Epilogue

2.2K 57 18
                                    

EPILOGUE

Hindi na natuloy si Enid sa pagtatrabaho sa Dubai. Pero nabigyan sya ng trabaho sa opisinang pinagtatrabahuahn ni Marie. Pero di rin sya nagtagal doon dahil pinagtuunan na nya ng pansin ang kasal nila ni Isaac. At aminado si Isaac hindi na nya kaya kapag wala ang kanyang "PA" na si Enid.

Two months after the proposal ay ginanap na ang kasal nila ni Isaac. Ginanap ang isang simple at very solemn na wedding ceremony sa probinsya nila. Sa Flower farm ng pamilya. Napuno ang buong paligid ng naggagandahang mga bulaklak pero para kay Isaac ay wala nang mas gaganda pa kung hindi sa pinakamamahal nyang si Enid. Kinuhanan iyon ng exclusive coverage ng home network ni Isaac. Sa kabila ng pagiging simple noon ay tinawag pa rin iyong wedding of the century, The Real Life Cinderella Story, a Fairytale Come True, at kung anu-ano pang mga bansag. Matapos noon ay nagkaroon pa sila ng celebration sa Saint James Orphanage.

Natanggap ng buong puso ng mga fans ni Isaac ang pagpapakasal nya kay Enid. At simula noon ay mas naging close pa si Enid sa mga fans ng asawa.

Nang makagraduate si Elmer ay doon na sila ng lola nila tumira kasama ng mag-asawa. Si Elmer ay nakapagturo agad sa isang college. Si Enid naman ang namamahala sa restaurant na itinayo nilang mag-asawa.

Malakas na nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng sinehan na nanood ng premiere night ng pelikula ni Isaac, standing ovation pa. Nagpunta ang mga artista sa harap para magpasalamat sa success ng pelikula.

"And let us all welcome, the producer and director of this movie, Isaac Benitez! Let us all give him a big round of applause!" malakas na announce ng isa sa mga bidang artista

At malakas na palakpakan ang sinalubong ng mga tao kay Isaac sa kanyang pag-akyat sa stage. Isa sa pinakamalakas na palakpak ay galing sa kanyang mapagmahal na asawa, si Enid.

Hindi nalang basta umaarte si Isaac kung hindi nagpoproduce at nagdidirect na rin sya. At di pa rin nawawala ang mga album na ginagawa nya.

"Congartulations mahal! I'm so proud of you!" at hinalikan pa ni Enid sa labi ang asawa sabay yakap sa bewang nito.

"Thank you mahal. Kayo talaga ang lucky charm ko. And speaking of my lucky charms, nandito na pala ang dalawa pang lucky charms ng buhay ko e!" malakas na sabi ni Isaac sabay salubong sa dalawang bata na naninimbang pa sa paglakad.

"Ayan na pala sila Mommy and Daddy eh!" malakas na sabi ng mama ni Isaac habang patakbong sinusundan ang dalawang apo

Agad na binuhat ng mag-asawa ang dalawang bata. Matapos ang isang taong pagsasama nila ay ipinanganak ni Enid ang kambal. Isang babae at isang lalaki ang naging anak nila ni Isaac. Si Isaiah Ezra at si Ida Eunice. Pinaghalo ang mukha ng mag-asawa. Nakuha nila pareho ang mata ni Enid samantalang nakuha naman nila ang ilong ni Isaac. Ang labi ni Eunice ay kinuha sa ina samantalang ang kay Ezra naman ay sa ama. Pero pareho nilang nakuha ang dimples ni Isaac at ang pagkawavy ng buhok nito. Kaya masayang masaya si Isaac at madalas na pinagyayabang na sya ang kamukha ng kambal.

Halos sabay naman ailing nagkaanak ng kaibigang si Marie. Si Marie naman ay nagkaanak ng lalaki at pinangalanan nya yung si Robert Andrei. Matanda lamang iyon ng 3 buwan sa kambal.

Naupo sila sa isang mahabang table kung nasaan kasama nilang magcecelebrate ang lahat ng mahal nila sa buhay.

'Ano pa bang mahihiling ko sa buhay? Narito na ang lahat ng kailangan ko. Lalo na ang lahat ng mahal ko. Si lola, si Elmer, si Marie at Robie, ang mga kapatid ni Isaac, sina Mama at Papa. Ang mga anak ko at ang pinakamamahal kong asawa si Isaac. Wala na akong mahihiling pa. Napakabuti sa akin ng Diyos dahil sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan ko noon ang kapalit pala noon ay walang hanggang kaligayahan.' Bulong ni Enid sa sarili habang pinagmamasdan ang mga mahal sa buhay

"Mahal, anong iniisip mo ha?" nagulat sya nang bigla syang hinalikan ni Isaac sa pisngi

"Ha? Wala lang. natutuwa lang ako. Sobra." Nakangiting sagot nya kaya Isaac

"Huh! If I know iniisip mo lang kung gaano kagwapo ang asawa mo." Biro pa ni Isaac

"Yabang talaga nito!" at bahagya pa nyang tinampal ang braso ng asawa

"Bakit? Hindi nga ba?" nakangiti ding sabi ni Isaac

Wari pang umirap si Enid "Siyempre naman! Ikaw ang pinakgwapong lalaki sa buong mundo! Kaya nga patay na patay ako sa yo e." At pinisil pa nya ang pisngi ni Isaac

Natawa naman si Isaac. Hinalikan nya sa labi si Enid.

"Hoy ano ba! PDA much kayo! Kasama nyo yung kambal oh! Di na kayo nahiya!" pang-aasar ni Marie

"Inggit ka lang! Pakiss ka din sa asawa mo no!" at natawa pang sabi ni Enid

Masaya silang pinagsaluhan ang isang payapa at masayang hapunan kasama ang isa't-isa.

"Somehow, out of all the twists and turns our lives could have taken, and out of all the chances we might have missed, it almost seems like we were given a meant-to-be moment...to meet, to get to know each other, and to set the stage for a special togetherness."

A/N

Thank you very much po sa muling pagsuporta sa second story ko sa wattpad. Maraming salamat po talaga. Naiinspire po ako sa mga taong naglike, nagvote, nagcomment at nag read sa Just Another Love Story at By Chance (You & I). Salamat din po sa mga silent readers! Thank you talaga! Sana po di kayo magsawa sa pagsupport!

Please support my third story: I Am Cinderella. I hope you will like it also!

May God always bless you all! Love you all!

Xoxo

RielleZiyanna

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now