Part 37

31.6K 861 4
                                    

HAPPY 1000 READERS!!! thank you po sa lahat nagtiis magbasa at magvote. hehehehe...

@Queen_Aphridote tnx for waiting for the update.

CHAPTER 37

Apat na araw kami ni Klitz nagstay sa Hotel. Gusto nya raw kasing lubusin ang binigay na pahinga sa kanya ng mga magulang nya.

Ngayon pauwi na kami.

"nagpasched na ako sa OB habz, bukas tayo pupunta" sabi nya habang nagmamaneho.

"im excited na kung ano ang magiging baby natin" nakangiti kong sabi sa kanya.

Napahawak ang isang kamay nya sa kamay ko habang ang isa naman ay nasa manobela at nagmamaneho. "im happy, you know?" nakangiti sya.

Sa unang pagkakataon, nakita ko ang kakaibang saya sa mukha ni Klitz na para bang natural na kasiyahan ang nakabalot sa mukha niya.

Napatitig ako sa kanya. Para bang naestatwa ako habang pinapanood ang mga ngiti nya.

"thank you." sabi ko. Hinawakan ng dalawang kamay ko ang nakasalikop nyang daliri sa akin. Hinarap nya ako na para bang sinasabi nyang 'masaya sya at gagawin nya lahat para mapasaya ako.'

Ilang besis akong napaidlip sa byahe, dala siguro ng kondisyon ko kaya kahit ang mapaidlip ay hindi ko na talaga minsan mapigilan.

Naramdaman ko ang pagtigil ng isang sasakyan sa harap ng isang bagong bahay. Halatadong bagong gawa dahil sa tingkad at bagong pintura ito.

"kaninong bahay ito habz?" tanong ko na kinangiti nya sa akin. Bumukas ang gate na kulay itim pagkatapos nang ilang busina ng kotse namin.

Nakita ko ang nakangiting si Nana Lena na katulong namin.

Pagkapark ni Klitz sa kotse, ay agad nya akong pinagbuksan ng pintuan. Nakangiti syang naglahad ng kamay sa akin.

Lumabas ako na nagtataka, "bakit nandito si Nana Lena Habz?" tanong habang kumakaway si Nana Lena sa akin at may malapad na ngiti sa labi niya.

"dito na sya titira sa atin, dito naman talaga sya Habz natutulog everynight, sya ang bantay dito" sagot nya sa akin na mas lalong kinakunot ng noo ko.

Hinila ako ni Klitz papasok ng bahay, pinakita nya nga ang ganda ng pagkaayos at pagkadesenyo ng bahay, ang pagkaayos ng mga furniture at ang mga gamit mamahalin at garboso. Hard wood ang sahig nito at makintab, may carpet at ang furniture nya ay gawa sa unique na desenyo.

Hawak ni Klitz ang kamay ko habang nililibot nya ako sa buong first floor. May tatlong kwarto sa baba, isang maid's quarter at dalawang guest room. Fully furnished na ang bahay namin. Matingkad na kulay tanso ang wall at may mga hard wood syang display sa ceiling. May chandelier at may mga poste itong may kung anong greek design na hindi ko na maisip bakit ganito ka ganda ang bahay na ito. Umakyat kami sa hagdan na agaw pansin dahil sa gawa ito sa narra. Marmol na kulay itim at ganoon din sa second floor. May malawak syang living room na kung saan ginawa itong entertainment area. Kapansin-pansin na pang teenager ang mga klase ng sofa na naroon, meron syang hanging sofa na gawa sa rattan.

May limang kwarto ang naroon, isang master bedroom na pinagitnaan ng tatlong kwarto, isang library na parang opisina.

Pagbukas nya sa master bedroom, niluwa nito ang malaking wedding portrait naming dalawa na nasa taas ng king size bed.

"How do you like my wedding gift for you?" nakangiti nyang tanong sa akin na kinabagsak ng panga ko.

"is this our new house?" tanong ko na parang wala sa sarili.

Elite 2: My obsessed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon