Part 43

25.4K 560 6
                                    

CHAPTER 43

Tumango sya, "inborn" sabi nya na kinalaglag ng panga ko.

"your husband had been through an operation already, nakita ko ang mga senyales na bagong tubo ito at napabayaan" pinakita nya sa akin ang record ni Klitz.

Halos hindi na ako makapagsalita sa sinabi nya. Walang nabanggit o nakwento si Klitz sa akin about dito. Anong ibig sabihin nito?

"ano pa Doc ang pwede nating magawa?" kabado kong tanong sa kanya.

"kung magpapaopera ang asawa mo, makukuha natin ang tumor pero ang nakadikit na sa brain nya ang hindi na natin makukuha. Dahil sa tagal na hindi ito nagamot at naagapan, anytime pwede narin sya magkaroon ng cancer" napaangat ako ng ulo sa narinig ko.

"ano to one time big time na joke?" bulong ko sa isipan ko.

"if you want him to undergo an operation, i can set the date para mapadali natin ang proseso ng mga kakailanganin" sabi ni Dok.

Hindi ako sumagot, napatulala ako sa sinabi ng Doktor sa akin. Nanghina ang buong katawan ko.

Bumalik ako sa kwarto at ikinalma ang sarili ko. Hindi ko man alam kung ano ang gagawin ko pero isa lang ang nasa isipan ko ngayon. Ayaw kong maramdaman ni Klitz ang sakit at ayaw kong ipakita sa kanya na natatakot ako para sa kanya.

Pagbukas ko ng pintuan, naabutan ko syang nagsusulat.

"hi, so hows the result?" tanong nya at minadali nyang itiniklop ang kanyang sinusulat at inipit sa gilid ng unan nya.

Umiling ako at ngumiti, "wala pa, may emergency si Dok kaya balik nalang daw ako bukas ng umaga." sagot ko na kina ngiti nya.

"im fine, dont worry" sabi nya na may malambing na ngiti sa mga labi nya.

Tumango ako at napangiti rin.

Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko sa kaba habang pinagmamasdan syang naka ngiti sa akin. Ayaw kong mawala sya sa akin, ayaw kong hindi ko sya makasama sa pagtanda namin, ayaw kong hindi nya maihatid sa altar ang mga anak namin.

Napawi ang ngiti ko sa labi nangmay biglang pumasok sa pintuan, lumingon ako at nakita si Fred.

"Mika asked me to return here, baka may mga gamot na hindi available sa pharmacy, walang makasama si Cam sa pagbili" sabi nya. Halatang bagong bihis sya.

Tumango ako, "excuse!" sabi ko at agad na lumabas.

Nagpupunas ako ng luha habang naglalakad. Tinahak ko ang daan sa fire exit at napaupo sa hagdan. Hindi ko alam pero hindi ko na kayang pigilan ang mga luha na kanina pa gustong maglabasan sa mata ko.

Marahan kong niyakap ang mga tuhod ko at saka naglabas ng sakit sa dibdib ko.

Napaangat lang ako ng ulo nang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko.

"ito naman talaga ang reason why im here, to comfort you" sabi ni Fred at niyakap ako.

"sorry for keeping this from you, Klitz wants to live a normal life. He knows anytime mawawala na sya tanggap nya na yun, pero nang dumating ka Cam nagbago na ang plano nya bigla" naglabas ng malalim na hininga si Fred.

Kumalas ako sa pagkayakap ni Fred sa akin.

"he wants to live" yan lang ang sinabi nya nung nalaman nyang buntis ka. "he will do anything just to live, pero too late na nang malaman nya ulit na nabuhay ang mga tumor nya" yumuko siya at nagsalikop ng mga daliri nya at ang mga braso nya ay nakapatong sa kanyang mga tuhod.

"bakit hindi nyo sinabi sa akin Fred?" napaangat ako ng tingin sa kanya.

"kasi ayaw ni Klitz na iwan mo rin sya" agarang sagot nya.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now