Chapter 9: Mysterious Women

7.5K 171 2
                                    

Chapter 9: Mysterious Women

Fridge P.O.V

Napangiwi ako sa sakit sa pagkatutuk niya ng baril sa ulo ko. Parang anytime ay sasabog na ang ulo ko.

"you can bid your goodbye death" wika ng lalake na nasa likod ko. Red ata pangalan niya. Hindi nagsalita si Ice bagkos ay yumuko lang ito. Biglang may pumasok na pagtataka aa isipan ko. Ang pagkakaalam ko walang niyuyukuang away si death pero bakit ngayon. Bakit siya yumuko? alam na kaya niya na kaya kung lumaban? parang hindi naman ata. Bakit ko ba iniisip ang mga bagay nayan. Ang kailangan kong gawin ay ang makatakas sa kamay ng mokong nato.

At parang eto na yung tamang pagkakataon para makatakas ako. Nakayuko si Ice kaya paniguradong hindi niya makikita ang paggalaw ko. Pinakiramdaman ko muna ang mga galaw ni red. Nang makahanap ako ng magandang tyempo ay sinipa ko ang hawak niyang baril. Mula sa harap ko ay nag tilt ako pero malakas keysa normal na tilt. Mabuti nalang at nakapagaral ako ng 2 years gymanstics kaya makakalaban parin  ako kahit paa lang ang gamit.

Tumilapon sa malayo ang baril na hawak niya. Nag split ako dahilan para mawala ang pagkahawak niya sa braso ko. Ginamit ko ang oportinidad na yun para sipain ang pagkalalake niya. Mula sa split ay tumayo ako at natamaan yung pagkalalake niya dahilan para mapahiga siya sa sakit.

"Damn!" hiyaw nito sa sakit. Ngayon na nakita ko na ang nakakadiri niyang pagmumukha ay hindi nako magdadalawang isip na patayin siya. Para naman kahit paano ay mabawasan ang mga pangit na nilalang sa mundong to. Nyahah ang bait ko kay mother earth noh?

Kaagad akong lumapit kay Ice na ngayon ay hindi na nakayuko. Nakatingin siya sakin na parang may nagawa akong masama. Pagkalapit ko sa kanya ay nagtago ako sa likod niya.  Syempre natatakot effect ang peg ko ngayon. Kailangan kong maging best actress ngayon.

"paano ka nakatakas?" mahinahon nitong tanong habang nakatingin parin kay red.

Ano? Sasabihin ko ba na kinarate ko siya kaya ako nakatakas.?

"sige sabihin mo para malaman niya lahat ng tungkol sayo" bulong ng isipan ko. Tama nga naman si Utak kung sasabihin ko ngayon sa kanya ay paniguradong lalayo siya sakin.

"ahh.. syempre tumakas" pag mamaangan ko at mas dumikit sa likuran niya.

Bigla siyang humarap sakin at hinawakan ay kaliwa kong kamay. Pagkatapos ay  dinala niya ako sa likuran ng malaking puno para magtago.

Kahit na gusto kong lumaban ay sinunod ko nalang ang sinabi niya.  Nagtago lang ako dun habang palapit si Ice kay Red. Nang makalapit ito ay walang pasakalyeng sinuntok niya ito dahilan para mapahiga si Red sa damuhan. Tumayo ito kaagad at pinahid ang dugo sa gilid ng labi niya. Bigla itong ngumisi at nagsalita. "you'll regret it" mayabang nitong sabi at sinugod si Ice. Pinaulanan niya ito ng mga suntok pero lahat ng mga iyon ay nailagan ni Ice. Nang makahanap ng magandang tyempo si Ice ay sinipa niya ng malakas si Red sa tagiliran niya at sinundan ito ng suntok sa panga.

Dahil sa mga suntok at sipa ni Ice ay napahiga si Red sa damuhan. Magang maga ang mukha nito dahil sa nga suntok. kung kanina ay pangit siya aba ngayon mas pumangit.

Lumapit si Ice sa kanya at pumatong ito sa harapan ni Red.

"I'll never regret punching your face,its fun you know" asar tonong sabi ni Ice at pinagsusuntok ang mukha ni Red.

Napasinghap ako, parang naawa ako ngayon kay Red pero deserve din naman niya yan kung hindi lang sana siya nanggulo edi sana hindi nasira ang sira niyang mukha. 

Tumayo si Ice mula sa pagkapatong niya kay Red at naglakad palapit sakin. Biglang may sumagi sa isipan ko.

Paano kung malaman niya ang tungol sa pagkatao ko. Lalayo kaya siya sakin? Magagalit kaya siya at ipagtatabuyan ako. Wag naman sana. Ngayon na nahanap ko na siya. Hindi na ako papayag na maghiwalay kami ulit. Nabalik ang katinuan ko ng tinapik niya ang balikat ko. Masyado ata akong nag iisip ng nga negatibong bagay, dapat always positive lang ako 

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now