Part 5

51.4K 1K 21
                                    

CHAPTER 5

Hindi ko alam kung saan kami patungo, ang alam ko ay nasa kabilang City kami papasok.

Hindi na ako nagtanong, tahimik akong nagmasid ng bawat madaanan namin.

Nagpark kami sa loob ng isang malaking mall. Nauna syang bumaba at ipinagbuksan ako ng pintuan. Chos! Gentleman na rapist?

Nang papasok na kami, nabigla ako nang pinagsalikop nya ang kanyang mga daliri sa akin at sinabayan ako sa paglakad.

"sorry?" sabi nya at napayuko sya. Hindi ako sumagot, kaya naman dinungaw nya ako. Nagkataon na nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang cute side nya. Napangiti ako at umiling nalang, hawak nya ang kamay ko ayaw ko magpahalata na kinikilig ako sa ginawa nya.

Nakita ko na ngumiti din sya at napakamot nalang sya sa ulo nya. "bipolar!" mahina kong sabi na alam ko na hindi nya narinig.

Nag-ikot kami sa mall na magkahawak ang mga kamay namin. Natatawa ako paminsan-minsan kasi napipisil nya ang kamay ko kung magtama ang mga mata namin. After ng two night stand, ngayon pa ba kami kikiligin? By the way, hindi ko parin sya kilala. Infairness sa long hair ko.

Sa pag-iikot namin, napapansin ko na mabenta talaga ang gwapong to kasi kapag may madaanan kami ay sa kanya nakatingin or sa aming mga kamay. Kaya tuloy kinakabahan ako kasi baka bigla akong sugurin ng kung sinong babae dito.

Pumasok kami sa grocery store, kumuha sya ng cart at itinulak ito palapit sa akin.

"get what you want" sabi nya sabay hawak sa beywang ko. "no, meron pa naman ako sa dorm" sabi ko at naunang naglakad sa kanya ng kaunti.

Nakita ko pano sya kumuha ng mga chips at chocolate. Ilang fresh milk din ang kinuha nya at nilagay sa cart. Nung napadaan kami sa hygiene section, nabigla ako nang kumuha sya ng feminine wash at bath soap. Nagpigil ako ng tawa kasi baka bigla na naman siyang magalit. Wow! Pareho pa talaga kami ng ginagamit na na feminine wash at bath soap. Shampoo at facial foam. Kumuha sya ng tag-dalawa sa bawat isa nito. Nauna akong naglakad at nagkunwaring walang pakialam sa mga kinukuha nya.

Now i know the reason bakit nya ako sinama para hindi sya mapahiya kung magbabayad na sya sa counter. Bipolar na, bakla pa. Pathetic!

Pagdating sa tooth brush at mouthwash pinapili nya ako ng kulay. Pinili ko ang pink, hahahaha para hindi sya mainsecure sa akin. Fink-fink din si kuya!

Huminto kami sa mga beer in can, kumuha sya ng dalawang cartoon ng beer na mamahalin pa. Hinayaan ko nalang sya. Now i know your secret bakla, nilalasing mo ang mga gusto mong makasex para hindi sila makalaban. Ambisyusa!

Malapit na kami sa counter nang hinawakan nya ako sa baywang at tinulak palapit sa counter ang cart nya. Binati sya ng cashier at nagpacute pa ito ng sobra-sobra. Hindi ko nalang pinansin ang babae at hinayaan nalang din si Mr. Bipolar na magpa-punch ng lahat ng binili nya.

Iniwan nya sa baggage area ang mga pinamili nya at hawak kamay kaming pumasok sa pizza hut. Umorder sya ng take-out ng pagkain at isang pizza.

Pagkabigay ng order namin. Dumiretso na kami sa parking lot. Pumasok ako sa kotse nya at tinulungan nya naman ang boy sa pag-akyat sa likuran ng mga pinamili nya.

Pagkaupo nya sa driver seat ay nagkatitigan kami. Natawa ako at sya naman ay kumunot ang noo. "what?" tanong nya. Tumigil ako sa kakatawa at inayos nalang ang seat belt ko.

Tahimik syang nagmamaneho at ako naman ay nakadungaw lang sa bintana.

Hindi kami agad umuwi, ipinark nya ang kotse nya sa tabi ng park na kung saan kaharap namin ang dagat. Kinuha nya ang take-out food namin at binigay sa akin ang isang pack ng spaghetti. Nilagay nya sa gitna ang pizza.

Magkaharap kaming kumain, naglakas loob akong kausapin sya tutal ngayon alam ko na na bakla sya. Sayang gwapo pa naman sana, hindi naman ako nanghinayang na sya ang nakauna sa akin, ngayon lang ako nakahinga ng maluwag.

"after ba nito hindi mo na ako guguluhin pa?" nakangiti kong tanong. Napatingin sya sa akin at umiling. "this will the the start!" sabi nya na nakangiti.

"what do you mean?" tanong ko. " what?" sagot nya.

"by that?" tanong ko. "why? What's running in your head?" tanong nya rin pabalik sa akin. "none! Freedom?" nagdalawang isip pa akong sumagot.

Napangiti sya. "i want us to become official" sabi nya na kinalaki ng mata ko. Ano daw teh? "what do you mean?" nagtataka kung tanong.

"i want you to be my girlfriend, officially!" sabi nya at kinagat ang pizza nya.

"hahahaha, funny!" iritable kong sabi. "im not joking! Were officially on!" sabi nya at agad akong hinalikan sa labi.

"seriously?" tanong ko? At tumango sya. "very serious!" sabi nya. Napatulala ako. Hindi ko alam kung ano na talaga ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung pano to aayusin, pano ako lalabas at paano ako tatakas?

"is this your style to get the girl you want to display and use?" sabi ko. "No, i plan this for four fucking years Camilla Singson so dont shit on me or else!" nabigla ako sa sinabi nya. four years?! Wait anong ibig nyang sabihin?

"hahahahaha! Ano yan drama?" iritable kong sabi. Naguguluhan ako, enlighten me please? "i like you since i first saw you and i want us, i want you to be mine before other man steal you away from my chance" sabi nya. "bakit ba ang dali lang sayo sabihin nyan? Okay kalang ba?" tanong ko na naiinis na ako. Naiirita ako bakit ako pa ang napili nyang pagtripan.

"im not playing around, im serious. I love you and i want you to be mine, so stop talking!" madiin nyang sabi na kinagulat ko pa lalo.

"alam mo, you bump on the wrong girl!" sabi ko at umiling lang sya. "im not the perfect girl for you, were not compatible and wer---"

"then marry me, TANGINA!" sigaw nya. Naputol ako sa kakasalita at naestatwa. "i dont know how to court you, i dont know how to approach you and i have no idea if you will like me in return, all i know for FUCKING four yeas is that im inlove with you and i want you!" binagsak nya ang pizza nya pabalik sa lalagyan nya at sumandal sa upuan nya. Huminga sya ng malalim at namumula na ang pisngi nya.

Sumandal din ako sa inuupuan ko at pareho na kaming nabalot ng katahimikan.

Matagal kaming nasa ganuong sitwassyon.

Ang pag-rape ba sa akin ang paraan nya para makuha ako at ang mga pananakot nya ba ang dahilan para makasama ako? Naguguluhan na ako. Hindi ko alam pero ,oo may spark na sana pero mali lang ang pinagmulan ng spark. Ayoko magpadalos-dalos, ayaw kong masira ang mga palano ko sa buhay.

Hindi ko naiwasan ang pagtulo ng luha ko, hindi ko alam kung bakit malungkot ako na dapat ikasaya ko ito kasi sya ang pangarap ng bawat babae sa campus. Mayaman, matalino at gwapo, pero bakit biglang iba ang nararamdaman ko. Bakit parang takot ang bumalot sa akin?

Nag-alarm ang phone ko, alas tres na, alas quatro ang pasok ko dahil maysakit si Irah at kailangan kong mag-early para makapagpahinga ang karelyebo nya.

Nagpunas ako ng luha, "pwede mo ba akong mahatid sa trabaho ko?" mahinahon kong tanong habang nakayuko. Alam ko na kanina pa sya nakatitig sa akin dahil nakikita ko sya sa gilid ng mga mata ko.

Tumango sya at tiniklop ang pizza at nilipat ito sa likuran, nagsimula nang magmaneho. Tahimik kaming sa byahe na para bang pareho kaming namatayan.

Napahinto kami sa pagpula ng traffic lights. "sorry?" sabi nya. Ang boses na malambot at malambing. Tumango lang ako at tipid na ngumiti sa kanya.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now