Chapter 23: KimRen

4.9K 144 11
                                    

Aren P.O.V

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng hapunan. Si maigan kararating lang pero parang kakaiba ang tingin niya saming dalawa ni kim. Hindi ko kasi siya pinansin. Nahihiya ako

Wahhh! Nakakainis talaga. Pag naaalala ko yun. Nabubuhay ang pagiging mahiyain ko. Nako naman!
Kasi naman kanina ng pumasok ako sa kusina hindi ko alam na sumunod pala si kim at ayun. Wahhh di ko matanggap

*Flashback*

"Gusto mong halikan kita jan para mapatunayan ko na hindi ako bakl-"

"WAHHHHH BASTOS"

Kaagad akong tumakbo papasok ng kusina. Langya ang kim na yun. Hahalikan daw ako. At ramdam na ramd ko ang pamumula ng pisngi ko. Si maigan naman tumawa lang. Yahh pinagtutulungan nila ako. Wala akong kakampi. Pakamatay nalang kaya ako. Aish! Wag nalang pala baka mamatay ako. Sayang naman ang lahi ko kung hindi ko mapalaganap

Pagkapasok ko sa kusina ay dumiretso kaagad ako sa fridge. Wag ka hindi fridge na yung kaibigan ko na akala namin nawawala pero hindi naman pala. Fridge na bagay. Yung malaki na kulay puti na nilalagyan ng mga pagkain para ma preserve. Aish. Basta

Binuksan ko ang fridge.

^_^

Wah. Ang raming pagkain grabe. May spagetti may salad may cake at may carbonara. Mabubusog na naman ako nito for sure.

Kinuha ko ang carbonara at nilagay sa mesa. Kumuha rin ako ng plato at kutsara. Syempre hindi ko naman mauubos to lahat.

^_^

Kainan na.

YumYum. Grabe ang sarap nito.

"Sarap na sarap ka jan ah"

"Wahhh anak ka ng carbonarang buntis!" Napasigaw ako dahil sa gulat. Muntik na nga akong mabilaukan eh. Mabuti nalang ang maganda ako kaya hindi natuloy.

(Author: anong connect ng kagandahan aber?)

"Malay ko ba. Ikaw ang nagtype niyan eh. Psh"

Itong si author ako pa sinisisi. Siya jan ang nag tytype eh. Tsk

Makakain na nga. Susubo na sana ako ng carbonara pero may biglang sumulpot na magandang lalake sa harapan ko. Ay mali si kim lang pala. Ang dakilang si Kim

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong. Galit galitan ang drama ko ngayon.

"Wala. At saka sayo batong bahay?" Tanong niya.

"May sinabi ba akong akin to?" Hindi ko siya tinignan. Baka masuka lang ako. Syempre joke lang. Pasalamat siya dahil crush ko siya kaya hindi ko siya matatarayan ng bongga.

"Psh" umingos siya.

"Wag ka ngang umingos jan hindi bagay sayo" puna ko at saka muling kumain ng carbonara.

Hindi  siya nagsalita kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Sarap kasi nitong carbobara eh. Sino kayang nagluto nito. Gusto kong magpaturo hihi

"I like you"

O_O

*cough, cough*

Shete. Nabulunan ako.

"Tubig?"  Sabi ko. Kaagad namang kumilos si kim at kumuha ng tubig sa fridge. Pagkatapos niyang kumuha ay binigay niya sakin kaagad.

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now