Chapter 22: Password

5.4K 167 21
                                    




Aren P.O.V







"Wala dito si fridge!" Sigaw ko sa kanila na busy rin sa paghahanap kay fridge.
Nandito kasi kami ngayon sa heil academy. Nagbabasakaling nandito pa si fridge. Pero wala talaga eh!

Hinanap na namin siya sa bawat sulok ng campus pero wala parin. Baka nga dinala na siya sa malayong lugar.

Nako! Sana naman nasa mabuting kamay si fridge. Wag sana siyang mapahamak.

"Ate is not also here!" Sigaw naman ni maigan sa di kalayuan.

"Wala rin siya sa parking lot" sabi ni kim na kararating lang. Sa parking lot kasi naghanap habang kami naman dito sa loob ng campus.

Naglakad ako palapit sa kanila.

"Baka dinala siya sa ibang lugar, diba nga may sinabi yung babae na ipasok siya sa van kaya posibleng wala sila dito" paliwanag ko.

Nagsimula na naman akong kabahan dahil sa naisip ko. Paano kung si mervy ang kumuha kay fridge. Pero imposible naman dahil hinang hina na siya tapos hindi pa niya kaboses yung narinig namin kanina sa tawag.

"Baka nga, pero sino naman ang magtatangkang gawin yun kay fridge, bukod kay mervy sino pa ba ang may galit kay fridge?" Seryosong tanong ni kim

"Sa pagkaka-alam ko may galit rin si samantha kay fridge, baka siya" seryoso ko ding sabi. Sa oras na to hindi ko magawang ngumiti dahil kinakabahan talaga ako sa posibleng mangyari kay fridge.

Alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya. Pero paano kung marami ang kalaban niya edi siya ang dehado. Mabuti sana kung nandon kami. Pero hindi eh. Ang namin sa kanya

"Diba may galit din sa kanya si...sino nga ba yun si... ah basta yung kahalikan noo ni ice sa cafeteria" usal ni kim sabay kamot sa ulo.

Kahalikan ni ice sa cafeteria? Sino nga yun? Si...si... ahh oo tama si bridgette yun.

"Si princess bridgette heil yun, pwede ring siya pero balita ko nasa state na daw yun eh" sabi ko. Bwiset! Mababaliw kami nito sa kakaisip kung sino ang kumuha kay fridge.

"K-kinakabahan ako ate aren!" Bigla akong napatingin kay maigan. Nanginginig siya at halata talagang kinakabahan.

Alam ko na sa aming tatlo siya ang pinaka apektado. Kapatid niya si fridge kaya hindi ko siya masisi.

Nilapitan ko siya at niyakap. Wala lang. Gusto ko lang bawasan yung kaba niya.

"Mahahanap rin natin siya maigan! Tiwala lang" mahinahon kong sabi at kumalas sa yakap.

"Pero paano kung may m-mangyari sa kanyang masama, paano kung p-patayin siya!" Nanginginig niyang usal

"Wag ka ngang mag isip ng mga ganyan maigan, kung papatayin man nila si fridge, alam kung mahihirapan sila, masamang damo kaya yun kaya mahirap talagang patayin hahaha" pagbibiro ko at tumawa ng kaunti.

"Ikaw talaga ate aren!" Sabi ni maigan at hinampas ako. Aba at ang loka nagawa pang ngumiti. Sumisenti kanina tapos biglang sasaya. Nakoo! Malala na talaga tong kapatid ni fridge







*KRINGGGGG*









Napatingin kami sa isat-isa.



"Cellphone mo ba yung tumunog?" tanong ni kim


"Nope" flat kong sagot. Hindi naman kasi sakin yun eh. At tsaka naka off ang cellphone ko


"Baka sayo maigan?" Tanong ko kay maigan. Sinilip niya ang cellphone niya na nakalagay sa dala nitong pouch.

Demonical Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon