Chapter 3

2K 39 2
                                    

Chapter 3: MEET ISAAC: The Heartthrob

(Isaac's pic) ----->

“Hoy pare gising na! It’s already 8:00 am. Bro, wake up! You’re going to be late!” panggigising ng isang chinitong lalaki sa nakahiga pa ring lalaki.

Bahagyang kumilos ang lalaki at tinignan ang nanggigising. Pero sa halip na bumangon ay nagtakip pa ito ng unan.

“Isaac! Bro you need to wake up! It’s already late. You have a call time at 10:00!” pinalo pa nito ng unan ang lalaki

“Ok! Ok! Fine! Babangon na nga e!” pilit na bumangon ang lalaki sabay kusot pa sa gulu-gulo nitong buhok. Agad nitong tinungo ang CR para maghilamos at magtooth brush.

Ang chinitong lalaki naman ay nagpunta ng kusina para tignan kung may makakain na.pero disappointed sya dahil sa halip na makakain e tambak na urungin lang ang naroon.

“Isaac ano ba’tong bahay mo, dinaig ba ang payatas sa tambak ng basura a!” may pandidiri pang sabi nito sabay angat sa isang kahon ng pizza na halatang ilang araw na rin nasa ibabaw ng lababo nya.

Sakto namang lumabas ang kausap. Nang makapaghilamos at makasuklay ay nakita ang taglay na kagwapuhan nito. Matangkad sya, maputi, ang buhok na itim na itim ay bahagyang may pagkakulot, mapungay ang kanyang mga brown na mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Kapag sya ay ngumiti ay makikita ang kanyang mga dimples sa magkabilang pisngi.

“Pasensya ka naRobie, di ko kasi maasikasong maglinis e. Alam mo na, ilang araw din akong umaga na kung umuwi e.” napakamot pa sa batok sabay ngiti sa kaibigan

“E ano ang ginagawa ng maid mo?” sabi ni Robie sabay tapon sa basurahan ng isang plastic cup ng kape.

“Naku, ayun at wala na. Pinaalis ko na!” sabi ni Isaac habang kumukuha ng tubig sa water dispenser

“Bakit mo pinaalis? Masipag naman yun a. Lagi ngang malinis ang bahay mo e.” takang tanong naman ng kausap

“Oo nga.Sobrang linis talaga. Sa sobrang linis nga e pati mga gamit ko sininop maigi.” Sarcastic na sabi nya sa kaibigan

“You mean, ninakawan ka nya?” gulat na sabi ni Robie

“Yap! At mukhang matagal tagal na rin nyang ginagawa. Nahuli ko lang sya nung minsang naiwan ko yung favorite bracelet ko sa banyo ko. E nagkataong naalala ko kung san ko nilagay, pagpasok ko sa CR caught in the act! Binubulsa ang bracelet ko. Magpapalusot pa nga e. Kaso naalala ko yung ibang nawawala kong gamit. Tinignan ko sa gamit nya. At ayun nga, nasa gamit nya lahat!” mahabang kwento ni Isaac

“Anong ginawa mo?E di pinahuli mo sa pulis?”

“Hindi na pre. Nagmakaawa e. Iniwan kasi yun ng asawa at sumama sa ibang babae. Lima ang anak nun sa probinsya. E naawa naman ako, kaya ang sabi ko na lang na wag nang uulitin at umuwi na lang sa probinsya nila.” Ibinaba ang baso sa lababo pero hindi nya alam sang pwesto nya iyon ilalagay sa dami ng kalat

“Ganun lang? Grabe ka pare! Ang bait mo! Kung iba yun malamang nabubulok na sa kulungan ngayon yun.” Natatawa pa sya sa ginawa ni Isaac di makapaniwala

“Nireport ko na rin naman sa agency nya e. So malamang nablack list na sya dun. Kaya ngayon, kailangan ko ng bagong maid. Maliligo lang ako pre!” sabi ni Isaac sabay pasok uli sa kwarto para maligo.

Habang naliligo ang kaibigan ay nagligpit ligpit si Robie sa sala. Ilang sandali pa ay lumabas na si Isaac mula sa kwarto na nakabihis na.

“Tara na!” masigla nyang aya

“Nasaan ang mga gamit mo?” takang tanong ni Robie nang makitang wala manlang kadaladalang gamit ang isa

“Oh yeah! I forgot! Wait!” pumasok uli sa kwarto at paglabas ay dala dala ang ilang hanger ng damit at ilang kahon ng mga sapatos

Nagulat si Robie.“Lahat yan dadalhin mo? Ah Isaac, rehearsal pa lang ang pupuntahan mo. Hindi pa concert.”

Napakibit balikat lang si Isaac “Ok lang yan, at least prepared ako. Let’s go!”

“Yes you really need a maid! But I think you also need a P.A.” inform nya sa kaibigan

Dumating ang dalawa sa isang dance studio kung saan magrerehearsal si Isaac para sa upcoming concert ng isang sikat na singer kung saan isa sya sa mga guest.

Papasok pa lang ang van nya sa compound ay dinig na dinig na nila ang hiyawan ng mga tao na naghihintay sa pagdating niya.

“Isaac! Isaac! I love you Isaac!” sigaw ng ilang mga kabataan na karamihan ay mga kababaihan.May ilan pang may dala dalang mga banner at poster na may picture nya.

Pagbaba mya ng van ay mas nadoble pa ang lakas ng hiyawan. Agad syang dinumog ng kanyang mga fans para magpapicture, magpaautograph, makamayan at mahalikan sya. Sya naman ay buong ngiting pinaunlakan ang mga tagahanga.

Agad na hinawi ng nagaabang na gwardya ang mga fans nya para makapasok na si Isaac sa loob ng building. Bago pa man pumasok ay nag-iwan pa sya ng isang kaway at flying kiss na naging dahilan para lalong magtilian ang mga naiwan.

Isaac Joshiah Benitez Valdez, that’s his real name, pero Isaac Benitez ang kanyang screen name. According kasi sa kanyang manager mas may dating daw iyon. He is the youngest of the 3 children of Joselito Valdez and Isabel Benitez. His kuya is Joselito Valdez Jr., a full pledge Eye doctor and her ate is Isabelle Jade Valdez-Castaneda, sya ang nagmamanage ng business nila sa probinsya.

Isaac’s a celebrity for almost six years now. Nagsimula sya bilang commercial model sa isang brand ng toothpaste noong sya ay 17 years old pa lamang, college sya noon. Nakita sya ng isang talent scout habang namamasyal sa mall sa Cubao. At doon na nagsimula ang career nya.

Matapos noon ay kinuha na sya bilang talent ng isang sikat na talent manager. Sinali sya sa isang teen boy group na pakanta kanta at pasayaw sayaw sa TV. At sa kanilang grupo ay pinakanapansin sya ng mga fans. Aside kasi sa sya ang pinakagwapo ay sya rin ang pinakacharming sa press people at sa mga fans. Hindi sya suplado, laging nakaready ang kanyang toothpaste commercial smile.Hindi rin matatawaran ang kanyang talents.Magaling syang kumanta, sumayaw at umarte.Kaya nang madisband ang boy band nila ay sya ang naiwan at pinakasumikat.Patunay dyan ang kabikabilang awards na natanggap nya sa nakalipas na mga taon.

Sa batang edad nya ay marami na syang nakasamang mga beteranong artista sa ilang pelikula. Nakapagbida na rin sya sa mga de kalibreng mga pelikula na dinerehe pa ng ilan sa magagaling na mga director.

Marami na rin syang concert na nilabasan. Mayroon na rin syang ilang album na nagplatinum pa. Ngayon nga ay siya ang napiling guest ng isang sikat na international singer sa concert na gaganapin dito sa Pilipinas. Aside from being a star he’s also a Certified Public Accountant. Pero mas pinili nyang mag-artista dahil napamahal na sya sa showbiz. He feels like his heart belongs to the entertainment world.

Successful is the one word to describe Isaac. Nakapagpundar na rin sya ng bahay at ilang business sa probinsya at isang condo unit sa Quezon City. Actually may kaya naman talaga ang pamilya ni Isaac. Their family owns a flower farm and a sugar plantation.

A/N

Thanks for supporting and reading Just Another Love Story. Please don’t get tired to add, vote, like, and comment. It will be much appreciated. Thanks a lot!

Xoxo

RielleZiyanna

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now