Chapter 10: Asul

7.2K 180 4
                                    

ASUL

Aren P.O.V

Pagkapasok ko palang ng restaurant ay nakita ko na siya kaagad. Nakasuot siya ng blue checkerd na polo at black jeans. Nakaupo siya sa dulo habang nakikinig ng music sa kanyang headphone.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at...
yahh!! kinikilig ako. Ang gwapo niya talaga kahit na nakasimangot siya. Nang mapansin na niya ako ay ngumiti siya at tumayo at inalalayan akong makaupo.
Bakit ka ganyan Kim? bakit ang gentelmen mo masyado. Lalo tuloy akong naiinlove sayo.

"sorry late ako" nakayuko kong sabi.

"ok lang yun kakarating ko lang din naman eh" nakangiti niyang sabi. Alam niyo mga teh kung maririnig niyo lang talaga ang boses ni papa kim, sigurado akong malolove at first sight kayo. Pero syempre de pwede. Akin lang kasi siya
Nyahahaha!

"kumain ka na ba?" tumango ako bilang sagot. kumain na kasi ako ng breakfast bago ako pumunta dito. Aba nakakahiya pag nahimatay ako sa harapan ng prince charming ko. Baka ma turn off siya.

"saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko.

"kung saan mo gusto" sagot niya sabay kindat. Ohhh tiisin mo lang aren yang kalandian mo. Mahirap na at baka magahasa mo tong lalakeng to

"ahh gusto ko sana sa enchanted kingdom tayo" sabi ko.

"dun nalang tayo, tutal hindi pa ako nakakapunta dun"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi pa talaga siya nakapunta sa lugar na yun. Sa lugar ng EK kung saan nanggaling lahat ng mga magagandang alala ko kasama ang mga magulang ko. Bigla ko tuloy naisip na medjo matagal narin yung huli akong nakapunta dun. Sa tingin ko nine years old palang ako nung araw na yun. Masayang masaya ako sa oras na yun, kasama ko si mama at si papa habang namamasyal sa EK. Pero mukhang hindi nayun mauulit kasi iniwan na nila ako. Iniwan nila akong nag iisa at takam na takam sa pagmamahal ng isang magulang. Si papa ang lagi kong kasama pag namamasyal kami dito, sobrang saya ko nun na halos pwede nakong mamatay dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko. Pero katulad ng kasabihang lahat ng kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan. Kinuha si dad. Kinuha siya ng taong pinaglingkuran ko ng halos tatlong taon. Naging part ako ng isang choir sa simbahan, nagdadarasal ako oras-oras pero ano, kinuha niya parin ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Ang unfair niya!
Naalala ko tuloy yung huling sinabi ni dad bago siya namatay.

"Truth will Protect you anak, mahal na mahal ka ni papa" yan ang sinabi ni dad na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang pinapahiwatig niya. Truth daw? ano naman yun.

"okay ka lang ba? kanina ka pa tulala jan ah!" singit ni Kim. Nakakahiya, siya ang kasama ko pero iba ang iniisip ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya na nakangiti. Yung ngiting kayang itago ang lahat ng mga kalungkutan sa katawan ko.Yung ngiting peke.

"kailan pa ba ako naging hindi okay" masaya kong sabi. Kailangang pililitin ko ang sarili ko na maging masaya habang kasama siya.

Pumunta na kami sa parking lot ang sumakay na sa kotse. Habang nagmamaneho si Kim ay tahimik lang siya pati rin ako. Nakakabingi yung katahimikan na maririnig mo sa loob ng kotse. Hindi naman nagtagal ay binasag niya ang katahimakan na bumalot sa buong kotse.

"ahm....pwede bang magtanong?" tanong niya habang nakatingin parin sa manubela. Mahirap na at baka ma desgrasya pa kami dito. Ano kayang itatanong niya! Hala! baka tanungin niya ako kung may boyfriend na ako tapos sasagot ako na wala tapos liligawan niya ako tapos yahh mission accomplish na ako.Haha nakakatawa yung pinag-iisip ko.

"ahh...sure" alanganin kong sagot. Kinuha ko muna ang cp ko sa bulsa at inopen ang app na wattpad. Aba! anong akala niyo kayo lang marunong magbasa sa wattpad aba at adik ang lola niyo jan. Yan nalang kasi ang natitirang pagasa ko pagdating sa love. Mabuti pa sa wattpad may forever ehh sa realidad walang wala. Sana pwede ko ring isulat ang love story ko noh! Aishh! makapagbasa na nga lang.

Demonical Gangster PrincessWhere stories live. Discover now