Part 15

40.8K 958 4
                                    

CHAPTER 15

Pagkatapos ng huling naalala ko, ngayon lang ako nagising at nakadamit na. Nakatulog ako at masakit ang ulo ko ngayon.

Minulat ko ang mga mata ko ng maayos at nakita ang magandang dim lights ng room na ito. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Klitz pero wala ito sa loob ng room.

Nakarinig ako ng mga tawanan, tumayo ako at lumabas sa veranda at nakita silang nandun at nagkukwentuhan habang nag-iihaw.

Bumalik ako para kumuha ng jacket. Nakita ko ang varsity jacket ni Klitz na nakapatong sa taas ng bag nya, kinuha ko ito at sinuot. Inipitan ko ang buhok kong magulo at lumabas ako.

"so the drunk girl is awake" biglang sabi ni Miller at napangiti lang ako. Nakita ko na nabigla si Klitz sa nakita nyang suot ko ang jacket nya.

Tumayo si Klitz at pinaupo ako, "pahiram ako ha?" pinakita ko ang jacket sa kanya at tumango sya. "hungry?" tanong nya. Umiling ako.

"Cam, maglalasing ka pala hindi mo manlang ako tinawagan edi sana may partner ka?" pabirong sabi ni Mika na agad namang sinaway ni Fred. "Mas delikado kung kayo ang mag-sama baka makapatay ako ng wala sa oras kung makita ka sa ibang room" sabi nito na kinatawa ng lahat.

"loko!" saway naman na may hampas pang kasama ni Mika kay Fred na nawawala ang mata kung tumatawa.

"kaya nga ayaw ko sa mga babaeng umiinom kasi kung malasing nagiging Delilah na" sabi ni Alex. "sa kumbento na kaya tayo maghanap tol?" sabat naman ni Miller.

"walang papatol sa inyo sa kumbento at isa pa ang lahat ng nasa kumbento hindi basta-bastang nakikipag-usap sa mga lalaki n---" natahimik ako nang makita ko ang mga titig ni Klitz sa akin na parang may bahid na galit.

yumuko ako at sumandal nalang sa kanya. "sorry" bulong ko na hindi nya pinansin. Umiinom sila ng beer habang nagkukwentuhan about sa graduation. Tumayo si Mika at pinalitan si Miller sa pag-iihaw. Tumayo din ako para samahan sya roon.

"bakit mo naisipang uminom?" tanong nya agad nang tinulungan ko syang baliktarin ang mga inihaw. Umiling ako at napangiti. "sa totoo lang?" napatawa ako ng kaunti. "tulog kasi si Klitz tapos nakita ko yung wine na kulay pula, medyo na amaze lang kaya sinubukan ko" natatawa kong kwento. "tapos nasarapan ka kaya pinatuloy mo nalang hanaggang nalasing ka?" pagpatuloy nya sa kwento ko. Tumango ako at nakitawa narin.

"anong sinabi ni Klitz?" excited nyang tanong. "alam mo na. Grounded ako!" yumuko ako, "grounded saan, sa bed b--" hindi nya na natapos ang sinabi nya at tumango na ako agad, napatawa kami ng malakas na kina lingon ng mga kasama naming mga lalaki.

"uy! Ano yan?" biglang sabi ni Alex. "ishare nyo yan sa amin girls" dagdag pa nya. Sa hindi inaasahan, pareho kaming napa-iling ni Mika at napatawa.

Pagkatapos naming maluto ang mga inihaw, nagpunta kami ni Mika sa hagdan pababa ng dagat na naroon lang isang gilid. Nagkwento sya about sa pano ako nagustuhan ni Klitz.

"bago paman sila napadpad dito sa University, magkakaibigan na sila mula high school. Transferee si Klitz that time kakagaling nya lang sa London, kaya sinamahan siya namin na mag-enrol. Una ka nyang makita noon sa canteen. Umupo ka sa tabi ng naming table. Pinagmasdan ka nya at naaaliw sya sayo kasi nag-aaral ka non" napatawa sya sa kwento nya.

"next ka nyang makita nung naka-upo ka sa bench at may kakwentuhan, tawag nya sayo na snow white, pero kami tawag namin sayo white lady" nainis ako sa sinabi nya kaya nahampas ko sya. "ang bad nyo!" sabi ko.

"Tapos yun, araw-araw ka nyang sinusundan, nagpractice pa syang magtagalog para sayo kasi baka raw masabihan mo sya ng feeler. At ang pinakaworst sa lahat, ninakawan ka nya ng ID para lang makuha ang full name mo." natatawa syang nagkwento samantalang ako naman ay napaisip kung saan ko nawala at kelan nawala ang ID ko.

"san at kelan yun?" tanong ko kaagad. "during enrolment, muntik ka na ngang hindi makarenew ng scholarship mo that time" sabi nya. Napatayo ako nang matapos nyang sabihin yun.

Flashback:

Nakapila ako sa scholars line nang biglang may mag nakahulog ng mga gamit nya sa harapan ko. Yumuko ako para tulungan sya. "im so sorry" maarte nyang sabi. "its okay" ngumiti ako tinulungan syang pulutin ang mga papel at resibo nya. "thank you" ngumiti sya sa akin, magaganda ang mga mata nya dahil kakaiba ang kulay ng mga ito, ang tangos at shape ng lips nya. Hahayy, gwapo sana kaya lang halatadong babaero.

Bumalik ako sa linya ko nang maka-alis na sya. Nung ako na ang, hinanapan ako ng ID, nagkapa ako kung nasaan ang ID ko. Ilang besis kong hinanap sa bag ko at sa dala kong folder pero wala.

Nagalit ang clerk kasi nakapost naman daw ang requirements pero bakit pumila akong kulang ang dala kong mga requirements.

Naiiyak ako kasi deadline pa naman ng enrollment para sa scholars. Mawawalan ako nito ng subjects.

Naghalungkat ako sa kwarto namin sa dorm at halos nagulo ko na lahat ng mga gamit ko. Hanggang sa pumunta ako IT Department at nagpagawa ulit ng ID, halos sangkatutak ang inabot kong sermon mula sa Head ng department na yun dahil sa inis nya dahil tapos na raw ang ID printing.

Nakaenrol ako pero lahat ng schedule ko pangit at terror ang lahat ng naging prof ko that semester. Dahil sa isang pirasong ID.

End of flashback.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng mga boys. "KLIIITZ!" galit kong tawag sa name nya.

Tumayo sya at agad na lumapit sa akin. "bakit?" tanong nya kaagad na may halong pag-aalala.

"Sira ulo ka, ikaw pala ang dahilan kung bakit ako nagsuffer ng one semester sa kamay ng lahat ng terror na professors" nangunot ang noo nya sa mga sinabi ko.

"suffer?" tanong nya. "Ikaw pala ang kumuha ng ID ko" naiiyak kong sabi. "alam mo ba kung ano ang inabot ko sa araw na yun? Puro lahat galit galing sa mga kung sinong tao" tumulo ang luha ko.

Nagtawanan sila. Binunot ni Klitz ang wallet nya mula sa likuran nya at pinakita sa akin ang ID kung nakadisplay sa portrait ng wallet nya. "ito ba?" natatawa nyang sabi, "sorry?" at niyakap ako.

"alam mo bang binayaran ko pa ang gumawa ng ID mo na isingit ka that day para maka-enrol ka kasi hindi ko alam pano isauli sayo ang ID mo nung pinagalitan ka ng clerk." natatawa nyang sabi.

"ginawa ko naman lahat na palitan ang mga schedule ng mga prof mo pero wala akong kapit sa admin kaya, sorry hon?" naglambing itong yumakap sa akin.

"nakakainis ka talaga!" hinampas ko ang dibdib nya pero napatawa lang sya.

"dont worry, matalino ka naman hon, see namaintain mo nga ang dean's list mo kahit puro terror lahat ng prof mo" sabi nya.

"sinu pala ang nagsabi sayo na nasa akin ang ID mo?" tanong nya, pinasadahan ko ng tingin si Mika na natatawa sa gilid ni Fred.

"wow Mika thank you ha? Laglagan na ba to? Sabi nya kay Mika pero tawa lang ng mga kaibigan nya ang sumagot sa kanya.

Elite 2: My obsessed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon