Chapter 6

1.9K 36 2
                                    

Chapter 6: Welcome to the New World Enid!

Kinabukasan ay sumama si Enid kay Isaac sa isang autograph signing sa isang malaking mall para sa bago nyang album. Bitbit nya ang tatlong hanger na damit at isang malaking plastic bin na may lamang mga sapatos. Inilagay nya yun sa likod ng malaking van. Naghihintay ang isang driver na may edad na, pinagbuksan nya ng pinto ang kadarating lang na si Isaac.

“Mang Pepe ito po si Enid ang bago kong P.A., Enid si Mang Pepe, family driver namin.” Pakilala ni Isaac bago pa sya sumakay sa loob ng van.

Ngumiti naman si Enid sa matanda. “Magandang umaga po Mang Pepe.”

“Magandang umaga naman Enid.” Binuksan ni Mang Pepe ang pintuan ng driver’s seat.

Si Enid naman ay umupo sa tabi ni Isaac. Tinignan lang sya ni Isaac na halatang nagulat. “Anong ginagawa mo dyan?” tanong nito sa kanya

Nagtaka si Enid. “Hindi po ba sasama po ako sa inyo?”

“Oo nga. But what I mean is what are you doing here? Dun ka kaya sa harap maupo.” Masungit na sabi ni Isaac. Ewan nya pero parang natutuwa syang asarin si Enid. Lihim syang nangiti nang nagmamadaling lumabas si Enid sa van at sumakay sa tabi ni Mang Pepe.

Si Enid naman ay sobra nang naaasar sa amo nya. ‘Antipatikong lalaki to. Isang araw makakatikim ka rin sa king Isaac bakulaw ka.’ Inis na bulong ni Enid

Pagdating nila sa mall ay gulat na gulat si Enid sa dami ng taong naghihintay. Puno ang Event’s area ng mall ng mgat tagahanga ni Isaac. May dala dalang malalaking mga tarpaulin ng lalaki. At nang makita nilang padating na ang idol ay lalaong lumakas ang tilian.

Nagulat si Enid nang makitang nag-iba ang itsura ni Isaac. Ang kaninang di manlang mangiti at parang laging umuusok ang ilong sa kasungitan, ngayon ay todo ang ngiti. Nakita pa nya ang napakagagandang set ng mga ngipin ng lalaki.‘infairness gwapo talaga sya ha. Pero kahit na! Sama naman ng ugali.’

Kumaway pa si Isaac sa mga fans. Si Enid naman ay nakasunod sa kanya at ngayon ay unti unting naiipit sa mga babaeng pilit na humahabol kay Isaac. Pilit syang lumulusot para makahabol sa amo nya.

Pagdating sa backstage ay agad na nilapitan ng mga organizer si Isaac. Kinamayan at pinaupo na sa harap ng dresser para maretouch at makapaghanda na para sa mini show.

“Enid come here!” tawag ni Isaac sa kanya

Lumapit agad si Enid “Ano po yun sir?”

“Nasan yung mga gamit ko?” tanong ni Isaac

“Ayun na po sa hangeran.” Sagot ni Enid

“Good. Pakikuha naman yung stripe na long sleeve. Yun ang isusuot ko ngayon. Saka pakikuha na rin ako ng isang coffee yung decaf ha.” Utos niya

Agad na sumunod si Enid. Kinuha muna nya ang damit at pagkatapos ay lumapit sya sa coffee machine na naroon. Ibinigay nya agad kay Isaac ang kape.

“Meron pa po ba kayong kailangan?” tanong ni Enid

“Wala na. Nga pala mamaya kapag nagstart na yung show pumunta ka sa gilid ng stage. Pakikuhanan ng video at picture, ok?” malumanay na sabi ni Isaac

“ok po.” Patalikod na si Enid ng magsalita uli si Isaac

“Thank you Enid.” Pahabol na sabi ni Isaac

Nagulat naman si Enid dahil di nya ineexpect yun. Kaya tango lang ang nasagot nya. ‘Tama ba ako ng narinig? Nagthank you sya sakin? Marunong din pala sya nun? Hay naku, Bipolar talaga!’

JUST ANOTHER LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon