Chapter 14

2K 42 3
                                    

Chapter 14: Seeing Differently

“Yes ma. Promise I’ll be there. Ako pa mawala dun, hindi ko yata pwedeng palagpasin yun... Yes ma, promise talaga… Sino naman? Wala no. Kuya’s just kidding…Ma, don’t believe kuya… It’s not true…Sophia? No, no. no! Don’t worry, I know how much you like her ma…Just kidding. Basta ma punta na lang ako…Love you Mama and regards to Papa. Bye!” napailing pa habang tumatawa si Isaac matapos ibaba ang telepono

Napasandal pa si Isaac sa sofa habang malalim na nag-iisip. Matapos noon ay muli nyang kinuha ang script na binabasa kanina bago pa tumawag ang mama nya.

Biglang pumasok sa entertainment room si Enid at dinalhan niya si Isaac ng orange juice. Nagulat si Isaac at pinagmasdan lang nya si Enid na ilagay ang baso ng juice sa center table.

“A sir Isaac, umalis na si ate May. Di na daw sya nakapagpaalam kasi may kausap ka daw sa phone kanina e. Nga pala inilagay na nya yung mga damit sa closet. Pinalitan na rin nya yung beddings mo.” Biglang nahinto si Enid dahil naconscious sya sa pagkatitig sa kanya ni Isaac. “Sir?”

Nagulat naman si Isaac kaya bigla syang nagbawi ng tingin. “Ahm…ok. Thank you.”

Tumango lang si Enid dahil nagtataka sya sa inaakto ni Isaac. “Sige sir, balik na po ako sa kwarto.” Patalikod na uli siya nang biglang tinawag uli sya ni Isaac.

“Ah Enid!” humarap uli ang dalaga sa amo

“Ano po yun sir?”

“Ahm…may lakad ka ba sa Saturday?” mahinang tanong niya

Napakunot lang ng noo si Enid.

“I mean, may gagawin ka ba or aalis ka ba?” nabubulol na sabi ni Isaac

“Wala naman sir. Bakit po may schedule po ba kayo? Ano ba ang dapat na iready na gamit? Para maiayos ko na po.” Nakangiting sabi ni Enid

“Hindi. Wala akong schedule for work. Pero may lakad ako. And I…I want you to come with me. If that’s ok with you?” nahihiya pa nyang pahabol na sabi

Bahagyang natawa si Enid. “Oo naman sir. Kung gusto nyo po ako isama e. Ano pa at naging PA mo ko?”

“No! You’re not coming as my P.A.” dagling sagot ni Isaac

“Ha?” takang tanong ni Enid

“I mean… this is not an official thing. So you’re coming as Enid, my…friend.” Mahina pa nyang sabi sa huling salita

Nagulat si Enid. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib nya. Pero di nya iyon pinahalata. “Ok…A sir, ano po ba ang attire?” naalala nya wala naman syang magagandang damit.

Nangiti si Isaac. “Don’t worry. Ako na ang bahala.”

“I’m so excited for you friend! May date kayo ni Isaac.” Kinikilig na sabi ni Marie

“Sira! Isinama lang ako nun kasi nga diba P.A. nya ako?” defensive na sabi ni Enid pero kinikilig naman sya sa loob

“Diba sabi nga nya, you’re coming as his friend and not as his PA.” sagot naman ni Marie

“Naku alam ko na kung bakit ako sinama nun. Kasi kasama ka ni Robie. Siguro para ika may kasama ka na kakilala dun.” Pagkumbinse nya sa kaibigan at sa sarili

“Hello? Ako ang isinama ni Robie para may kasama ka dun no. By the way, ano ba ang okasyon? Ayaw sabihin sa akin ni Robie e. Basta daw formal.” Tanong ni Marie sabay hitit ng juice

“Ano formal? Hindi naman kasi sinabi sa akin ni Sir. Basta sabi nya sya daw ang bahala. Nagtaka nga ako bakit nya ako pinahatid kay Mang Pepe dito e. Kaya siguro nya ako pinapunta dito para makahiram ako say o ng damit.” Naisip ni Enid

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now