PROLOGUE

3.1K 47 3
                                    

Prologue

"Ano ba yan, malelate na ako.May exam pa naman kami ngayon." Isip ni Enid habang panay tingin sa mahabang pila ng mga sasakyan

"Naku! Bwisit namang truck yan, ngayon pa tumaob!" galit na sigaw ng driver ng jeep

Kung bakit naman kasi ngayon pa sya tinanghali ng alis sa kanila. Kung bakit naman kasi ngayon pa tinanghali ng gising si Aleng Saling, ang may-ari ng patahian na ineextrahan nya, di tuloy sya nakaalis kaagad. Kinailangan pa nya kasing bumale para mabayaran ang balance nya sa tuition.

Oo nga at sya ay full scholar, pero kailangan pa din nyang bayaran ang mga miscellaneous fees, Lab fees, organizational fees, ID, libro at kung anu-ano pang fees na di sakop ng scholarship nya. Mabuti na lamang at kahit papaano ay nakakabale sya kay Aleng Saling, at kung minsan naman ay nakakaextra din sya sa bigasan sa may palengke.

Bata pa lamang sya ay kayod kalabawna sya. Maaga silang naulila ng nakababata nyang kapatid, matapos mamatay sa aksidente ang mga magulang nila noong araw pa man din ng birthday nya. Namili sila ng panghanda dahil celebration na rin dahil grumaduate sya bilang Salutatorian. Pero ang jeep na sinasakyan nila ay nawalan ng control at bumangga sa isang dump truck.

Yun na siguroang pinakamalungkot na birthday nya sa lahat. Simula noon ay naiwan na sila ng magkapatid sa pangangalaga ng lola nya na byuda na rin. Si Elmer ay nasa first year high pa lamang noon. Ang lola nya sa kabila ng katandaan ay masipag pa din. Nagtatanim siya ng mga gulay sa likod bahay nila at sya nitong ibenebenta sa tapat ng bahay nila. Mabuti na lamang at mababait din ang kanilang mga kapitbahay at kahit papaano ay tinutulungan sila.

Bakas ang lungkotsa mukha nya nang makita ang tumaob na truck.Bigla nyang naalala ang mga magulang nya.

Nagbalik sya sa katotohanan nang maramdaman nyang may kung anong gumagalaw sa tagiliran nya, sa may bulsa ng palda nya. Naramdaman nya ang isang kamay na dahan-dahang pumapasok doon.

'Diyos ko, tulungan nyo po ako. Dinudukutan po yata ako.'Nasa isip nya, dahan dahan nyang nilingon ang lalaki. Isa itong may edad na lalaki, mga nasa edad 40 siguro, balbas sarado at mukhang di sya sasantuhin.

Marahan syang umusad ng kaunti para lumayo sa lalaki, pero nasa dulo na sya ng jeep. Wala na syang uusuran pa. Pinagpapawisan sya, kinakabahan, 'Sigawan ko kaya, kaso baka mamaya may kutsilyong dala to bigla na lang akong saksakin.'

Para na syang maiiyak, nangingilid na ang luha nya. Napatingin sya sa isang lalaki sa harap nya, tantsa nya ay mga kaedad nya pero sa tingin nya ay sa private college nag-aaral. Nakatingin ang lalaki sa kanya at sa mandurukot. 'Bakit kaya di na lang siya ang napiling dukutan mukha naman syang mayaman, e ako, binale ko lang yung pera sa wallet ko. Yung iba naman ay dinukot ko lang sa alkansya ko.'

Tinignan nya ang lalaki na may halong pagmamakaawa na tulungan sya. Pero gaya pa rin kanina, blanko pa rin ang mukha nito. 'Ano ba tong lalaki na 'to? Wala ba syang pakialam kung dinudukutan na ako? Di ba nya ako tutulungan? O baka takot din sya na baka bigla na lang siyang sugurin ng mandurukot na 'to.'

"Mama, ibalik nyo po yang wallet na yan sa kanya!" mahinahon pero authorative na sabi ng lalaki kay mamang mandurukot

Naalarma naman ang mamang mandurukot at biglang patalong bumaba sa jeep at tumakbo palayo. Dala ang wallet ni Enid at ang perang pambayad nya sa tuition nya.

"Mama! Ibalik nyo yung wallet ko! Saklolo! Yung mandurukot po harangin nyo!" sigaw ni Enid pero ang mga nasa ibang mga sasakyan ay parang nanonood lang ng shooting, nga nga lang. Wala manlang humarang sa mandurukot.

Bumaba si Enid para habulin ang mandurukot. Mabuti at walang kagalaw galaw ang trapiko dahil sa aksidente. "Mama, parang awa mo na, ibalik mo yan! Pang tuition ko po yan! Binale ko lang po yan!" umiiyak na nyang sigaw

Napahinto na sya sa pagtakbo dahil hinihingal na sya nang magulat sya na may lalaking mabilis na tumakbo at hinabol ang mandurukot. Inabutan ng lalaki ang mandurukot at parang si Jackie Chan na ni wrestling o kinarate ang mandurukot hanggang mapasubsob ito sa kalsada.

Biglang may nagdatingan na mga pulis at itinayo ang mandurukot saka pinosasan. Si Enid naman ay hingal na tinungo ang kinatatayuan ng lalaking humabol sa mandurukot. Nagulat siya ng makita nyang ang lalaking katapat pala nya kanina sa jeep ang tumulong sa kanya.

"Wallet mo." mahina nitong sabi sa kanya sabay abot ng kanyang wallet

Pakiramdam ni Enid ay nakakita sya ng anghel. Isang knight in shining armor.Inabot nya ang wallet, at pakiramdam nya ay nahiya sya bigla sa wallet nya. Isang maong na wallet at may magic tape na lock, lumang uso, yun lang kasi ang murang kaya nyang bilhin.

"Maraming salamat." Halos pabulong nyang sabi at parang naiiyak pa sya

Nakatitig lang sa kanya ang lalaki ng ilang sandali. Pakiramdam nya ay tinitignan sya nito mula ulo hanggang paa.

"Sa susunod kasi miss, wag kang tatanga tanga!Ingatan mong maigi ang gamit mo nang hindi napag-iinteresan.Alam mo namang maraming mandurukot dito." Madiin na sabi ng lalaki, sabay alis.

Naiwan si Enid doon na nakanganga at gulat na gulat sa sinabi ng lalaki. 'Tama ba ang dinig ko? Tinawag nya kong tanga? Ang presko naman nun! Tinulungan nga ako, ininsulto naman ako!' sinundan nya ng tingin ang lalaki at nakita nyang sumakay na ito sa isang pampasaherong fx. Nagulat sya ng biglang bumusina ang sasakyan sa likod nya. Umaandar na pala uli ang traffic. Nagmadali syang hinabol ang jeep na sinasakyan nya kanina, sayang naman ang binayad nya doon.

Pagdating sa school ay agad nyang niyakap ang bestfriend nya. Umiiyak at nangangatog nyang kinwento ang nangyari sa kaibigan. Hanggang ngayon ay takot pa rin sya sa nangyari. But at the same time, asar din sya sa preskong lalaki na tumulong sa kanya.

"Talaga? E cute ba?" nakangiting tanong sa kanya ni Marie, ang bestfriend nya since high school.

"Oo, cute naman. Saka magaling sa martial arts. Napabagsak nga nya yung mandurukot e hamak na mas malaki sa kanya yun. Kaso nga, sobrang presko naman. Nagpasalamat na nga ako, ako pa ang tinawag na tanga! Bakit? Ginusto ko bang dukutan ako? Saka sinabi ko bang tulungan nya 'ko?" malakas kong kwento sa kanya

Nangiti lang si Marie, "But I'm glad you're ok. Naku sige na, pumunta ka na sa cashier para makabayad ka na. Ireserve kita ng upuan saka explain ko na lang din kay Prof pag dating nya." Malakas nya kay Enid

Nagmamadali namang pumunta si Enid sa Cashier na nasa kabilang building pa.

Author's Note:

The names, characters, settings and situations are all fictional. Any resemblance to actual persons and events are purely coincidental.

This is my second work uploaded in Wattpad. Kung nagustuhan ninyo ang By Chance (You & I), sana magustuhan din ninyo ito. Enjoy reading! Votes and comments will be much appreciated. Thanks!

Xoxo

RielleZiyanna

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now