Chapter 18

2.1K 42 3
                                    

Chapter 18: At the Right Moment

“Are you sure you’re ok Enid?” concern na tanong ni Marie kay Enid

Pinilit namang ngumiti ni Enid. “Ano ka ba Marie? Wedding mo’to no! Bakit ba ako ang tinatanong mo kung ok ako? Intindihin mo yung sarili mo ok?”

“Pero…” pinutol na ni Enid ang sasabihin ng kaibigan

“I’m ok, ok? Don’t worry about me. Ok lang ako.” At isang pilit na ngiti ang ginawa nya

Almost two weeks na noong mangyari ang event kung saan nag-away sila ni Isaac at nauwi sa paghalik ng binata sa kanya. Pagkatapos noon ay nag-alsa balutan sya at nakitira uli kay Marie. Hindi man nya nadala ang lahat ng gamit nya pero sapat na ang dala nya para sa matagal na paglayo kay Isaac. Sa totoo lang ay di nya alam ang dapat nyang gawin. Naguguluhan sya ng mga oras na yun. Di nya inaasahan ang reaksyon na iyon ni Isaac sa kanila ni Enso. At lalong di nya ineexpect ang ginawang paghalik sa kanya ni Isaac. Hanggang noon ay di pa rin sya makapaniwalang hinalikan sya ni Isaac. Napabuntong hininga pa sya sa pag-alala sa nangyari.

“Ok e ayan ka na naman at tulala ka na naman! Sis, ok ka lang ba talaga? Don’t worry pag nakita ko bukas yung lalaki na yun, humanda sya sa kin. Mata lang nya ang walang latay!” malakas na sabi ni Marie

“Ano ka ba naman Marie, wag mo na nga ako alalahanin. Ok lang talaga ako. Ano lang…” di nya maisip ang gustong sabihin

Nangiti naman si Marie “Ano lang? Di ka lang makaget over sa kiss ni Isaac?” tukso pa niya

Tinignan ni Enid ng masama ang kaibigan saka bumuntong hininga. “Marie naman e!”

“Anong Marie naman? E ano nga ba? Diba’t kaya ka nga nagkakaganyan dahil di ka pa rin maka move on sa nangyari? Ano ba talaga? Aminin mo nga! Halik lang ba talaga ang nangyari?” may halong biro pa nya sa kaibigan

“Oo naman! Ano naman kala mo sa kin?” paismid pa nyang sabi

“Yun naman pala e. Kiss lang naman diba. Mag move on ka na friend!” giit pa ni Marie

“Paano naman ako makaka move on, sabihin mo nga. Marie you know, that was my first kiss! He stole my first kiss!” paghihimutok na sabi ni Enid

“E mano naman! Si Isaac naman yun.”

“Pero Marie, diba ang first kiss dapat special. You shared it with a special person.” Mahinang sabi ni Enid

“Bakit? Diba special naman si Isaac sa’yo? He’s your first love right?” tanong ni Marie

“Oo nga. Kaso diba you’re suppossed to do it at the right time at the right place…with the right reasons? Isn’t a kiss supposed to be shared by two individuals who love each other?” malungkot na sabi ni Enid

Nalungkot din si Marie. Nararamdaman nya ang lungkot ng kaibigan. “Malay mo naman diba? Malay mo kaya ka nya hinalikan kasi…”

Umiling si Enid. “Ayoko nang umasa Marie. Masakit umasa. Nagawa lang nya yun dahil trip lang nya. Tanggap ko na naman e. Ako lang ang nagmamahal.” Muli ay tumulo ang luha ni Enid

Napabuntong hininga si Marie.

Pinahid ni Enid ang luha at pinilit na ngumiti. “Naku tama na nga. Pati ikaw dinadamay ko sa kadramahan ko. Dapat masaya lang tayo. Wedding mo na bukas. Di kita dapat inii stress! Baka magalit sa akin si Robie. Sorry sis ha?”

“Ano ka ba Enid. Magkapatid tayo. Sa lahat ng oras, magkaramay tayo. At kahit magkaasawa pa ako, wala syang magagawa kundi iaccept na tayo ay package deal! Tara nga dito!” at niyakap nya nang mahigpit ang kaibigan

JUST ANOTHER LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon