Chapter 19

1.9K 34 7
                                    

Chapter 19: Open Arms

Nagbalik si Enid sa pagtatrabaho kay Isaac. Pero mas masaya ang dalawa na lagi silang magkasama hindi lang bilang amo at P.A. kung hindi bilang dalawang taong nagmamahalan.

“Sir Isaac, tubig mo oh.” Sabi ni Enid sabay abot ng isang bote ng mineral water

Nagulat si Isaac, hindi sa pag-abot ng tubig kung hindi sa pagtawag sa kanya na sir ni Enid. Nakakunot ang noong tinignan nya ang dalaga.

“Bakit?” takang tanong ni Enid

“Anong tinawag mo sa akin?” mahinang tanong ni Isaac

Nag-isip pa si Enid “Sir Isaac? Bakit?”

“Bakit mo ko tinatawag na Sir? Galit ka ba sakin? Bakit di mo na ko tinatawag na Mahal?” nakasimangot at di makapaniwalang tanong ni Isaac

Napabuntong hininga si Enid at napangiti syang binulungan si Isaac “Mahal di ako galit. Nasa trabaho kasi tayo. Baka may makarinig sa atin pag ganun ang tawag e matsismis pa na may relasyon tayo.”

Bumulong din si Isaac “So what? Saka di naman tsismis yun a.”

“Kahit na. Alam mo naman dito sa mundo nyo isang tsismis lang maaring makaapekto na sa career mo. At ayoko namang mangyari yun.” Saka sweet nyang nginitian si Isaac

“To hell with this industry! I cant even be sweet with my girlfriend in public!” inis na sabi ni Isaac

“Isaac ang mahalaga alam natin ang totoo at sure tayo sa feelings natin for each other. Diba sabi mo nga ang mahalaga yung tayong dalawa?” mahinahong tanong ni Enid

Ngumiti na din si Isaac. “Sige na nga. Pero pwede bang wala ng sir? Isaac na lang. pero promise mo sa’kin a, pag tayong dalawa na lang mahal uli tawag mo sa akin a.” parang bata na sabi niya

“Gusto mo naman mura na lang?” biro ni Enid pero tinaasan lang sya ng kilay ni Isaac “JK!”

“Ang sweet nyo namang dalawa! Baka mapagkamalan kayong magdyowa nyan?” biglang singit ng isang artistang lalaki na halos kasing-edad lang din ni Isaac na kasama nya sa pelikula

Biglang naglayo ang dalawa. “ Sige sir…” kumunot uli ang noo ni Isaac “Isaac! Pag kailangan nyo uli ng tubig saka yung twalya mo. Tawagin nyo na lang ako. Nandun lang ako sa may sasakyan. Sige sir Patrick!” paalam pa ni Enid saka mabilis na lumayo

“Isaac ah, very efficient talaga ang P.A. mo ha. Saka infairness, maganda at sexy! Saang agaency mo ba sya nakuha? Baka pwedeng irecommend mo sa akin at papalitan ko na si manang Linda.” May pagkapreskong sabi ng lalaki

Nainis si Isaac sa paraan ng pagsasalita ng kausap lalo na sa paraan ng pagtitig nya sa naglalakad na girlfriend. Gusto sana nyang bigyan ng isang suntok sa mukha ang lalaki pero nagpigil sya.

“She’s one in a million! You can never find another one like her. And besides, I guess you’re stuck with manang Linda forever. Who knows, you two are meant for each other!” pang-aalaska nya sa lalaki na may halong inis pero di nya yun pinahalata. Lumakad na sya pabalik sa set ng shooting

“Ikaw talaga Isaac o!” napakamot pa sa batok ang lalaki

Pumasyal na din silang muli sa orphanage. At this time ay nagpunta sila bilang magboyfriend at masayang masaya si mother Cecilia ng malaman ang balita gayundin ang mga bata doon. Mas naging makabuluha sa kanila ang pagdalaw doon dahil magkasama silang tumutulong sa mga bata roon.

“Excited na talaga akong makauwi sa amin! I’m sure magugulat sila lola pag nakita tayo.” Masayang sabi ni Enid

Nagbabyahe sila pauwi sa probinsya nila.

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now