Chapter 27: Preperation

4K 100 15
                                    

Fridge P.O.V

Days has past and eto ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang nakatulala. Hindi parin ako maka move on sa nangyari sa bahay na bato na yun. Aish! Bahala na nga

Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Hindi pala ako papasok ngayon dahil may kikitain akong tao na mag oorganize na birthday party nako. Yuks! Parang tuloy akong bata

At para pala sa kaalaman ng lahat. The day after tomorrow napo ang birthday ko. And mismong sa araw na yan magaganap ang BIG REVELATION.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na akong maligo. Kaagad akong nagbihis at bumaba para mag breakfast. Simpleng white t-shirt lang ang soot ko at black jeans. Nasa bahay pala ako ngayon. Mag a-absent ako ng isang week sa kadahilanan na hindi ko pa pwede ikwento sa inyo.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko ang kapatid ko na kumakain habang nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning megs!" Bati ko sa kanya at tumabi sa pag upo.

"Good morning ate. Teka ang saya mo ata ngayon ah" pang iintriga niya.

"Excited lang. Sigurado akong magugulat ka sa sorpresa ko" nakangiti kong sabi at humigop ng kape

"Asan nga pala si daddy. Hindi ko pa siya nakikita lately?" Tanong ko.

"Ahh. Nasa paris si daddy. May inaasikaso daw siya doon. Pero dadating naman daw siya sa debut mo" paliwanag niya at bumalik sa pagbabasa ng dyaryo.

"Yung susuotin kong gown okay na ba?" Tanong ko ulit. Ngumiti naman si maigan bago sinagot ang tanong ko.

"Ofcourse okay na ang gown mo Dadating na ata yun mamaya o baka bukas" nakangiti niyang sabi. Nag pumilit kasi siya na siya na daw bahala sa susuotin ko. At since lumaki si maigan sa paris kong saan nagsimula ang fashion. Pumayag na ako.

"Siguraduhin mong hindi ako mag mumukhang barbie jan ha" sabi ko at sumubo ng pancake.

"Oo na. Isang black emperatrice backless gown ang inorder ko which is bagay na bagay sayo ate" proud niyang sabi.

"Good" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain ng pancake. Napapansin kong kakaiba ang lasa ng kinakain kong pancake ngayon. Masarap siya tapos pluffy at tama lang tamis. May nalalasahan din akong honey.

"Do you like the pancake ate?" Nakangiti niyang tanong.

"Sobra. Sino nagluto nito?" Sagot ko at sumubo ulit ng pancake. Wahh ang sarap talaga eh.

"Ako"

Sagot niya na nagpahagalpak sakin ng tawa.

"Hahahahaha wag mo nga akong niloloko maigan. Ikaw magluluto hahahahah. Imposible" sabi ko sa gitna ng pagtawa. Nakita ko naman kumunot ang noo ni maigan habang nakatingin sakin.

"bakit naman imposible aber. Ikaw nga nagka crush kay kuya ice eh" napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Anak ng kambing na may pakpak. Anong pinagsasabi ng kapatid ko.

"Hindi kaya" depensa ko.

"Eh bakit ka numumula?" Nakangising tanong ni maigan habang tinitignan ako na mapang asar.

"Kasi ano...mainit oo mainit kasi" sabi ko at saka dali daling uminom ng kape. Wahh bakit ba kasi ako namumula ng walang dahilan.

"Naliligo ka araw-araw at may aircon ang kwarto mo at may aircon din ang buong bahay. But still naiinitan ka parin?" Pang aasar niya. Hay! Bakit ba may kapatid ako na sobrang mag intrega.

"Naiinitan ako eh. Bakit ba!" sabi ko at itinutok nalang ang pansin sa pagkain

"Pero ate hindi ka ba talaga naniniwala na akong ang nagluto nito?" Tanong niya. Mabuti naman at binago niya ang topic.

Demonical Gangster PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora