Chapter 9

2K 40 2
                                    

Chapter 9: Unexpected

“Enid bilisan mo nga. Ang bagal a!” sigaw ni Isaac na nakasandal sa van nya. Cool na cool sa kanyang faded jeans, plain white v- neck shirt, at white vans.

“Sandali lang po!” sigaw ni Enid na papalapit sa sasakyan “Kung tinutulungan mo kaya ako dito? Hello? Ang dami ko kayang bitbit!” pabulong na sabi ni Enid

Nakarating iyon sa pandinig ni Isaac at nangiti sya dahil effective na naman ang pang-aasar nya, pero gaya ng dati waring padeadma lang. Bahagya nyang ibinaba ang kanyang aviators para tignan ang nagsalita.

Nakita nya si Enid na hirap na hirap sa paghila sa isang malaking maleta. Nakapink polo shirt, white skinny jeans at brown flat shoes si Enid. Nakabraid pa ang kanyang buhok sa likod at nakamalapad na puting  headband.

Bigla ay naramdaman na naman nya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Dinivert nya ang atensyon nya para mawala ang kakaiba nyang nararamdaman. “Ano kamo? May sinasabi ka ba?” nakangisi nyang tanong kay Enid

“Wala po.” Sagot ni Enid na bahagyang napanguso at napairap. “Ano ba ang laman nito? Bato? Ang bigat a!” bahagyang parining nya kay Isaac

Bahagyang nakunsensya naman si Isaac. “Ako na nga dyan! Buksan mo na lang yung likod ng van.” Kinuha niya ang maleta at hinila sa likuran.

Pagbukas ni Enid ay nakita nya ang ilan pang malalaking kahon na naroon. Wala ang usual na mga nakahanger na damit ni Isaac. Nagtaka sya pero di na lang sya nagtanong. Pagkatapos noon ay dumeretso na si Enid sa passenger seat.

“Ang aga-aga naman nitong lakad na to. Wala naman sa schedule nya to e. Akala ko tuloy makakapagday off ako.” Isip isip ni Enid nang biglang naupo si Isaac sa driver’s seat. Napanganga lang sya nang Makita ang lalaking nasa tabi nya.

“O bakit ganyan ka matingin? Don’t tell me di ka pa rin makaget over sa kagwapuhan ko? Saka sara mo nga yang bibig mob aka pasukan ng langaw.” Sabi nya sabay mapang-asar na ngiti.

“Anong…anong ginagawa mo dyan?” parang tanga lang na tanong ni Enid

“Ahm…the last time I checked, this is my car right?” pangaasar pa nya

Enid sighed out of frustration. “This guy is impossible!” naisip nya “Nasan si Mang Pepe?”

“Pinagday off ko na muna. Wala naman akong schedule ngayon e.” Sagot ni Isaac sabay paandar ng sasakyan

‘E bakit ako di mo pinagday off?’isip ni Enid

“Di na kita pinagday off para may kasama ako sa lakad ko” sabi ni Isaac na kinagulat ni Enid dahil parang nabasa nito ang nasa isip nya

“E san ba tayo pupunta? Wala ka namang nakaschedule ngayon a?” curious na tanong nya

“Sa Tagaytay.” Simpleng sagot ni Isaac

“E ano nga ang gagawin natin dun?” tanong uli ni Enid

Isaac sighed before answering “Alam mo dami mong tanong. Just sit back, relax and enjoy the show I mean the view. Maghintay ka lang ok?” seryoso pero cool na sagot ni Isaac. Wala ang regular na masungit na mood nya.

Hindi na sumagot si Enid. Sumandal na lang sya at pinagmasdan ang dinadaanan nila. ‘sabagay di pa naman ako napupunta sa Tagaytay’

Umabot din ng mahigit dalawang oras ang byahe nila dahil walang traffic sa express way. Pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate. Agad iyong binuksan ng gwardya at nakangiting bumati nang Makita si Isaac.

Paghinto ng van sa tapat ng isang malaki at putting building ay napatingin sya sa nakasulat sa harapan nito.

“Saint James Orphanage” napatingin sya kay Isaac na pababa ng sasakyan

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now