Chapter 21

1.7K 30 1
                                    

Chapter 21: Scandalous Gossips

Naging successful ang movie nila ni Sophia. Tumabo ito sa takilya. Matapos noon ay pinagtuunan naman nila ang kani-kanilang mga projects. Nalalapit na ang birthday ni Isaac at magkakaroon sya ng isang malaking birthday and anniversary concert na gaganapin sa Big Dome. Kaya madalas ay nasa rehearsals sya or sa taping ng teleserye.

“Mahal papadaanan ko nalang sina lola at Elmer kila Mama o kaya kila Bella the day before the concert para naman makapanood sila? Or better yet papasundo ko na lang sila a week before para naman mas matagal natin silang makasama. Is that ok with you?” tanong ni Isaac kay Enid habang naghihintay sila sa loob ng van para sa next scene

“Talaga? Gagawin mo yun?” natouch si Enid sa sinabi ng boyfriend

“Oo naman. Alam ko namang miss na miss mo na sila e. Ayoko namang pauwiin ka sa probinsya dahil ako naman ang makakamiss sa’yo.” Paglalambing ni Isaac

“Asus! Alam mo masyado ka ng nagiging corny ha. Masyado mo na yata iniinternalize yung role mo sa teleserye e.” sabi naman ni Enid na halata naman ang kilig

“Bakit ayaw mo ba?” nakataas pa ang kilay na tanong ni Isaac

Waring nag-isip pa si Enid “Hmmm… Parang namimiss ko yata yung masungit na Isaac e.” biro pa ni Enid

“Ganun? Ikaw a, niloloko mo ko a.” at kiniliti pa nya si Enid

Sakto namang may dumadaang press sa harap ng sasakyan. At sandali pa itong huminto para tiyaking si Isaac nga ang nakita nya.

Kinabukasan ay agad na may lumabas na blind item sa ilang mga dyaryo at tabloid. “Isang Matinee Idol Huling huli sa Pakikipagharutan sa kanyang Julalay!”

“Mahal nabasa mo na ba to?” mahinang tanong ni Enid kay Isaac habang nasa loob sila ng studio kung saan nagrerehearse siya para sa concert

“A iyan ba? Napakamalisyoso talaga ng mga taong yan e! Madudumi pa ang mga utak!” inis na sabi ni Isaac sa mga malisyosong laman ng blind item

“Mahal wag mo nalang pansinin yan. Karamihan naman ng sinasabi dyan alam nating di totoo e.” pagtatangka ni Enid na pakalmahin ang kausap

“Kahit na. Hindi ka naman nila kilala para pagsabihan ka ng masasamang salita.” Inis pa rin si Isaac

“Naku, hayaan mo na lang. Sabi mo nga diba noon, ang tsismis sa showbiz pag di pinatulan paglipas ng ilang araw matatabunan na lang ng ibang tsismis.” At pili na ngumiti pa si Enid kahit ang totoo ay nasaktan sya sa masasakit na sinabi sa kanya sa mga balita

Sa kabila ng mga kumakalat na mga tsismis ay di napigilan ang pagmamahalan ng dalawa. Yun nga lang ay mas pinipilit nilang maging maingat sa mga kilos nila para di na muling maging laman ng mga maling tsismis. Pero kahit na ganun ay may ilan pa ring mga tao na ayaw silang tantanan.

“So ano mahal, ok na ba tong disguise ko?” nakangiting tanong ni Isaac minsang namasyal sila sa Tagaytay. Nakasuot sya ng makapal at malaking salamin, baseball cap at jacket.

Natawa naman si Enid na nakadisguise din. Nakasuot din sya ng malaking shades, cap at jacket. “Ako malamang wala namang pakialam sa akin kahit sino pa ang makakita at hindi naman nila ako makikilala, pero ikaw kahit yata anong gawin mong disguise e madali ka pa ring marerecognize. Ikaw yata si Isaac Benitez!”

“Naku hindi na yan. Saka wala namang masyadong tao dito ngayon e. Di naman peak season kaya for sure wala namang makakakilala sa atin. Saka makilala man nila tayo, e di naman mga tsismoso mga tao dito e. So ok lang yan. Tara na! Dun tayo sa zip line!” sabay hila sa kamay ni Enid

JUST ANOTHER LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon