Part 29

33.3K 810 19
                                    

CHAPTER 29

Sa tuwing umaga, nagsusuka ako. Kalbaryo ko ito sa tuwing gigising ako. Madalas narin akong nahihilo at panay narin ang tulog ko.

Ngayong lampas dalawang buwan na ang tiyan ko, panay na ang paghahanap ko ng mga pagkain. Minsan buong araw mangga at bagoong lang ang kakainin ko. Pinagtitiisan ni Klitz ang ipagbalat ako at panoorin akong kumakain kahit nandidiri sya sa amoy ng bagoong.

"ang arte mo naman may pa-mask ka pang nalalaman" sita ko sa kanya. Pero sya parang walang naririnig.

"huwag kang aalis dyan ka kalang sa harapan ko hab, iiyak talaga ako pag-tumalikod ka" sabi ko habang nakapikit sya sa harapan ko. Ayaw ni Klitz ang kulay gray na bagoong na may mga buto ng isda pa. Pakiramdam nya raw ay parang sinuka ito.

"ang arte mo talaga!" sabi ko habang sarap na sarap sa pagkain ng mangga at bagoong.

Minsan naman sa kalagitnaan ng gabi nagigising ako at naghahanap ng makakain. Buti nalang at panay ang overtime ni Klitz sa kakatapos ng mga design nya.

"habz naubusan na pala tayo ng cheese?" tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa harap ng nakabukas na ref at nagpapalamig.

"gusto mo bang kumain ng cheese? Ibibili kita." sabi nya at kumaway ako para malaman nyang hindi na kailangan.

Umupo ako sa sofa at nagmukmok. Wala akong makitang masarap kainin sa ref. Ayaw ko syang istorbuhin kasi naghahabol pa sya na matapos ang mga design nya.

Nakita ko syang gwapong-gwapo na naglakad sa harapan ko. Nakangiti sya sa akin.

"whats wrong?" tanong nya sa akin pagkalapit nya. Umupo sya sa tabi ko at sumandal ako sa balikat nya.

Umiling ako at ngumiti. "wala naman" sabi ko.

"anong gustong kainin ng matakaw na mag-ina ko?" malambing nyang tanong habang nakasandal ako sa balikat nya.

"isaw sana" mahina kong sabi.

Napailing sya at napatawa. "ang weird talaga ng mga pinaglilihian mo noh?" sabi nya.

Napansin ko na napadako ang mata nya sa relos nya at napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit. 10:30 PM na pala. Gabi na, pagod pa si Klitz.

Huwag nalang, gabi na habz" sabi ko at tumayo. Naglakad ako diretso sa kwarto at nahiga.

Rinig ko mula dito ang tawa nya. May kausap siguro sa phone nya. Hindi ko nalang pinansin. Nagpagulong-gulong ako para mapagod at dalawin ng antok.

Nabigla ko ako nang nagbukas sya ng closet at inilabas mula roon ang ang pares kong cotton sweatshirt at jogging pants na adidas na pasalubong nya sa akin mula sa Singapore. "wear this habz" sabi nya sabay patayo sa akin.

Tinanggap ko naman at sinuot agad. Nakaleggings ako sa baba ng jogging pants at sando naman sa pangbaba ko sa sweatshirt. San kami magjojogging sa ganito kalalim na gabi?

"lets go!" sabi nya matapos syang nagsuot ng jacket. Ang gwapo nya kahit naka cargo shorts lang sya at jacket. Nagsuot sya ng cap na mas lalong nagdagdag ng appeal nya.

Hawak nya ang kamay ko palabas ng pinto. At isinuot sa akin ang hood ng jacket ko pagkalabas namin ng elevator.

Tahimik syang nagmamaneho habang ako naman ay sumasabay sa kanta ng pinatugtog ko sa player nya.

"when the days are cold and the cards all fold, and the saints we see are all made of gold.

When your dreams all fail and the ones we hail are worst of all, and the blood's run stale"

Nakapikit akong kumakanta. Nasa mood akong kumanta ngayon, ewan ko ba kung narinig nya na akong kumanta pero isa lang ang alam kong sure ako. Choir member ako ng simbahan mula elementary to high school.

"i wanna hide the truth, i wanna shelter you. But with the beast inside theres nowhere we can hide, no matter what we breed, we still are made of greed. This is my kingdom come, this is my kingdom co---"

Napatigil ako ng kanta nang napansin kong napakarating na pala kami sa plaza kung saan nakalinya ang mga ihawan. Nakapark na pala sya at nakatitig sa akin na nakangiti.

"sorry" nahihiya kong sabi.

"no you can finish the song if you want Habz" sabi nya. Pero umiling ako at pinatay na ang player.

"wag na baka umulan pa at hindi pa ako makakain ng isaw." nakanguso kong sabi. Dinig ko ang tawa nyang malakas.

"kahit bumagyo pa habz, susugod ako para sa inyo ng anak ko" sabay akbay habang papaunta kami sa mga mesang naka ready na.

"nandito sila?" tanong ko nang makita ang barkada. Uminit ang ulo ko nang makita si Miller na kumakaway.

"bakit sya kasama dito?" bulong ko kay Klitz.

"bakit, pano mo nalaman?" tanong ko.

Ngumiti muna sya. "si Klitz kasi ang nagbloom. Kapag ikaw ang nagbloom babae ang baby mo pero pag ang asawa mo ang nagbloom, lalaki ang baby" napatango ako.

"totoo ba yan?" tanong bigla ng nakakiritang si Miller.

"interested? Buntis kaba?" agad kong sagot sa kanya.

Napailing nalang ito. Ramdam ko naman ang kamay ni Klitz sa beywang ko na para bang nilalambing ako.

"nandito na ang order natin" biglang agaw ng atensyon ni Alex sa masama kong titig kay Miller.

Kumain ako, pero parang may hinahanap pa akong kakaiba.

"kuya!" tawag ko sa lalaking nagserve ng order namin, pagkalingon nya agad akong humingi ng sili, calamansi at toyo.

Si klitz ang nagready ng sili, calamansi at toyo. Gusto ko ng maraming sili. Kaya naman bantay ng bantay si Klitz sa bawat lunok ko.

Marami silang inorder, isaw, robin, atay ng manok, tocino, chicken wings at chicken skin.

Sarap na sarap ako sa pagkain. Natigil lang ako nang tumawag si Rosie para mangamusta sa akin. Lumayo ako ng kaunti dahil nasa gitna sila ng kwentuhan, pero tanaw ko parin ang pagbantay ng mga titig ni Klitz sa akin.

Pabalik na sana ako sa kanila nang may tumawag ng pangalan ko.

"Singson!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. May kumakaway mula sa mesa ng mga lalaki.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko makita ang mukha nya. Nakita ko siyang naglakad palapit sa akin.

"Camilla, ako to si Adler" sabi nya. Napangiti ako sa kanya. "kamusta?" agad nyang tanong.

"okay naman ako, ikaw?" masaya ko syang sinagot. Kaklase ko si Adler sa high school. Isa sya sa mga gwapo kong kaklase. May banda sya at ang alam ko dito rin sya sa city nag-aaral.

"okay lang din, graduating narin!" sabi nya. "mas lalo ka atang pumuti at gumanda" sabi nya na kinatawa ko.

"hindi ka manlang nagbago, bolero ka parin gaya ng dati" sabi ko na kinatawa nya ng malakas.

"pinapatanong pala ng kaibigan ko kung may boyfriend ka naraw" nahihiya nitong sabi sa akin.

"please tell your friend na ikakasal na sya" biglang sulpot ni Klitz sa tabi ko at niyakap ako sa beywang. "ang she's bearing my child" ngumiti si Klitz sa kanya.

"wow, congratz Cam" sabi ng kaklase ko. "Adler pare" naglahad ito ng kamay kay Klitz.

"Klitz" tinanggap din ni Klitz ang kamay nya.

"habz, kaklase ko sya sa high school" sabi ko na kinalapad ng ngiti ni Adler.

"nice meeting you pare" sabi ni Klitz, "cge mauna na kami" agad kaming naglakad ni Klitz pabalikmsa table namin.

"avoid boys Camilla!" mariin nyang bulong bago kami umupo.


Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now