Chapter 20: Parking Lot

4.5K 136 17
                                    

Fridge P.O.V


"Bhest tawagan mo kaya si maigan" daing ni aren na ngayon ay nakahawak sa braso ni kim. Psh! Edi sila ang sweet.

"Oo nga fridge baka umuwi nayon" sige pagtulungan niya ako. Nahiya naman ako sa dalawang to. Ako na nga ang walang partner dito tapos ako pa pinagtutulungan nila. Naku! Ang dalawang to talaga.

"Oo na, ano pa bang magagawa ko eh pinagtulungan niyo na ako"

Kinuha ko ang cellphone ko na sa bulsa at kaagad di-nial ang number ni maigan.

Hindi palang nag sampong segundo ay sinagot niya na ito

"Maigs asan ka ?" diretso kong tanong sa magaling kong kapatid.

"Im here at the parking lot, where are you?" sagot niya.

"Papunta na kami jan!"

"Can you make it bilis ng slight, im so nababagot na here its so madilim pa naman here!"

"Okay!"

binaba ko na ang tawag at kaagad nilagay sa bag ko.

"nasa parking lot daw siya, tara puntahan na natin" sabi ko kay aren at kim.

"tara para makauwi narin tayo!" sabi ni kim. Nagsimula na kaming maglakad papunta ng parking lot.

"oo nga bhest, gusto ko ng matulog eh" sabi ni aren.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami main gate ng school. Hoo! sa wakas nakalabas narin kami

Napatigil ako sa paglalakad dahil may napansin akong pigura ng tao sa may di kalayuan. Nakatago ito sa malaking puno pero yung ulo niya nakalabas. Para siyang naninilip.

Lumapit ako ng konti para maaninag ang mukha niya. pero parang nagkamali ako.

O_O

Siya na naman. Siya yung babae na nakita ko kanina habang kumakanta ako sa pageant. Siya rin yung dahilan kong bakit ako nawala sa consentration. Siya yung babae na matagal ko nang gustong makita. Babaeng gustong kong mayakap.

Sana nga hindi ako nagmamalik mata. Sana totoo tong nakita ko. Sana mayakap ko siya at maramdaman ang pagmamahal ng isang

INA

"okay ka lang ba bhest, kanina ka pa tulala jan" ganon na pala kalalim ang mga iniisip ko. Ngumiti ako ng bahagya saka muling nagsalita.

"a-ah okay lang ako!" pag sisinungaling ko dahil sa totoo lang I feel so frustrated and insecure right know. Lahat na insecurities ko sa katawan na matagal ko nang binaon ay muling nahukay.

Naalala ko pa nong bata pa ako. May isa akong kaklase na nilait ako dahil wala akong mama.

"Ang lungkot naman ng buhay mo, wala kang ina, walang mag aalaga sayo, walang magluluto ng pagkain para sayo. Kawawa ka naman"

Yun yung sinabi ng lintik na kaklase ko.

Pagkatapos niya yung sabihin ay tumakbo ako pumunta sa cr. Umiyak ako ng umiyak non. Kahit nga ako naaawa sa sarili ko. Bata palang ako hindi ko na nakita ang mama ko. Hanggang picture ko lang siya nakita. Dahil sa pangyayaring yun napagpasyahan kong lumipat ng paaralan. Lumipat ako sa paaralan kung saan walang manlalait sakin. Bakit ba kasi niya ako iniwan?

Hanggang ngayon nangangarap parin ako na makita siya.

Namiss ko na talaga siya. I really miss mom.


"AAAAATTTTTEEEEE"



O_O



"sh't fridge diba boses yun ni maigan" bigla akong kinabahan sa sinabi ni kim. Tama nga siya, boses yun ng kapatid ko

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now