10. T-ngina lang.

80.7K 1.3K 430
                                    

                                                       10. T-NGINA LANG.

ILANG araw ang lumipas. Pinalamig ko muna ulo ni Zabrina. Hindi ko rin siya kinausap muna sa school. Binigyan ko siya ng space. Pero pag-uwi ko kanina, ako na unang nagtext sa kanya.

[Mahal mo ko]

Muntik pa ‘kong malaglag sa sahig nu’ng matulin siyang nagreply.

[At nagmo-move-on na ko.]

F-ck that. [Di pa kita binibigyan ng permiso]

 

[E tangina mo]

Ewan ko. Napangiti ako. Haha. Astig talaga nito. Kakaiba, kakachallenge lalo, e.

Nagreply ako. [Alam ko. Pero di pwede]

 

Pero sampung minuto na, ‘di pa rin siya nagrereply.

Tsk. Banas ‘to sa’kin. Siguro nga nagmo-move-on na ‘to. Nako. Sinabi nang ‘di pwede, e.

Nagtext ulit ako.

[Wag mo sagutin si Mario]

Buti naman nagreply na siya. Kaso....

[Fck you.]

Nagbuntong-hininga na lang ako.

[Seryoso ako]

Pero hindi na siya nagreply.

[Hoy. Seryoso. Wag ka magmove-on]

 

Pero wala. ‘Di na talaga siya nagreply.

Tinawagan ko siya pero operator na sumagot. Wala. Palagay ko, ini-off na niya phone niya.

Alam ko napaka-gago ng ginagawa ko na ‘to. Pero sabi ko nga sa sarili ko, ‘di ko wawalang ’yain ‘to sa isang biglaang desisyon na naman.

Si Jazz, ayokong saktan. Si Zabrina, nasaktan ko na, ayoko nang dagdagan pa.

Gusto kong makasigurado.

Tinext ko ulit siya. Kahit alam kong hindi na siya magrereply, kahit alam kong may posibilidad na hindi niya buksan ang phone niya, kahit hindi niya mabasa.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon