Chapter 21: She's in Danger

5K 132 6
                                    

Chapter 21:


Fridge P.O.V

Nakatulala lang ako nang matanggal na niya ang suot niyang maskara


O_O


"Allyza Chong?"



"the one and only" sabi niya sabay ngiti or lets say naka smirk. Ibang ibang siya ngayon. Para siyang hindi si allyza na nakilala ko noon. Base sa pananamit niya para siyang bitch. Shes just wearing a pok-pok short with matching black bra. Haller! Sinong matinong babae ang magsusuot ng ganyan sa oras ng gabi.

"anong kailangan mo sa kapatid ko?" diretso kong tanong. Hindi ako makapaniwala na siya ang mastermind nito. Kilala ko siya eh. Mahinhin, mabait at matalino.

Pero sa pagkakataong toh hindi niya ginamit ang utak niya. Mas pinagana niya ang puso kesa sa isip. Kaya nga nasa tass ang utak diba, para diktahan kung anong dapat gawin ng puso.

"sa kapatid mo wala pero sayo meron" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"so anong kailangan mo sakin?" tanong ko.

"ang buhay mo?" lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. At mas lalo kung ikinagulat nang may inilabas siyang baril. Nakatago ang iyon sa loob ng kanyang bra. Grabe siya. Kahit bra ginawang bulsa.

"teka lang allyza, ano bang kasalan ko sayo?" mahinahon kung tanong. Ayaw ko munang magalit. Gusto ko munang alamin ang dahilan niya kung bakit niya to ginagawa. Alam kong hindi si allyza to. Alam kong kinakain lang siya ng galit kaya niya nagawa to lahat. Ganyan naman talaga diba. Dahil sa galit, nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo ineexpect na kaya mong gawin. Anger can do anything.

"anong kasalan mo ha? gusto mo malaman" sigaw niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang magpatuloy.

"ikaw lang naman ang dahilan kung bakit namatay si mice, ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala!" kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Gusto ko siyang yakapin at icomfort pero may hawak siyang baril. Baka barilin niya ako. Naku ayaw ko pang mamatay.

"anong bang pinagsasabi mo allyza, wala akong kinalaman sa pagkamatay niya!" depensa ko sa sarili ko.

"wag ka nang magmaang maangan fridge, sinabi sakin lahat ni merv-"
bigla siyang huminto sa pagsasalita.

"mervy ba kamo? so siya nagsabi sayo ng mga kasungalingan na yan?" this time nakaramdam ako ng pagkainis. Tanginang mervy na yan. Hindi ba siya titigil sa panggugulo sa buhay ko. Gaano ba kalaki ang galit niya sakin at pati si allyza ay ginamit niya. Sinamantala niya kahinaan ni allyza. Gumawa pa siya ng kwento para kasuklaman ako ni allyza. Grabe siya.

Sana nga pinatay ko na siya kanina. Bakit ba kasi naawa sa demonyong babaeng yun.

"oo siya nga" sabi niya at itinutuk ang baril sa direksyon ko.

"bitawan mo yan!" sabi ko pero mukhang walang siyang narinig dahil may hinigpitan niya ang hawak sa baril.

"namatay ang lalaking pinakamamahal ko at yun ay dahil sayo. Alam mo ba kung gaano ako naging miserable simula ng mawala siya. Alam mo kung ano ang dapat sayo, Ang mamatay"

*Bang*

Nabigla ako dahil sa pagputok ng baril niya. Mabuti nalang at nailagan ko ito.

Mabilis akong tumakbo sa direksyon niya at inagaw ang hawak niyang baril. Nagiging ganyan siya dahil sa sobrang pagmamahal niya kay mice. Nabulag siya sa pagmamahal, sa sobrang pagmamahal niya nagawa niya maging masama.

"ibigay mo sakin ang baril na ya-"

Hindi ko na siya pinatapos. Kailangan niyang matauhan

*Pak*

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now