Part 2

57.4K 1.1K 26
                                    

CHAPTER 2

Pagkatapos ng klase ko sa subject na yun kung saan kaklase ko ang rapist na yun, agad akong nagdiretso sa locker ko para kunin ang folder ko para sa next na klase ko.

Dinig ko ang mga hiyawan ng ilang mga babae sa hallway, siguro may mga rumampa na naman na mga gwapo kaya nagsisigawan na naman ang mga malalandi.

Inaayos ko ang mga libro ko na hindi ko iuuwi nang biglang may humablot sa bag ko, nabigla ako nang haluglugin nya ito na para bang may hinahanap ito sa loob ng bag ko. Nakita ko ang mga tingin ng mga schoolmate kong babae sa akin na para bang nagdududa sila.

"anong ginagawa mo?" inis kong sabi at inagaw sa kanya ang bag ko.

"shut up!" galit nyang sinabi at kinuha na naman ang bag ko at hinalughug. Nakita ko na may kinuha syang papel sa at ibinalik nya sa akin ang bag ko. "phone?" inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko na para bang nag-aantay.

"anong phone?" nangunot ang noo ko, hindi ko ninakaw ang phone nya bakit nya sa akin hinahanap? "give me your fucking phone!" naiirita nyang sabi. "bakit?" sabi ko at nabigla nang hinampas nya ang locker sa tabi ko. "give me your phone!" sabi nya.

Nataranta ako at mabilis na binigay ang phone ko sa kanya. Nakita ko syang may pinipindot at itinabi nya ang phone nya sa akin. Nag-smirk sya na para bang nang-iinis pa lalo. Nilapit nya sa akin ang mukha nya na para bang akmang hahalikan nya ako pero hindi noh..."answer my call, read my text and dont try to escape or else ilalabas ko ang sex video natin" inilagay nya sa mga kamay ko ang phone ko at nakangiti syang naglakad palayo sa akin.

Nanigas ako at hindi makagalaw sa sinabi nya. 'sex video?' mga salitang naglalaro sa isip ko. Huh? Bwesit na yun nakuha pang irecord ang mga kagaguhan nya? Rapist talaga na bwesit!

Takot ako at balisa na pumasok sa mga klase ko. Panay din ang tingin ko sa phone ko pero walang message na dumarating. Natapos ang araw ko sa school na para bang limitado ang bawat galaw ko.

Tapos ng klase ko, nagdiretso na agad ako sa trabaho ko. Naabutan ako ang ilang suki namin na kumakain roon dito. Pati narin ang ilang mga kasama ko na nasa bagong working shift narin.

"hi Cam!" bati sa akin ni Jana na nasa cashier at besing-besi sa kakaedith ng kanyang kita sa whole shift nya.

"hello Jan" sagot ko rin. "wala pa ba sila Janus at Irah?" tanong ko. Sila kasi ang makakasama ko sa night shift kong from 6-11pm. Bagong time slot namin. Ngumiti sya sa akin at umiling.

Nagsimula na kaming magtrabaho, gaya ng dati basta 6 pm to 9 pm masyado kaming busy dahil sa dami ng order at take-out order.

Nakakapagpahinga lang kami kapag lampas alas nuebe na dahil maliit nalang ang tao at minsan halos wala na talagang costumer nyan dahil malapit na sa curfew hours.

Lampas alas dyes na ng gabi nang naisipan kong bisitahin ang phone ko, naisip ko kasi baka may mga take out order ang mga doormates ko na ipapadala sa akin pauwi. May tatlo akong mensahe ngunit lahat galing sa unknown numbers.

(1) unknown number:

Susunduin kita sa waiting shed wag kang tatakas.

(2) unknown number:

Text me when your done, ill fetch you!

(3) unknown number:

Babae bakit hindi ka nagrereply?

Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko pero instead na magreply, inerase ko nalang lahat para hindi ako maapektuhan.

Mamaya sa pag-uwi sasabay ako sa mga kasama ko, tutal malapit lang naman ang dorm ko sa kanila walking distance lang naman ito.

Pagpatak ng alas onse, nagsarado na kami ng resto, may gwardyang nagbabantay sa labas at may dalawa kaming tao na nasa loob at dito natutulog. Dalawa sila ang mga Chef namin na trusted na ng bossing namin dahil sa tagal na nilang nagtatrabaho dito.

Sabay kaming naglakad papuntang waitng shed para mag-antay ng masasakyan. Lima kaming magkakasama sa waiting shed at masayang nag-uusap.

"napaka boring talaga basta night shift ka kasi kaunti lang ang tao dito sa district natin" sabi ni Maya na cashier namin. "oo nga, pero next month sa pagbukas ng night life bar na yan, dadami na ang mga tao kasi may disco house na sa harap natin" sabi naman ni Janus.

"pero ako mas gusto ko parin ang kaunti lang ang tao para peaceful ang trabaho" antok na sabi ni Irah.

Nasa waiting shed na kami at umupo ako. Nagtago ako sa mga kasama kong nakatayo at naghahanap ng jeep na syang dadaan sa distrito namin. Nang biglang may tumigil na sasakyan, isang kulay black na 4x4 estrada at pumarada sa harapan namin. Nagtaka naman kaming lahat bakit sa kadami-dami ng pwedeng hintuan sa harapan talaga namin.

Tumunog ang phone ko sa isang tawag, unknown number ito kaya agad kong sinagot dahil baka emergency call ito.

"hello?" mahinahon kong pagsagot.

"get in the car" seryosong boses ang sumagot sa akin.

"huh? Anong sabi mo? Sino ka ba?" tanong ko sa pagtataka. "anong car?" luminga-linga ako sa paligid.

"stupid! Dont let me wait or else ill pull you there!" inis nyang sabi at agad tumunog ang pagbukas ng unlock ng kotse sa harapan namin.

"may mga kasama ko! Bati ba tayo?" mataray kong sabi.

"gusto mo bang itag kita sa fb sa video natin?" natatawa nyang sabi.

Napatayo ako agad at kinabahan. Bwesit blackmail ba toh?

Napatingin ang mga kasamahan ko sa akin, nag-isip ako ng irarason ko.

"pwede bang kasama sila?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa madilim na bintana ng kotse nya. "NO" maikli ngunit madiin nyang sinagot sa akin. "get inside!" sigaw nya na nagpapukaw ng kaluluwa ko.

"ahhh, guys sorry makikisakay ako dito. Pasensya na kung hindi ako makasabay" paliwanag ko at agad na binuksan ang pintuan ng kotse ng rapist na to at sumakay na ako.

Naiwan ko ang mga kasama kong naka nganga at nakatingin lang sa akin habang pumapasok sa sasakyan ng rapist nato.

Pagkaupo ko sa sasakyan nya, agad kong sinarado ang pinto na sya namang nilock nya gamit ang automatic lock nito.

"bakit ba? Anong kailangan mo?" agad kong sabi sa kanya habang sya naman ay mabilis at matulin na pinatakbo ang sasakyan nya. Hindi sya sumagot, hindi rin nya ako nilingon.

"kung ihahatid mo ako, salamat nalang pero dyan nalang ako sa kanto, kaya ko namang maglakad papasok" tinuro ko ang kanto namin ngunnit diniretso nya ito at lumiko sa kabila. Nabigla ako nang makita ang signage ng building na tinitirhan nya.

"bumaba kana" sabi nya at nauna nang bumaba. Natatakot ako kung ano man ang plano nya na naman. Tumayo sya sa harapan ng kotse nya at sa akin nakatingin. Bumaba ako at agad na isinara ang kotse nya.

"sige salamat sa paghatid, mauna na ako" sabi ko at tumalikod na agad, naghakbang ako ng ilang pulgada palayo sa kanya ngunit hinigit nya ang palapulsuhan ko at hinila papasok ng building nila.

Sumubok akong makawala sa hawak nya ngunit hindi ko nagawa. Nakapasok kami sa elevator at agad nyang pinindot ang 3rd sa mga pagpipilian.

"ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya. "hindi ka pa ba nakontento sa ginawa mo nung nakaraang gabi?" inis kong sabi at sigaw sa kanya. Ngunit wala akong narinig mula sa kanya kundi mga titig nya lang.

Pagbukas ng elevator ay hinawakan nya agad ang kamay ko at hinila ako para sumunod sa kanya. Huminto kami sa isang pinto, ang kanyang pad, oo sosyal nakatira sya sa isang bachelor's pad na condo style, isang building malapit sa school at nasa likod lang ng dormitory namin.

Pagbukas ng pad nya, hinila nya ako sa loob, isinara nya ang pintuan at nilock ito.

Elite 2: My obsessed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon