Chapter 15: Close

5.4K 168 8
                                    

Babala: Ang chapter na ito ay naglalaman ng mga maseselang lengwahe. Pinapayuan ko na wag masyadong mag imagine dahil nakakasama ito sa kalusugan! Yun lang po.!

______________________________



OHMYHOLYMOTHEROFFLIRT


O_O

Si Ice at si Bridgette nag mamake out.

Oo tama kayo. Si bridgette yung umungol kanina. Mabuti nalang at may ilaw sa loob ng kwarto kaya nakita ko ang mga mukha nila.

Grabe! ang landi nila.

Nakaupo si Ice sa isang upuan habang si nakaupo naman si Bridgette sa lap niya. Wala naring saplot ang itaas ni bridgette, tanging bra nalang ang natira. Habang topless naman si Ice. Yah! nag aano na ba sila.

Grabe sila. Rumarami na nga ang mga nagkaka-aids dadagdagan pa nila. At sa abandonadong classroom pa talaga sila gumawa ng milagro. Ewww wala silang choice of place.

Hindi ko akalain na ganyan pala si Ice. Ganyan siya kalandi. Tama lang talaga ang lumayo ako sa kanya.

Dadahan akong kumilos para umalis sa pwesto ko pero

O_O

naloka na..

Nagalaw ko ang flower pot sa gilid ko kaya ang bunga nabasag. Lagot! kailangan kong magtago, baka makita nila ako.

Tatakbo na sana ako pero may nagsalita.

"at saan mo balak pumunta, pagkatapos mo kaming panoorin na nag aano?" dahan dahan kung inikot ang ulo ko at BULAGA bumungad ang topless na katawan ni Ice.

sh'ttapetpets may pandesal pala ang lalakeng to. Omeged! six pack abs here I come.

wait! anong sinabi ko.
Ewwww, Hindi ko siya pinagnanasaan no. Panis kaya ang pandesal niya.

"Im waiting for your answer Ms. Scott" muli siyang nagsalita.

Sh't! ang chismosa ko kasi ehh, ayan tuloy gulo na naman.

"ahhh ehhhh napadaan lang ak-"

hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ako papasok ng kwarto. At doon ko nakita si bridgette na halos wala ng saplot ang katawan.

"Bakit nandito ang babaeng yan Ice?" Tanong ni bridgette saka lumapit sa pwesto namin. Hindi ko siya pinansin at itinutok ang tingin kay ice na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Bitawan mo ako Ice" sigaw ko. Ang higpit na kasi ng hawak niya sa kamay ko.

"paano kung ayaw ko" aniya at mas hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko. Napangiwi ako dahil sa sakit.

"ano bang problema mo" pasigaw kong tanong. Iniharap niya ako ikinulong sa magkabila niyang braso.

"ikaw! ikaw ang problema ko" sagot niya at mas hinigpitan ang paghawak sa braso ko. Gusto ko nang umiyak pero hindi ko magawa. Bakit? kasi hindi niya deserve ang luha ko.

"ano bang ginawa ko sayo ha?" singhal ko. Nakakagalit na eh. Ano bang ginawa ko sa kanya. Hindi ko naman siya ginahasa at wala rin akong planong gawin yun. Takot ko lang na magka aids noh!

Ako ang problema niya? Bakit hindi ang kalandian ng katawan niya ang problemahin niya. Ni hindi nga kami nagpapansinan araw-araw pagkatapos ngayon! Ako ang pinoproblema niya. Seriously! Anong utot ang nalaghap niya

"hindi mo ba alam na mapanganib ang lugar nato, tapos punta punta ka dito para makita lang ako, tsk! may tinatago karin palang kalandian noh! " natigilan ako sa sinabi niya. Ang sakit ng mga sinabi niya. Hindi naman niya alam ang buong pangyayari kung bakit napunta ako sa lugar na ito pero kung makapagsalita siya akala mo alam niya lahat.

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now