Chapter 10

1.9K 42 2
                                    

Chapter 10: FANATIC

Sa mga sumunod na araw ay hindi inaasahang mas naging magaan ang samahan ng dalawa. Although di pa rin naalis ang paminsan minsang pang-aasar ni Isaac ay hindi na masyadong nagpapaapekto si Enid. Marahil dahil alam na nya ang ilan sa mga tinatagong kabaitan ni Isaac. At marahil din dahil unti-unti nang nag-iiba ang pagtingin nya sa lalaki.

Malapit na ang Summer break kaya minamadali na ring matapos ang pelikulang ginagawa ni Isaac, ito kasi ang summer offering ng station for their 30th anniversary.

Habang nagshoshooting ay nasa tabi lang lagi si Enid incase na kailanganin sya ni Isaac.

“Hi!” bati ng isang babae na tantya ni Enid ay mas bata lang sa kanya ng ilang taon.

“Hi.” Ganti ni Enid sabay ngiti ng matipid

“Pwedeng maupo?” tanong nito kay Enid

Tinignan naman ni Enid ang tabi nya. Nakaupo sya sa isang wooden bench sa mall. Wala namang nakaupo doon “Sure.” Tinuloy nya ang pagbabasa ng libro na binili nya sa bookstore kanina habang naghihintay.

“Ahm... excuse me?” mahinang sabi ng babae

“Ano yun? May kailangan k aba?” magalang nyang tanong sa babae

“Ikaw ba yung bagong P.A. ni Isaac?” nahihiyang tanong ng babae

Tumango lang si Enid. Napansin nya ang dala dala nitong poster ni Isaac at nakuha na nya na ito ay isa sa mga fans ni Isaac.

“Ako nga pala si Gina. Ako yung president ng Prince Isaac Fans club. Napansin kasi naming na lagi kang kasama ni Isaac this past few weeks, kaya inassume na namin na ikaw yung bago nyang P.A.” nakangiti nitong sabi

“A ganun ba? Oo ako nga. Halos magdadalawang buwan na rin akong nagtatrabaho sa kanya.” Nakangiti ding sabi ni Enid

“Alam mo ba na matagal na ring walang P.A. si Isaac?” knowing nitong sabi kay Enid

“Narinig ko nga na matagal na syang di kumukuha ng P.A.” kinakabahan si Enid sa usapan nila. ‘ito na ba yung sinasabi ni Robie na tineterrorized ng mga fans ni Isaac ang mga dating P.A. niya?’

“Yung mga dati kasing P.A. ni Isaac masyadong feeling. You know, porket lagi silang kasama ni Isaac feeling nila mas close sila kay Isaac. Masyado silang umaasta. Pati personal life ni Isaac e pinapakialaman.” Nakataas ang kilay na sabi ng babae

“O…I see.” Kinakabahan talaga si Enid. ‘Nakakatakot nga pala ang mga fans ni Isaac.’

“Mabuti nga at nakikita agad ni Isaac yung mga totoong ugali nila e. Kaya ayun napapaalis agad sila.” Dagdag pa nito

“Sandali, may gusto ka bang sabihin?” kinakabahan si Enid pero di naman sya ang tipong nagpapaapi

Tumayo ang babae. “Isa lang naman ang gusto kong sabihin e. Kami solid kami kay Isaac. Mahal namin  sya at ayaw naming napagsasamantalahan sya. Nang kahit sino. At ayaw namin sa taong makakasira kay Isaac. Kaya kung ikaw e may balak na magreyna reynahan at akitin si Prince Isaac namin, wag mo nang ituloy. Dahil di ka namin hahayaan. Nagets mo?” mataray na pagbabanta ng die hard fan ni Isaac

Umalis ang babae at naiwan si Enid na nakanganga at di malaman kung matatawa o maiinis sa nangyari. “Tama ba ko ng intindi? Pinagbabantaan ako ng babaeng yun? Ha! Grabe!” natatawang naiinis si Enid

“Enid!” tawag ni Isaac mula sa di kalayuan

Nagulat si Enid at bigla syang tumayo para lapitan si Isaac. Inalis nalang nya sa isip nya ang nangyari.

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now