Chapter 7

2K 37 4
                                    

Chapter 7: Surprisingly Sophia

Sa bawat araw na tumatagal si Enid sa trabaho ay unti-unti na syang nasasanay dito. Unti-unti na rin syang nasasanay sa pagiging moody ni Isaac. Kaya nagagawa na rin nyang sumabay sa mood swings nito.

“So how’s working with the golden boy of showbiz?” tanong ni Marie sa kanya minsang nagday off sya at pumasyal sa bahay ng kaibigan

“Ok naman.” Yun lang ang sagot ni Enid habang busy sa paghahanap ng mga wedding gown sa isang magazine

“Paanong ok naman? What do you mean by ok naman? Ok naman dahil nakakatagal ka naman sa masungit na ugali ni Isaac o ok naman dahil wala ka lang magawa sa pag-uugali niya?” sarcastic na tanong ni Marie na kinatawa ni Enid

“Tanong ba talaga yun o isang simpleng statement? Para kasing pareho lang yung choices mo e.” tanong niya

Marie just shrugged and smirks.

“Well, ok naman. As in ok lang naman. Actually, totoo, moody nga talaga siya. Minsan mabait, minsan masungit, madalas deadma lang. Pero so far, wala pa naman syang ginagawang over the top na ikakagalit ko talaga.” walang lingong kwento naman ni Enid

“Talaga? As in wala? Hindi ka nya kinagagalitan or walang umaaway sayo, or such things?” taka naman ni Marie

Umiling lang si Enid.

“Really?” Di talaga makapaniwala si Marie

“Bakit ba hindi makapaniwala na ok lang ako dun?” tinignan nya ang kaibigan

“Wala lang, usually kasi sa sobrang kasungitan nya or sa mga die hard fan nya bihira ang tumatagal sa kanya. Medyo may pagkaperfectionist din kasi minsan yun e. Well according to Robie kaya matagal na syang hindi kumuha ng P.A. kasi ayaw nyang pinapakialaman yung mga personal things nya. Yung huling P.A. nya pinaalis nya kasi nakiaalam sa mga damit nya kaya lumabas sya sa isang show na hindi match ang outfit nya. Kaya yun, tsugi! Saka usually daw kasi pinagseselosan ng mga fans nya yung mga P.A. nya. At ayaw din daw nun na may susunud-sunod sa kanya. Kaya nga ayaw kong pumayag na magtrabaho ka dun e.” mahabang explain ni Marie

“Talaga? Sa totoo lang wala pa namang nangyayari sa aking ganun. Sa mga fans nya, hindi pa naman kasi ako nagkakaroon ng close encounter sa kanila, wow parang mga extra terrestrial lang, kaya siguro hindi ko pa naeexperience na materrorized nila. With regards to Isaac, may kasungitan nga sya, pero pagdating sa personal things nya hinahayan naman nya akong pakialaman yung mga yun. Minsan nga ako na ang pinamimili nya sa kung ano ang dadalhin namin, bahala na daw ako. Saka ako din ang pinaghahandle nya sa mga social network accounts nya.” Kwento ni Enid

“Talaga?!” gulat ni Marie

Nagulat din si Enid sa reaction ni Marie.

“Ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka nya for him to trust you with his wardrobe and fan pages! Wow a, anong pinakain mo dun?” takang tanong talaga ni Marie

“Ahm? Adobo?” nakangiting sagot ni Enid

“You mean, napatikim mo na sya ng famous adobo mo?” nakatawang tanong ni Marie

“Grabe namang makafamous to!” natawa din si Enid

“Hello? Yung adobo mo kaya ang best adobo that I’ve ever tasted! No wonder ang bait nya sa’yo. Patingin nga nyan!” inagaw nito ang magazine na hawak ni Enid

“Anong mabait? Oo, hindi nga nya ako pinagagalitan pero grabe naman sya mangasar no! Para nga akong pinaglilihian nun e. Minsan bigla na lang akong aasarin, may iuutos sa akin tapos biglang magkocomment ng pang-asar. Alam mo yun? Yung parang mga kaklase natin nung high school na nagtitrip.” Kwento naman ni Enid

JUST ANOTHER LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon