Part 25

38.3K 886 11
                                    

CHAPTER 25

Kinabukasan, sabay kami ni Klitz nagtungo sa Ti Amo Resorts and Hotel. Dun kasi nila sasalubungin ang new year nila. Kabado ako kasi gusto akong makilala ng parents nya.

Sa byahe palang namin na halos apat na oras. Puno na ako ng kaba. Ohmyged! Pano ko haharapin ang parents niya? Ang Dad nyang business tycoon at ang Mom nyang super model sa panahon nito.

"are you okay?" tanong nya sa akin. Siya ang nagmaneho ng bago nyang kotse. Gift daw ito ng Dad nya sa kanya.

Umiling ako, im not, honestly!" sabi ko.

Pinagsalikop nya ang mga daliri namin at napangiti. "Relax, they kind. My Mom is excited to meet you." pero hindi parin nakalma ang dibdib kong kanina pa talaga excited rin sumabog sa kaba.

Pinilit kong matulog sa byahe pero hindi talaga kaya. Naluluha na ako sa kaba habang nakikita sa daan ang mga print ad ng resort nila.

"were here!" ipinarada nya ang kotse nya sa may nakasulat na VIP na karatula. Halos hindi ko namalayan ang oras. Medyo madilim narin pala nakatinted kasi ang windows ng bagong car ni Klitz.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinagsalikop ang ang mga daliri namin. "relax" bulong nya sa akin.

"huhuhu! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko!" mahina kong bulong sa kanya habang papasok kami ng hotel.

Inabot lang kay Klitz ang card kahit hindi pa ito nagsalita. Iba talaga ang power ng mayaman. Automatic pati sa mga ganitong bagay.

Habang nasa elevator kami, napansin ko na yumuko ang elevator boy sa amin at pinindot nito ang nag-iisang kulay na kakaiba sa lahat ng buttons doon. Pagkabukas nito, isang magara at sosyal na interior arrangment ang bumungad sa amin. Isang maganda living room na may malaking chandelier ang naroon sa gitna.

Hawak nya parin ang kamay ko nang pumasok kami sa isang double door. Para itong ilang rooms ang pinagdungtong sa laki nito. Kunti lang ang naroon na mga rooms, siguro VIP floor ito. Halatang personal iyon na unit nila Klitz kasi may nakabantay talaga sa loob nito na nakaabang, parang bodyguard.

"Good evening sir Prince" bati nito kay Klitz na may kasama pang yuko. "good evening Madam" bati nya sa akin na kinangiti ko naman.

Pagpasok namin, magara ang loob, mamahalin ang mga gamit at halos gawa sa makintab na narra ang mga gamit at aparador. Malaki ang chandelier at maganda ang pagkailaw nito. Malawak ang bawat espasyo at magaganda ang mga nakasabit na paintings sa walls.

"Kuya!" sigaw ni Kean habang tumatakbo palapit sa amin. Niyakap siya ni Klitz at ngumiti ako sa kanya. "your here!" gulat nyang sabi.

Pag-angat ko isang matangkad at magandang babae ang naglalakad palapit sa amin. "and now your finally here" niyakap nya si Klitz at hinalikan sa pisngi. "Mom, meet Camilla" pagpapakilala ni Klitz sa akin. Kabado ako sa ngiti nyang pinakita. Niyakap nya ako at nakibeso-beso sya sa akin. "im glad you came!" sabi nya na may ngiting kasama. "Meet my Mom" sabi ni Klitz at ngumiti ako sa Mom nya, "good evening po" bati ko.

"she's pretty right?" biglang sabi ni Kean na kinatawa ng Mom nya. "yes but she's your brother's girl Kean, you cant have her" malambing na sagot ng Mom nya sa kanya. "I know" nakangiti nyang sabi.

"you can rest for a while, your Dad is busy in his emergency meeting with the managers" sumulyap sya kay Klitz at umiling naman si Klitz sa kanya. "pasensya kana, mamaya makakausap mo rin ang Dad mo" sabi ng Mom niya.

"magpahinga muna kayo, ipapahanda ko na ang dinner for all of us" sabi nya at hinawakan ang kamay ko. "im glad to finally meet the girl of my Son" sabi nya. Nakangiti ako sa kanya pero naglalaro sa isipan ko kung si Dawn Zulueta ba ang kaharap ko ngayon? Kamukhang-kamukha nga kasi ito.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now