Chapter 28: Birthday Part 1

2.8K 87 5
                                    

Fridge P.O.V

Nakangiti akong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.  Ilang taon ang hinintay ko para sa araw na to. Taong sinayang ko sa pagtatago, pagiging isang normal na babae na nag aaral sa isang ordinaryong paaralan. Pagod na ako.

Sapat naman siguro ang taong sinayang ko. Haharapin ko na ang kapalaran ko. Haharapin ko na ang sarili kong problema. Nang ako lang mag isa.

*beep* *beep*

Inabot ko ang phone ko sa may kama at tinignan kung sino ang nag text. Letche naman kasi. Nag momoment ang tao eh.

09*********

Happy birthday gen. Excited to see you😘

Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang message.  Isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng Gen eh. Yung nagiisang ace na yun

Hayop ka talaga ace. Ngayon ka pa susulpot sa araw na to. Napakalaki mong hayop. Hinding hindi ako papayag na sisirain mo ang plano. Not you ace. Not you!

*kriiiiiing*

Sinagot ko kaagad ang tawag.

"Excited honey?"  Tanong niya

Napangit ako dahil sa tanong niya. Bakit naman ako hindi matutuwa kung mismong taong nagpapasaya sakin ay present sa araw ko.

"Ofcourse mom. Im so excited.!" Sagot ko.

"Are you sure honey? Baka hindi ka pa handa sa lahat ng to"

"Matagal na akong handa mom. Hinintay ko lang talaga ang tamang panahon"

"Sana hindi mali ang naging desisyon natin anak"

"Alam kong tama ang naging desisyon natin mom. Wala naman tayong ibang inisip kundi ang buong tao na naka-konekta sa UG"

"Sana nga anak. May tiwala ako sayo"

"Thank you for the trust mom"  nakangiti kong sagot

"So see you later"

"Okay mom. Cant wait sa magiging reaksyon ni maigan pag nakita ka" nakangiti kong sabi habang nag iimagine sa mukha ni maigan na naka ngiti, gulat, galit at iba pang reaksyon na posibleng mangyari mamaya sa kanya. Excited tuloy ako.

"Kinakabahan ako anak. Paano kung magalit siya sakin?" Mahinang sabi ni mom sa kabilang linya.

"Hindi yun ma. Si maigan pa. Pinaglihi ata yun kay joker eh. Laging nakangiti at masaya" pagbibiro ko para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ni mama.

"Sana nga anak. Sige anak at mukhang magsisimula na"

"Sige ma. Kitakits mamaya"
Sabi ko at binaba na ang tawag. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Ito na magsisimula na.

"Ladies and Gentelmen welcome to scott's black mansion" Nagsimula na nga. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa back stage dahil dun gagawin ang grand entrance ko.  Sa pangalawang pagkaka-taon ay muli akong nagpakawala ng malalim na hininga.

Sana maging maayos ang takbo ng gabing to. 

Sana.

Maigan P.O.V

Nagsimula nang mag letanya ang mc kaya pumwesto na ang
mga bisita sa kanilang mga mesa. Naka pwesto ako sa stage since kapatid ko ang celebrant. Magkatabi kami ni daddy na nakasuot ng gray tuxedo. Gwapo ng daddy ko. Japorms na japorms eh.

Si ate aren naman at kuya kim ay nakaupo sa harapan. Nakasuot black cocktail si ate aret habang black tuxedo naman si kuya kim. Kailangan kasing naka formal ang lahat ng mga bisita. Request yan ni ate. Ang arte no?

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now