Chapter 17: Pageant Part 2

5.6K 176 25
                                    

Fridge P.O.V


Nandito ako ngayon sa backstage, naghahanda para sa talent portion ko.

Kinakabahan ako na parang ewan! Baka mapaos ako sa gitna tapos pagtatawanan nila ako tapos hindi ako mananalo. No! Hindi ako matatalo. Hindi ko sasayangin ang tiwala nila sakin. Ako matatalo? Over my dead gorgeous body.

At wag niyo nang tanungin kung ano ang iprepresent ko dahil obvious na sa salitang paos. Saan ka ba nakakita ng nagsasayaw na napapaos. Syempre kakanta ako. Ang guess what hindi ko masyadong memorize ang lyrics ng kanta.

Great. Just great. Good luck nalang para sakin

"Are you handa na ba ate?" Biglang tanong ni maigan. Pumunta kasi yan dito para puriin ako dahil nga sexy ako kanina. Oh diba ang sweet lang

"Oo....siguro" sagot ko

"Sige ate, Im gonna back there na, good luck" sabi niya at lumabas na ng backstage.

Umupo muna ako sa upuan para maiwasan ang konting kaba. Haha anong connect?
Basta umupo nalang ako. Kapagod kayang tumayo lalo na pag naka six inches heels ka.

Napatingin ako kay mervy dahil lumapit siya sa pwesto ko. Naka suot siya ng black dress na parang pang prosti. Ahy! Ano kayang gagawin niya. Mag popole dancing ba siya?

"Uy may talent ka pala" sabi niya gamit ang pang-insultong tono. Tsk!

Hindi ko siya pinansin. Si uy kasi yung kausap niya. Hindi naman ako si uy kaya bakit ko siya kakausapin.

"Hoy! Malandi" nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Kung makapag-sabi siya ng malandi akala mo hindi rin siya malandi.

"Malandi ka rin wag kang magmalinis!" Flat kong sabi sa kanya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Pero mas malandi ka, inagaw mo sakin ang lahat!" Sabi niya. Anong pinagsasabi ng palakang to.

Hindi rin ako nagpatalo. Tinignan ko ang ulo niya na mukhang paa-este tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"At anong inagaw ko sayo aber?" Tanong ko habang naka pamewang.

"Lahat ng dapat sakin!" Bulyaw niya. Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Ano ba ang inagaw ko sa kanya?

"Baka nagkamali ka ng taong nilapitan, wala ako inagaw sayo dahil lahat ng meron ka meron din ako" may pagka suplada kong tugon sa kanya. Ang kapal ng mukha niya na pagbintangan ako.

"Ganyan ka naman talaga simula pa noon eh! Mapagmalaki ka!" Sabi niya. Teka! 'Simula pa NOON' Nagkita na ba kami! Magkakilala ba kami?

"Anong bang pinagsasabi mo?" Tanong ko. Imbis na sumagot ay ngumiti siya. Isang ngiti na ngayon ko nakita. Isang ngiting malungkot.

"Ganyan ka naman kasi diba! Kinakalimutan mo ang mga taong naging parte ng buhay mo!" Makahulugan niyang sabi. Sh't bakit nakokonsensya ako. Natamaan ako sa mga sinabi niya. Bakit ganon.

"Anyways maghanda ka na dahil ilalampaso pa kita, Bitch!" Tsk!

"Correction, Bitch with class hindi ako katulad mo na bitch without class tse!" Saka nilagpasan ko na siya.

Hmp! Bakit ko nga pala kinausap ang hayop na yun. Tsk.tsk!

Naghintay nalang ako ng ilang minuto. Maya maya lang ay nagsimula na ang talent portion.


Breath in




Breath out




Relax




Demonical Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon