Chapter 14: Dark Hallway

5.3K 197 6
                                    

"Good job candidates!" patiling wika ng mahaderang bakla na nagturo samin sa tamang paglakad sa stage. Mabuti nga at nagandahan na siya sa paglakad namin eh. Kanina pa kasi yan talak ng talak na ang papangit daw ng mga lakad namin. Tsk! akala mo naman kung sinong magaling maglakad. Mukha nga siyang higad na pinakuluan jan eh. Idagdag niyo pa ang kalbo niyang ulo. Kinalbugan niya pa ang araw sa kintab ng ulo niya. Psh! nakakainis na talaga ang baklang higad na to eh.

"infairness sayo Mhian ah, bongasheos ka maglakad" puri niya kay mhian.

"thank you sir!" pasalamat ni Mhian. Representative siya ng 2nd year collage. Maganda rin siya at mabait. Siya nga ang una kong naging kaibigan eh. Ang bait niya kasi.Imbis na ngumiti si baklang higad ay tumaas pa ang kilay niya.

"Dont call me sir, its maam entindiez!" mataray niyang sabi. Tumango nalang si mhian. Psh! feeling babae ang baklang to! Mas mukha nga siyang tarzan eh! ang laki ng katawan. Ewan ko ng kong bakla ba talaga to

Nasa auditorium pala ako ngayon. Practice kasi namin para sa Ms. Heil Princess. 16 candidates kaming lahat ang nandito ngayon sa auditorium. Kasali rin kasi ang mga collage studens. Kainis naman kasi dahil napasok ako sa gulong to. Letse kasi ang prof nayun eh!ako pa talaga ang pinili. Ang raming maganda jan sa tabi-tabi pero ako parin ang pinili. Oh well hindi ko siya masisi. Ang beauty ko kasi ay one of a kind. Wahaha

Bumaba narin kami ng stage at pumumta na mga classroom namin. One week kaming walang klase dahil sa pagiging busy nang mga guro sa mga activities na magaganap next week.
Busy rin ang mga studyante sa pagtatayo ng mga booth nila.

May marriage booth, dedication booth, and etcetera.. Habang sa section naman namin ay photo booth.

Lumabas na ako ng auditorium at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si aren na masayang nagtatawan kasama si Kim. May namumuo na talaga sa dalawang to. Comprontahin ko nga yan si aren mamaya.

Lumapit ako sa pwesto nila.
"uy! nandito ka pala best" sabi ni aren ng mapansin na niya ako. Tsk! busy kasi sa pakikipagharutan kay kim.

" ay wala pa ko best, picture ko lang to eh" pamimilosopo ko. Kasi naman! aish! wag na nga.

"pilosopang babae" aniya.

"tsk!" yun nalang ang nasabi ko. Speechless eh!

"nga pala best, sabi ni prof magpahinga ka nalang daw muna sa dorm, kami nalang ang mag-aayos ng photo booth"

Napangiti ako dahil sa sinabi ni aren. Thanks! makapagpahinga narin ang katawang lupa ko.

"sige best una nako by--"

"WAHHHHHHHHHHHHHH"

O_O

O_O

O_O

Third Persons P.O.V

Sigaw ng isang babae ang umalingaw-ngaw sa buong campus. Lahat ng mga studyante ay nataranta dahil sa narinig nilang sigaw. Pati ang mga dalagang si Aren at Fridge ay tila kinabahan rin sa biglaang sigaw na narinig nila. Napatigil silang tatlo sa pag kukwentuhan dahil sa boses na iyon.

"narinig mo ba yun best!" nagtatakang tanong ng dalaga na nagngangalang Aren. Bigla kasi itong nakaramdam ng kakaibang takot. Napa poker face si fridge sa tanong ni aren.

"gaga! anong akala mo sakin bingi" bulyaw ng dalaga sa kanyang kaibigan. Napatingin silang tatlo sa mga studyante na nagtatakbuhan sa hallway.
May mga natatakot, meron ding kinakabahan. Sumunod ang tatlo sa mga studyante dahil alam nila na hahanapin ng mga studyante ang babaeng may gawa ng malakas na sigaw na yun. Sumunod lang sila hanggang nakarating sila sa likod ng mens dormitory.

Demonical Gangster PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin