CHAPTER 1

2.5K 53 2
                                    

Chapter 1: MEET ENID: The Good Daughter

“Enidriana!Bumangonka na dyan at baka tanghaliin ka pa sa trabaho mo.” Tinapik pa ng matandang babae si Enid sa braso

Pilit nyang idinilat ang mga mata nya, nag-inat at sabay hikab.“Anong oras na po ba ‘la? Bakit ang aga nyo namang gumising?” marahan syang tumayo at nagkusot pa ng mata

“E naku, inani ko na yung mga pechay at sitaw para maitali-tali na.” marahan namang sagot ng lola nya na nasa mga 60 na ang edad pero malakas at masigla pa rin ang pangangatawan

“Ganun po ba? E sana po ginising nyo na lang ako para ako na lang umani.” Sumunod sya sa labas ng kwarto papunta sa maliit na sala sa kanilang bahay na kalahating bato at kalahating kawayan, mas pinatibay na bahay kubo.

“Naku e kaya ko pa naman e. Nga pala nagsaing na ko. Ikaw na lang ang magluto ng ulam para maitali ko na ang mga to.” Umupo sya sa sala set na kawayan para itali-tali ang mga paninda

“Sige po ‘la. Nagkape na po ba kayo? Ipagtitimpla ko na po kayo.” Malakas na sabi ni Enid sa may kusina

“Tapos na. Salamat na lang.” sigaw naman ng lola nya

Pagkaluto ng ulam ay naligo na si Enid at naghanda para sa pagpasok sa trabaho. 2 taon na rin syang nagtatrabaho sa rice mill bilang sekretarya. Araw-araw, gising ng maaga, byahe sa bayan, maghapong magbibilang ng sako ng palay at bigas, maghapong maglilista. Ganyan ang pang-araw-araw na routine nya. Di naman sa hindi sya nagpapasalamat at may trabaho sya, pero di nya maiwasang manawa at mapagod. Grumaduate siya bilang cum laudesa kursong Computer Science.Pero wala yata yung halaga sa mga inapplyan nyang trabaho.Sa tuwing mag-aaply ang laging linya sa kanya ay ‘We will just call you.’ At alam naman nating pag ganun ang linya ibig sabihin hindi ka tanggap. Pero sino ang mga natatanggap?Yung mga kasabayan nyang sosyal ang pananamit. Mga nakamini skirt, kuntodo ang make-up pero panay ang ingles ng baluktot. Sabagay ano bang laban nya dun, matalino nga siya, pero wala syang pambili ng presentableng damit at mga makeup. Isa lang lagi ang outfit nya pag nag-aapply. Ang kanyang kaisa-isang gray na bestida na sinuot pa nya nung graduation nya ng college.

“Ate, Lola, papasok na po ako!” sigaw ni Elmer na palabas na ng pinto ng kwarto at tinungo ang lola nya para magmano

“O sige apo, mag-ingat ka ha!” paalam naman ng lola nila

“Opo ‘la. Ate, mauna na ako sa’yo. Exam namin ngayon e.” dagdag pa nya

“May baon ka na ba?” tanong ni Enid sabay dukot sa wallet nyang maong mula sa shoulder bag nya

“Oo ate, meron pa. Kakasahod ko lang naman e. Sige ate, ‘la!” sabay labas ng bahay

Napangiti si Enid, bata pa lang si Elmer pero responsible na. Noong graduating sya ay huminto muna si Elmer sa pag-aaral pero hindi nya ito nakitaan ng pagtatampo dahil naiintindihan nya ang kalagayan nila. Nang makatapos si Enid at nakapagtrabaho sa rice mill ay agad nyang pinag-aral ang kapatid. Gaya ni Enid ay nagworking student din sya. Nag-apply sya sa isang fast food chain habang nag-aaral ng Secondary Education Major in Mathematics sa parehong school bilang scholar din. Ngayon 2 taong nalang din ay makakagraduate na ang kapatid nya.

*******

“O ano Enid, huling byahe na yan. Pagod ka na ba?” tanong sa kanya ng isang matandang lalaki. Medyo may puti na ang buhok, malaki ang tiyan at may kaliitan.

“Ok pa po boss Vic! Kaya pa po.” Magalang nyang sabi sa amo sabay lista sa log book na hawak

“Hay Enid, anong gagawin ko kung wala ka dito.” Malakas nyang sabi sabay akbay kay Enid

JUST ANOTHER LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon