Chapter 23

1.7K 35 2
                                    

Chapter 23: Bitter Sweet Goodbyes

Matapos ang party nila ay umuwi na ang mag-asawa at naiwan na ang magkasintahan. Pagkatapos magligpit ay nagpahinga sila sa entertainment room at nanood lang sila ng paboritong pelikula ni Isaac na Serendipity. Aminado syang yun ang guilty pleasure movie nya.

Tahimik lang sila na nanonood habang magkayakap. Nakasandal lang si Enid sa dibdib ni Isaac. Mahigpit syang niyayakap ni Isaac habang paminsan minsang hinahalikan ang buhok nya.

"You know what mahal, I can stay like this forever. I wish this moment will never end. This is my happiest birthday ever! Plus, I really love cuddling you like this." At lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Enid

Napangiti si Enid pero nararamdaman nya ang mga luhang unti-unti na namang nagbabadyang tumulo sa mga mata nya.

"Ako din. Sana nga hindi nalang matapos to no?" halos pabulong nyang sabi

"I hate to admit it but I really love that movie. Napakasimple ng atake nya, ng story pero very heart warming. Sana magkamovie ako ng ganyan no?" Napabuntong hininga pa si Isaac "Bigla ko tuloy narealize, parang story pala natin yan e."

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Enid

"Look, one magical day Jonathan and Sara meet unexpectedly, then part without expectations. Tapos imagine, years later they meet again. Parang tayo diba? Nagkita na tayo noon in a very unexpected and shocking moment. Tapos heto tayo ngayon, nagkita uli tayo and eventually we fell in love. And now look at us? We're inseparable!" masaya pang hinalikan ni Isaac ang pisngi ni Enid

Lalong nadurog ang puso ni Enid sa mga nadinig. 'Inseperable? Sana nga. Sana nga nothing can keep us apart.' "Mahal, do you believe in serendipity?" seryosong tanong ni Enid

"With you by my side? Certainly! Serendipity truly exists! Bakit mo naman naitanong mahal? Duda ka pa ba?" pabiro pang tanong ni Isaac sabay pagkiliti sa tagiliran ni Enid

Natawa bahagya si Enid dahil nakiliti sya. "So do you also believe that despite time, distance and the obstacles that conspire to keep two people inlove apart - they will one day meet again? That it's ok if they just let fate determine if they are meant to be together?" seryoso at makabuluhang tanong ni Enid

Natahimik si Isaac. May kung ano syang kaba na naramdaman sa mga sinasabi ni Enid. "Enid, are you referring to the movie or to us?" iniharap pa nya si Enid sa kanya

Di makasagot si Enid. At di sya makatingin sa mga mata ni Isaac.

"Enid, listen to me. No amount of time, distance or obstacles will come between us! We don't have to let fate determine our future anymore! Tayo na ang gagawa ng future natin. Magkasama na tayo at wala nang makakapagpahiwalay pa sa atin. Naintindihan mo ba ako?" hinawakan pa nya ang mukha ni Enid para makatingin sa kanya

Pinilit ni Enid na ngumiti. "Mahal na mahal kita Isaac." Mahinang sabi ni Enid

"At mahal na mahal din kita Enid! Mahal na mahal!" at unti-unting inilapit ni Isaac ang mukha nya sa mukha ni Enid.

He brought his lips to hers for a gentle kiss. They shared a very sweet and gentle kiss then it deepens. It became a deep and passionate kiss. Hindi alam ni Enid pero habang lumalalim ang halik na iyon ay nawawalan sya ng lakas na pigilan iyon. She just let herself drowned in his kisses and from the love she's feeling at the moment.

Gusto sanang pigilan ni Isaac ang sarili nya pero hindi nya magawa. He just can't get enough of her. He laid her on the sofa. He stopped kissing her and just stared at her face. He softly traced her face with his trembling hand as if he's memorizing every part of it.

JUST ANOTHER LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon