Part 56

26.9K 704 13
                                    

CHAPTER 56

Para akong nabalot sa yelo, sa kabang binalita ni Kean sa akin. Mabilis kaming nagpunta ng hospital dahil sa itinawag ni Mommy sa bahay.

Halos gusto kong liparin ang mahabang hallway ng hospital para lang makarating agad sa kwarto ni Klitz.

Nang magtapat kami sa pintuan ng kwarto niya, malalim akong naghugot ng hininga bago pumasok. Puno ng kaba ang puso ko.

Dahan-dahan akong pumasok, nabalot ako ng takot dahil sa balita. Nagising na si Klitz ngunit may hindi inaasahang panyayari. Nabura lahat ng memoryang meron sya. Hindi pa alam ng Doktor kung gaano kalayo ang hindi nya maalala.

"Come here Cam!" tawag ni Dad sa akin. Inalalayan nya pa akong makalapit lalo kay Klitz.

Nakaupo sya at seryoso ang mukha, may nakaikot pang tela ng bandage sa ulo nya at halatado ang matamlay nyang mukha. Nagkatitigan lang kaming dalawa.

"Son, this is your wife Camilla Belle" si Dad. Nguniti ako sa kanya. Pero sa loob ko gusto ko na syang yakapin at halikan ang mapupula nyang labi.

Napatitig lang sya sa akin, para bang pilit nya akong inaalala pero nangunot lang ang noo nya bago paman sya bumaling kay Mommy na nakaupo sa tabi nya.

Parang ang lahat hindi nya kilala at tanging sina Mom at Dad ang naalala nya.

"Kuya!" pag-agaw ni Kean ng atensyon nya. "dont tell me, you dont remember me even?" pag-nguso nito. Ngumiti si Klitz pero ang inaakala ni Kean na kilala sya nito ay hindi nya nakamtan, dahil umiling si Klitz at napahawak sa sentido nya at maingat itong minasahe.

"i think we should not force the patient to remember us, maybe he is still in the process of trying to awaken his brain to function" sabi ng nurse na pilipino nasa tabi ng oxygen at parang may kung anong inaayos ito.

Tumango kami at hinayaan muna si Klitz magpahinga.

Kinausap kami ng Doktor ni Klitz, pinaliwanag nya sa akin ang posibleng mangyari kay Klitz. Maari itong maging permanente ang pagkawala nya ng memorya dahil sa pagtanggal ng ilang bahagi ng kanyang utak. Maaring naapektuhan ang memorya nya.

Marami pang pinaliwanag ang Doktor nya tungkol sa sitwasyon ni Klitz. May ila din syang payo na pwede naming gawin para matulungan sya at ito ay ang pilitin na min syang maalala ang mga bagay lalao na ang mga halaga namin sa buhay nya. Kailangang hindi mapressure si Klitz sa mga taong nasa paligid nya para hindi sya mahirapang sa pagpapagaling.

Nakaupo ako ngayon sa kawrto nya, umuwi sina Mom at Dad para sunduin ang dalawang bata na sigurado akong gising narin ngayon.

Nagpaiwan ako dito para may bantay si Klitz habang natutulog ito.

Matagal ko syang pinagmasdan, ang bawat sulok ng gwapo nyang mukha. Ang tangos ng ilong nya at mapupula nyang labi.

Nakangiti ako habang inaalala ang lalaking ito na dating head over heels sa akin, ngayon ay halos walang naalala na kahit isang bahagi ng memoryang meron kami.

Nagulat ako nang biglang nagbukas ang mga mata nya at matagal syang napatitig sa akin. Ngumiti ako at mas lumapit sa kanya.

"hi" bati kong nakangiti na may kaway pang kasama ngunit blankong reaksyon lang ang binalik nya sa akin.

Umupo ako sa upuang nasa tabi nya. Gusto ko sanang sa tabi nya mismo at sa kama rin ako uupo ngunit alam kong baka mabigla sya sa akin.

"do you need anything?" tanong ko. Nakatitig sya sa mukha ko, umiling sya.

"do i know you?" tanong nya. Napangiti ako at umiling. "no. You dont" sabi ko at napatawa ng kaunti. Ang sarap paglaruan ng taong ito. Imbes na galit ang iparamdam ko, saya ang nararamdaman ko.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now