Part 18

38.7K 874 4
                                    

CHAPTER 18

(KLITZ POV)

Halos isang linggo narin ang nakalipas, balik aral kami at halos nagsisimula na ang mga practicum.

Naka set ang interview ni Cam ngayon, ihahatid ko sila sa company na pangarap nilang mapasukan, ang company ng Dad ko na imamana ko.

Habang nasa sofa ako at nanonood ng TV, siya naman ay nasabed ng kwarto at naghahanda. Dito kasi sya natulog kagabi dahil nasa duty si Rosie sa hospital.

Bumaba sya sa ilang steps na hagdan mula sa kwarto ko suot ang bagong gawa nilang uniform na pencil cut na kulay grey at above the knee, may kapares itong fitted white polo na may red scarf sa gitna at nasa braso nya ang grey coat nya at hawak nya sa kabila ang bag nya. Nakasuot sya ng hiheels na kulay grey na mas lalong nagpatangkad sa kanya.

Lumapit sya sa akin na nakasimangot. "hab" walang gana nyang sinabi.

Tumayo ako at nilapitan sya. Ang ganda nya sa simpleng make up nya at ayos ng buhok nya. Ang sexy nyang tingnan sa uniform nya at napakaputi nya.

Inikot ko ang mga braso ko sa beywang nya at idinikit ang dulo ng ilong ko sa kanya. Amoy na amoy ko ang bango nya, "by your looks today, the incharge will definitely drool over you hab" , napatawa lang sya sa sinabi ko.

"makukuha ka, kaya huwag kang kabahan" sabi ko at napangiti naman sya. "binayaran ko na ang mag-interview sayo na kukunin ka."sabi ko at napatawa pa ako. Hinampas nya ako sa balikat gamit ang kamay nyang may coat. "joker ka talaga" sabi nya, "bakit kilala mo ba ang incharge doon?" natatawa nyang sabi.

Natawa ako, mas mabuti nang wala syang alam para hindi sya lalaong kabahan mamaya.

Sinundo namin ang tatlo nya pang mga kasama na mag-interview din hinatid ko sila sa company. Naunang pumasok sa building ang tatlo at hinintay si Cam sa entrance nito.

"good luck to me!" sabi nya sabay palabas ng malalim na hininga nya at hinalikan ako sa labi. "relax and enjoy your enterview hab" sabi ko at niyakap sya. "call me when your done para masundo ko kayo" sabi ko. "huwag na magcommute nalang kami hab" sagot nya.

"No, i wont let you go commute with that skirt" sabi ko at napatawa lang sya. "loko!" sabi nya at bumaba narin.

Sinundan ko sya ng tingin habang papasok sya ng entrance ng building tsaka ako nagdrive at nagpunta ng VIP parking lot kung saan ang personal assistant ko naroon at naghihintay sa akin.

"good morning sir Prince" bati nya sabay yuko, inabot nya sa akin ang coat na pinahanda ko. Ngumiti ako sa kanya at sinuot ang coat ko. Sabay kaming pumasok sa elevator at nagdiretso sa second floor kung saan gagawin ang interview.

"sino ang magcoconduct ng interview?" tanong ko sa kanya. "si Ian po Sir Prince" sabi nya.

"did you follow my instruction?" sabi ko habang nakasunod sya sa likod. "yes sir" agad nyang sagot.

Naglakad kami sa mahabang hallway, yumuyuko ang bawat madaanan kung impleyado. Ngumingiti ako sa kanila sa tuwing binabati nila ako.

"Sir Prince yung maputi at matangkad po ba ang girlfriend mo?" tanong nya. Tumango ako, "marami po ang may crush na impleyado sa kanya dito, inaabangan nga po ang result kung makakapasok sya sa listahan" sabi nya at napangiti lang ako.

Pumasok kami sa executive room, at umupo sa harapan ng double sided mirror kung saan nakikita rito ang nagaganap na interview sa kabilang room.

Nagsimula na ang interview, 60 ang kukunin na practicumer galing sa tatlong malalaking Universities na suki ng company sa ganitong bagay. Ilalagay sila sa ibat-ibang department at palipat-palipat kada buwan sa loob ng tatlong buwan.

Nasa ika 5 si Cam sa school list namin. May 25 na e-interview galing sa school namin ang naka schedule sa araw na ito.

Naang makapasok na sya, umupo ako ng maayos at pinagmasdan syang mabuti. Maganda ang tindig nya at ang ayos nya. Sa pagpasok nya palang, napatingin na kaagad ang mga assigned panels. Pinaupo sya at sinunod nya naman.

Naging maganda ang takbo ng interview nya, magaling syang sumagot at hindi makita ang takot sa kanya.

"Sir Prince ang ganda talaga ng girlfriend nyo po, matalino po pala" sabi ni Manong Johnny na syang naging secretary at personal assistant ko buhat nang makabalik ako ng pilipinas.

Nakangiti ako habang nakikinig sa kanya na sumasagot sa bawat tanong.

"Miss Singson, are you taken or in a relationship" tanong ni Felip sa kanya, ang kaibigan kong gwapo na assistant head ng HR department.

Ngumiti sya, "yes sir, im taken and currently in a relationship" sagot nya. Nakita ko ang ngiti sa mukha ni Felip. "if its okay to you, may i know the name of your boyfriend? This is just for further records" sabi nya kay Cam.

Tumango si Camilla, "he's name is Klitz" seryoso nyang sabi at napangiti si Felip. Ngunit ang dalawa nyang kasama ay nangunot lang ng noo. "so, how long your into relationship with him?" ngumiti si Cam bago sumagot. "were not used of counting days, months or years that we used to spent but were counting memories we can share and made together" napangiti silang tatlo sa sagot nya.

"congratz sir Prince!" agad akong binati ni Manong Johnny. Ramdam ko ang init sa mukha ko sa sagot nya. We'vev been together for a short period of time but we made a lot of memories already. Kagat ko ang dulo ng dila ko habang pinagmmasdan sya sa loob.

"Manong Johnny ibili mo ako ng bagong cellphone, yung latest at high end kung pwede kulay na pambabae, nasira ko kasi ang phone ni Camilla last week kaya kaylangan kong palitan ng bago. Paki bilisan lang po" pagkasabi ko, agad akong tumayo na at lumabas ng room.

Pagkatapos ni Camilla, agad akong lumabas at pumunta sa opisina ko para ayusin ang ilang papeles. Isa na rito ang pagbukas ko ng bagong investment sa Real State under sa personal kong pera.

Pagkalipas ng dalawang oras, natanggap ko na ang text ni Camilla galing sa unknown number.

Unknown Number:

hab were done. If busy ka plz call para makacommute kami. Tnx ahead hab. Love u. Camilla here.

Agad akong bumaba at doon parin dumaan sa VIP. Dala ko ang bagong phone na ibibigay ko sa kanya.

Nagpark ako malapit sa entrance at agad naman nila akong nakita, sumakay ang tatlo nyang kaibigan sa likuran at sya sa front seat.

Tahimik akong nagmaneho, nilibre ko sila ng lunch at nakipag bonding sa mall ng kaunte sa kanila, naisipan pa nilang maglibot at mamili.


Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now