ka pa sa mga pinakamalakas na gangster. Nakakatakot ka naman haha" sabi ni kim na sinundan ng tawa. Napaka thankful ko rin na nagkaroon ko ng kaibigan na katulad niya. Yung kaibigang alam ko na laging nasa tabi ko.

"Matakot ka pag nasa Emperatrice mode ako. Pero nasa gehanna mode naman ako kaya relax ka lang jan" pagbibiro ko at saka hinampas siya braso. Syempre mahina lang.

"Sabagay. Pero seryoso. You look so perfect tonight"  puri ni kim.

"Thank you kim" pasalamat ko sa kanya.

"Enjoy your night fridg- este gehanna pala. Hindi siya nagkamali ng babaeng pinili para mahalin" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Ano raw?

"Sinong siya" pahabol ko tanong sa kanya.

"Si Yelo" mahina niyang sagot at bumalik na sa upuan niya.

Demonical Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon