Chapter 12: Let Me Go

5.6K 141 3
                                    

Chapter 12: Let Her Go

Fridge P.O.V












Mag hahating gabi na at gising na gising pa ang diwa ko.  Putangeners! may klase pa ako bukas. Mabuti nalang talaga at karamay ko si Aren. Hindi kasi nakatulog alam niyo kung ano ang dahilan?

"kyahh si Kim si Kim omygod si Kim sh*t na malagkit kinikilig parin ako kyahh"

oh well hindi ko na ata kailangang sabihin. Kanina ba nga yan tili ng tili eh. Psh! edi siya na masaya.

Tinignan ko ulit ang kama ni mervy pero wala parin siya. Kanina ko pa siya hinintay kasi may itatanong ako sa kanya pero parang walang balak atang umuwi ang isang yun.

"wala bang sinabi si mervy sayo na hindi siya uuwi" tanong ko kay aren.

"wala eh, ang sinabi niya lang ay may papatayin daw siyang daga" automatic tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"papatay ng daga?"  hindi makapaniwalang tanong ko. Si mervy papatay ng daga eh sa pagkakaalam ko takot yung sa mga daga.

"yun ang sinabi niya! teka best hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya tapos humikab ng dalawang beses. Ayan napagod karin sa katitili. May indarment narin pala kami ni aren. Best daw ang tawagan namin sa isat isa. Kaloka talaga! well bestfriend din naman ang turing ko sa kanya

"mamaya na siguro, hindi pa ako inaantok eh!"

Inabot ko ang cp ko na nakapatong sa side table. Anong oras na ba? 1:00? seryoso. Eh twelve pa nga yun kanina tapos biglang naging one. Ang bilis talaga ng oras.

"sige best tulog na ako ahh, inaantok na ako eh" sabi niya ay humiga na sa kama. In one two three four five

ZzzzzzZzzzzzZzzzz

ayan na po mga kaibigan. Tulog na tulog na po ang lola niyo.

Kainggit talaga si best. Hindi pa nga nag sampong segundo nalatulog na siya. Ako nga isang orsa na gising na gising pa.

Naisipan ko munang lumabas ng kwarto para maglanghap ng sariwang hangin. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan para hindi magising si aren. Dumiretso ako sa may corridor kung saan makikita mo ang kabuuan ng history forest. Para siyang park na may mga statwa ng mga bayani. Madilim ito dahil tanging ilaw lang galing sa buwan ang nakakapagbigay ng ilaw dito. Wala naring naka-on na ilaw sa corridor kaya madilim talaga ang paligid.

"maganda si ate fridge
maganda si ate fridge"

halos tumalon ako sa gulat dahil sa biglaang pag tunog ng cp ko. Nakakatawa ang ringtone ko noh. Si megs ang nagsabi nun kaya inirecord ko. Aba at minsan lang ata mag compliment ang kapatid ko kaya sagad sagarin  natin.  Inaaceppt ko ang tawag at ipinuwesto sa taenga ko.

[yahh ate im so exited na talaga tomorrow,finally im gonna see you na talaga]  tili niya sa kabilang linya. Ang ingay parin talaga niya.

"ang ingay mo megs ha" sita ko sa kanya. Aba at baka pumutok eardorms ko nito.

[your so masama talaga ate when it comes to me, I hate you na talaga] psh! nag drama na naman to sigurado 

"nilalambing ka lang ni ate eh" mahinahon kong sabi. Narinig ko rin na tumawa siya sa kabilang linya.

[Yeee I love you na ulit ate] oh diba. Ang dali niyangag palit ng mood.

"anong oras pala uwi mo bukas?"

[four ng hapon ate] sagot niya.

*YAWN*

sh't salamat lord. Dinalaw rin ako sa wakas ng antok.

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now