Chapter 18: Red

5.7K 144 23
                                    

Eto na po ang chapter 18. Sana po magustuhan niyo. Dont forget to leave any comments below. Muah! Thank you.

______________________________

Fridge P.O.V

Eto na! Eto na ang pinakamahirap sa lahat. Ang question and answer portion.

Nasa harap ako ngayon ng salamin. Nakasuot ako ng plain black mernaid dress na sobrang fit sakin kaya bakat na bakat talaga ang hubog ng katawan ko.

Hay! Pagkatapos ng mga nangyari kanina mas kinabahan ako. Lalo na sa mga sinabi ni Ice. At yung lintik na halik na yun. Sh't hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang malambot niyang labi sa pisngi ko. At walangya talaga! Hindi ako makapaniwala na kinilig ako kanina. Huhu! Unbelievable talaga ang mga nangyari ngayon.

Sa ikalimang beses nagbuntong hiniga ako. Hay! Akala ko talaga buhay siya, pero akala ko lang pala yun. Kailan nga ba naging tama ang akala. Wala pa diba. Kaya bakit ako aasa na buhay siya.

Kontento na ako na hanggang picture frame ko lang siya nakikita. Pero mas makokontento ako pag nakita ko siya ng buhay, mayakap ko siya at maramdaman ang pagmamahal ng isang--

"Miss, magsisimula na daw po, hinahanap na kayo ng coordinator" sabi ng isa sa mga staff ng pageant.

"Susunod na ako!" Flat kong sabi at humarap na muli sa salamin.

Maya maya lang ay sumunod na ako stage. Saktong sakto naman dahil nagsimula na. Umakyat na ako sa stage habang naka angat ang ulo. Stay the poise fridge. Wag mo munang isipin ang mga ibang bagay.

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko sila aren at maigan na nakangiti habang nakatingin sa direksyon ko. At nakita ko rin si ice sa likod nila na nakatingin sakin pero suot yung mukha na walang emosyon. Tsk! Matapos niya akong nakawan ng halik ganyan lang ang ipapakita niyang mukha. Halikan ko siya jan eh.

Yuck! Yung egg cells ko nagwawala na naman.

"Candidate number seventeen pwede ka nang bumunot kung sino sa mga judges manggagaling ang tanong mo" sabi ng mc. Tapos na pala sumgot yung tatlong candidate at aaminin ko na ang gaganda ng mga sagot nila. Pang miss universe talaga. Ewan ko lang sa mervy nato. Baka puro kalandian ang sagot niya. Hay! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagpapangap lang pala si mervy. Paano ko nalaman?

Simula kasi nong hindi na umuuwi sa mervy sa dorm ay nag hire ako ng isang profesional private investigator para subaybayan ang mga galaw ni mervy. At kanina habang may fiftheen minutes break kami dumating yung kinuha kong investigator at dun ko nalaman ang totoong baho ni mervy.

*Flashback*

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan at kaharap ang isang mesa habang kumakain ng cheese burger. Pagkatapos ng talent portion ay binigyan kami ng fiftheen minutes break. Sakto lang para makapag pahinga at makakain ako. Kanina pa kasi ako gutom. Nakaubos na nga ako ng apat na cheese burger eh. Kailangan ko kasing kumain para makasagot ako ng maayos mamaya sa Q&A portion.

Habang kumain ako ay may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan ito. Bumungad sakin ang mukha ni Lester, siya ang kinuha kong investigator para manmanan si mervy.

"Ikaw pala lester, pasok ka muna!" Sabi ko. Pumasok naman siya at umupo sa isang upuan. Ni lock ko muna ang pintuan bago sumunod sa kanya.

Pagkaupo ko ay nakita ko ang dala niyang brown envelope.

"So may nakuha ka na bang informations?" straight to the point kong tanong. Inilapag ko muna sa mesa ang burger at matimtim na tinignan si lester.

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now