Chapter 24

1.8K 30 2
                                    

Chapter 24: Missing You

Ilang araw na rin nang umalis si Enid sa bahay ni Isaac. Nakauwi na rin sya sa probinsya nila. Pilit mang itago ni Enid ay halatang halata ng lola nya at ni Elmer ang kalungkutan nya. Pero bilang pagrespeto ay hindi na nila pilit na tinanong si Enid. Nabalitaan na rin manan nila ang mga lumabas na tsismis tungkol sa kanila ni Isaac at naitawag na rin ni Marie ang naging problema. Kaya naiintindihan nila ang pinagdadaanan ni Enid.

Hindi naman nagtagal si Enid sa probinsya dahil dumating na ang papeles nya papuntang Dubai. Dalawang linggo na lang at aalis na sya para magtrabaho sa isang ticketing firm doon. At kulang dalawang linggo na lang din ay concert na ni Isaac.

Ang hindi alam ni Enid ay nagpunta din si Isaac sa bahay nila sa probinsya para alamin kung narron sya. Pero di sila nag-abot. Kinausap ni Isaac ang lola ni Enid at si Elmer at sinabi kung gaano nya kamahal ang dalaga. Nagpatulong din sya na kung pwede ay kausapin nila si Enid.

"Sigurado ka na ba talaga?" tanong ni Marie kay Enid habang nagiimpake na ng mga gamit na dadalhin

"Oo naman. Wala na talagang urungan to no!" kunwaring masiglang sabi ni Enid

"E sigurado ka na din ba talagang di mo kakausapin muna si Isaac bago ka umalis?" nakataas pa ang kilay ni Marie

Napabuntong hininga si Enid "Bakit pa? Mahihirapan lang lalo akong umalis kapag nakipagkita pa ako sa kanya." Malungkot na sabi nya

"Tomorrow concert na nya. Hindi ka man lang ba pupunta para igood luck sya?" hoping pa din si Marie na mapabago ang isip ng kaibigan

Tinignan lang nya ang kaibigan.

"Ok. Pero hindi ka man lang ba manonood? Kahit sa malayo lang? Binili na kita ng ticket...at general admission lang to. Alam ko namang di ka uupo sa VIP or sa harap e." with matching puppy dog eye pa sya

Bumuntong hininga uli sya at saka pilit na ngumiti. "Susubukan ko."

Sapat na iyon para mapalundag pa sa saya si Marie. At inabot sa kanya ang ticket.

"Do you think she's coming?" malungkot na tanong ni Isaac kay Robie

Nasa dressing room sila. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang concert.

Nagkibit balikat si Robie "I don't know. Marie asked her. Binili din nya ng ticket pero ang sabi nya susubukan lang daw nya." Malungkot na inform ni Robie

Nalungkot na naman si Isaac. Sa halos dalawang linggong paglayo ni Enid ay sobra nya yung dinamdam. Nawalan sya ng gana sa pagtatrabaho. Lagi syang tulala at malungkot. Napapansin na nga iyon ng mga kasamahan nya sa trabaho, ng manager nya at ng mga fans nya. Kung hindi nga lang naka all set na ang concert na ito malamang pinapostponed na nya ito. Saka nahihiya din sya sa mga fans na sobrang iniintay ang concert nya na yun.

"Isaac, we're on in 5 minutes! We need you at the back stage!" sabi ng floor director kay Isaac

At tumayo na si Isaac para umpisahan ang concert nya.

Punung puno ang big dome. Lahat ng upuan ay occupied. Halos SRO na nga dahil sa dami ng mga gustong mapanood ang star studded concert nya. Di lang dahil marami syang guest na celebrities kung hindi dahil madami ding mga nanonood na celebrities.

Mas pinili ni Enid na maupo na lamang sa isang upuan malapit sa exit. Kung saan anytime ay pwede syang umalis at walang makakakita sa kanya. Hindi nya pinaalam kay Marie na manonood sya para di sya ipressure na makipag-usap kay Isaac.

JUST ANOTHER LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon