Chapter 16

1.8K 31 2
                                    

Chapter 16: Welcoming an Old Feeling

Sa pagdaan ng mga araw ay napapadalas ang pagkikita nina Enid at Enso. Natatapat kasi na si Enso ang audioman sa mga shows na kasama si Isaac.

“Hi Enid. Coffee?” sabay abot kay Enid ng isang cup ng kape at tumabi sya sa kinauupuan na bench ng dalaga

“Thank you.” Inabot nya ang kape at nginitian si Enso

“Mukhang di ka pa natutulog a. Magpahinga ka naman.” Seryosong sabi ni Enso

“Naku e hindi naman ako makatulog hanggang di pa natatapos ang taping ni Isaac e. Baka mamaya biglang may kailanganin. Saka ok lang ako. Paminsan minsan naman e nakakaidlip ako sa tabi tabi e.” natatawa pa si Enid at saka uminom ng kape

“Naku napakasipag mo talaga. Kahit nung high school tayo ganyan ka na e. Kapag may ginagawa ka focused ka talaga at napakadedicated mo. No wonder di ka nawawala sa honor roll.” Compliment pa ni Enso kay Enid

“Naku kailangan e. Kailangang imaintain ang scholarship.” Sagot naman ni Enid

“Kaya sobra kitang inaadmire noon pa e.” seryoso pang sabi ni Enso

“Ha? Ako inaadmire mo noon pa? Di naman yata.” Medyo nahiya pa si Enid sa sinabi ni Enso

“No, really, I really admire you. Sa totoo nga nyan… crush kita noon e, kaso nakakadyahe.” Kumamot pa sa batok si Enso

Nagulat si Enid sa revelation ni Enso. “Ano? Natawa naman ako dun. Di nga?” dinaan na lang nya sa biro

“Totoo yun. Nakakahiya kasi ikaw laging nasa top five, laging panlaban sa mga competitions.”

Nagblush naman si Enid “Ikaw nga dyan, captain ball ka ng basketball team. Tapos president ka pa ng dance troupe. Idagdag mo pa na campus heartthrob ka, ang mga girlfriends mo yung cheerleader o kaya yung campus queen.”

“Naku e, wala naman lahat yun kung itatapat sa mga achievements mo e. Kaya nga di ko na tinuloy yung plano kong manligaw sa’yo. Nakakaintimidate ka kasi e.” seryoso pero nakangiting kwento ni Enso

Di nakapagsalita si Enid. Nashock sya ng sobra sa pag-amin ni Enso.

“Kaya nga nung makita uli kita, natuwa ako e.” nahihiyang sabi ni Enso

“Ba – bakit naman?” di makatinging tanong ni Enid

“Kasi…kasi… itatanong ko sana sa’yo kung… kung pwede ba akong manligaw sa’yo?” nauutal pang sabi ni Enso at napakamot uli sa batok

Napalunok si Enid sa tanong ni Enso.

“So?” hoping na tanong ni Enso

Tinignan sya ni Enid “Serious?”

Ngumiti si Enso ng sobrang tamis. “Oo naman. Walang kasing seryoso. So pwede ba?”

“I – ikaw. Ikaw ang bahala.” Yun lang ang nasabi ni Enid

Sa di kalayuan ay may isang pares ng mata na kanina pa nakatitig sa kanila. Nakakunot ang noo nya at kung literal na nakakasunog ang titig ay kanina pa abo ang dalawa. Hinawakan nya ang dibdib nya. Iba ang klase ng pagtibok ng puso nya ngayon. Ang usual ay nakakapagpangiti sa kanya, magaan sa loob; pero ang nararamdaman nya ngayon ay kirot, masakit sa loob.

Sa mga sumunod na mga araw ay napapansin ni Enid ang pagbabago ni Isaac.

“Sir Isaac, mamaya ba pagkatapos ng taping dederetso na tayo agad sa studio o uuwi muna tayo dito?” tanong ni Enid habang inihahanda nya ang mga damit na gagamitin ni Isaac.

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now